Chapter 2

254 16 2
                                    

-2-

Investiture namin ngayon. Kakatapos lang ng test namin tapos, dumiretso pa kami sa pinag-papa-practice-an namin para lang sa Song interpretation.

Kasama ko si Alyssa ngayon, nag-aabang ng jeep. Malapit lang naman sa school namin yung pinag-papractice-san pero kailangan pang sumakay ng jeep para makarating dun. Walang dumadaan na jeep! Kaya nag-lakad kami ng ilang hakbang hanggang naka-abot kami s intersection at dun na nakasakay.

Nag-hiwalay muna kami ni Alyssa kasi siya ang bahala sa sinaing. Tas ako, bibili pa ng ingredients para sa lulutuin namin. Grabe! Hashtag Haggard. Dapat pala nag-skip muna ako sa practice! Hayst!

Matapos bumili, agad na akong nag-ayos ng sarili ko. Nag-bihis na ako ng uniform tas inayos ko na yung gamit ko. Overnight to mga dre. Habang naghihintay kami na papilahin, kasama ko na yung buong crew. Usap, tawanan hanggang na-open up ang topic na sana noon pa namin napag-usapan.

"May cheer na ba tayo?" - Alex

"Sht! Wala pa!!!" reaksyon ko agad

"Patay!" -Robert, CL namin.

"Hindi naman kasi kayo nag-sabi. Edi sana gumawa ako."

"Pano yan?"

"Psh! Trabaho dapat yan ng cheerleader natin eh."

"Yaan niyo na. Gawa na tayo!"

Umisip na lang kami ng kanta na papatungan namin. Waah! 101% palpak to! Buti, naka-gawa kami kaso, alam niyo yung feeling na alam mong papalpak? Aish!

~Several minutes later

Ang dakilang grub, nag-luluto na ng pag-kain. Adobong chicken ang naisip ko. Pansin niyo na hindi ako mahilig sa manok noh?! Hehe! Medyo dumidilim na rin. Maybe 6 o'clock?

Maayos ko naman siyang naluto kaso hindi ko naman alam na may competition pala ng best grub. Yung crew na almost-perfect, may mga garnish ek ek pa yung prinepare nila. Nilagyan pa ng dahon dahon yung chicken curry nila, tapos yung inihaw na talong, kinorte pa sa kung ano-ano. Itapon na ang adobo ko!

Pag-katapos namin mag-luto at kumain, we gathered into groups tapos may mga chenes chenes na ginawa. Napunta na rin kami sa part ng bonfire kung saan na pinaka-iniiwasan ko. Ayoko nang i-kwento kasi talagang nakakahiya mga pinag-gagawa namin. Palpak palpak! Aish!

Later that night, oras na para matulog. Nag-latag na kami agad aa pwesto sa tapat ng mga offices. This is my favorite part of every camp I joined, sleeping together with your friends and colleagues. Nag-palit lang ako ng shorts at humiga na ako kaso naalala ko yung sapatos ko, naiwan sa may pwesto namin. Bumangon ako para kunin kasi uso yung taguan ng gamit lalo na yung flag. Inayos ko rin yung ilang gamit namin dun. On my way pabalik sa aming higaan, nadaanan ko ang ilang scouts na naka-higa na rin, ready to sleep. Syempre, a scout is friendly nga, nag-go-"good night" ako sa mga nadadaanan ko. Hanggang sa nadaanan ko yung higaan nila Troy.

"Good night! Bangungutin ang mga panget jan." Pang-aasar ko.

"Safe ako." - Troy

"Kapal mo! Matulog ka na lang!"

"Hindi uso tulugan." - Asi

"Basta, goodnight pa rin!"

Lumakad pa ako ng ilang inches palayo sa kanila, patuloy pa rin ako sa pag-go-good night.

"Good night po!"

"Good night din sayo"

"Sleep tight Angeline."

"Tulog mantika naman yan eh!"

"Haha! Sira!" - Sagot ko na lang

"Good night po!" pagpapatuloy ko.

He's my Senior [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon