~
Grabe! Na miss ko ang school grounds! Chos! Ahahaha!
Kanina, naunang umalis si mommy kasi may aasikasuhin daw siya.
Sumunod kami ni Jess nung bandang mga hapon na. Pag-dating namin dun, wala pang ka-tao-tao kaya niyaya ko muna si Jess na kumain.
Pag-balik namin may iilang tao na ang nandun. Hanggang sa dumami ng dumami. Nag-si-dating-an na rin yung mga baliw kong kaklase. Grabe! Na-miss ko sila.
Tapos, maya maya pa, tinawag lahat ng students para umupo na sa mga monobloc chairs na naka-handa dun.
Patuloy lang ang kwentuhan namin. Minsan, lumilingon din ako sa likod lang namin kasi dun naka-upo sila Mecci. Tas, napa-gawi yung tingin ko sa mga fourth year sa likod and yeah! I saw him. Umiwas na lang ako ng tingin at humarap ulit.Sa harap naman namin, nakita ko ang advisery ni mommy na Grade 8. Isa dun ang nag-nga-ngalang Ysa, at nag-kaka-crush din kay Rhuzel. Pano ko nalaman? May post kasi yung isa sa classmate ni Senior nung prom, stolen pic niya na kumakain with the caption: Paki-tag ang mga may crush sa PG na 'to
Tatlo kaming naka-tag, isa yung classmate niya, ako, and this Ysa.
Back to topic, natatawa ako kasi sobrang halata siya na sumusulyap sulyap sa likod. As in every minute, titingin siya sa likod. Wow. Hindi naman sa pagmamalinis pero I was never like that. Siguro once or twice, pinaka-marami na yung thrice, akong tumingin sa mga crush ko kapag malapit. Pero as in every minute? Iba na yan.
As an officer in Student Council for the next year, inutusan kaming mag take ng picture sa lahat ng mga in-award-an.
The program went on tas ayun na, Pronouncement na. Malalaman na kung sino ang Graduating, non-graduating and on-hold.
Karamihan, nasayahan, at kung ano ano pang mga reaksyon sa nakita nila.
And I saw him, mukha namang siyang satisfied sa nakita.
I somehow felt relieved. Atleast, wala nang maisusumbat yung mga parents niya pag-nag-kataon. He's off to college at sana, 'di na siya mag-lagalag. Ayusin naman niya yung buhay niya para maka-tulong naman siya sa magulang niya.
#Whoagoat
Basta! Goodluck na lang sa kanya sa college.
~
Yung pinag-usapan naman namin ni Jessa nung last day, tinawanan lang namin lahat. Wala siyang nabigay na payo, promise! Sira nga eh! Tinawagan ko si Emerson na pumunta kaso nag-kasakit daw siya. Bayern!
Ang mga sinabi lang naman nung bruhang 'yon sakin ay ito.
I asked her, in her perception, ano na ang nararamdaman ko kay Senior? Sagot niya? Mahal ko na daw. And I was like seriously, napa-nganga sa sinabi niya.
"Gaga ka ba? Mahal ko? Paano naman?"
"Ms. De Ocampo or soon to be Mrs Sanchez, kahit di mo po sabihin, nakikita ko sa mga mata mo na iba na ang ibig sabihin ng mga tingin mo sa kanya."
"No, Jessa! Seriously, I don't love him."
"Weh?" patawa tawa pa niyang sabi.
"Oo nga. Di talaga."
"Eh bat ka umiyak nung nag-usap usap tayo nila Emer noon?"
"Naiyak, no, I mean, naluha lang ako no'n kasi marami akong na-realize."
"Na mahal mo na siya?" tawa tawa pa niyang tuloy.
"HINDI NGA!!!"
"Oh? Bat ganyan ka maka-react?!"
"Jusme naman Jessa! San banda mo nakita na mahal ko 'yon?"
"Osige, ganto na lang. Ano yung mga na-realize mo nung nag-usap tayo..... bukod sa mahal mo na siya."
"Taena naman Jessa!"
"Ahaha! Sorry na. Oh ano nga?"
"Naging tulay si Rhuzel."
"Naging tulay? Mukha bang simento yon?"
"Putcha naman oh! Tawa pa!"
"Ahaha! Sorry na talaga. Paanong tulay?"
"He made me see na hindi talaga lahat ng lalaki katulad ni Fhel."
"Yun lang?"
"Oo, yun lang. Wala nang iba!"
"Paano mo naman nasabi na naging tulay siya eh pinaasa ka niya?"
"Jessa, di niya 'ko pinaasa. Sila Sir ang dahilan kung bakit niya ginawa lahat 'yon. Tinatakot niya na hindi siya gagraduate or whatsoever, parang ganun yung ginagawa ni Sir. Eh sino ba naman siya para tumanggi diba? I mean, sa tingin ko lang ha? Para siyang iniipit para lalo siyang mapa-lapit sakin o sa mga nag-kaka-crush sa kanya. Kahit di makita sa mukha na niya 'di niya gusto yung mga pinapagawa sa kanya, mararamdaman mo naman na naiirita na rin siya eh."
"Alam mo, may isa akong na-realize sa dami ng sinabi mo."
"Ano?"
"Na mahal mo na talaga siya."
Sinabunutan ko nga. Di nga sabi eh!
"Angeline, di mo masasabi lahat ng sinabi mo kanina kung wala ka talagang pinag-huhugutan."
"Eh hindi ko nga siya mahal! I only feel something like, sympathy. Kasi, hindi naman niya dapat ginagawa yon eh. Napipilitan lang siya."
"Kung hindi mo siya mahal, siguro andun ka sa puntong palaglag ka pa lang."
"Natumbok mo! Isa rin yon sa dahilan kung bakit ako naluha. You guys woke me up dapat hindi ko siya mahalin kasi wala rin namang mangyayari. Dun ako aamin. Muntikan lang."
Pa-tango tango naman ang bruha. Pinag-usapan namin yung ilang related topic tapos nalipat naman yung topic namin nung culminating at tinawanan namin lahat. Walang payo, period.
Kabanas!
Pero I can promise one thing,
I never loved him
♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝♗♝
AND's part: Totoo lahat yan ah? Pero promise! No feelings attached anymore.
¤Vote ★ and Comment¤
BINABASA MO ANG
He's my Senior [COMPLETED]
Teen FictionPINAASA. UMASA. Paano mo nga ba masasabi kung pinaasa ka lang o simula't sapul, ikaw lang talaga yung umaasa? Mayroon ba talagang meaning yung mga ginagawa niya o ikaw lang talaga ang naglalagay ng malisya? Eto nga pala yung isang storyang sabihin n...