Chapter 17

95 8 0
                                    

~Culminating~

Nag-babalik CL na naman ako. At malupit pa, isinama pa sa crew ko si Rhuzel. Kabanas!

Kaya pagka-tapos na pagka-tapos ng klase namin, agad na kaming nag-handa para sa lahat ng gagamitin. Halos parit-parito kami ni Jessa para lang makumpleto lahat. Yeah, ka-crew ko siya.

Aligagang-aligaga na ako. Mula sa pag-handa ng mga gamit ko, sa kakainin namin at sa iba pa. Sakit sa ulo!

Nung medyo na-kumpleto na namin ang ilan, sabi ko, wala kaming pang-lutuan kaya sinabihan ko si Jessa na puntahan si Rhuzel sa room niya at sabihan na mag-dala ng kaldero pang-luto ng adobo. Pag-balik niya, tinanong ko siya kung anong sabi.

"Sige daw. Yun lang ba daw?" sabi ni Jessa

"Talaga lang ha? Eh, 'di niya nga pinansin yung nasa group chat. Kaasar!"

"Kalma! Atleast, pupunta siya diba? Yiee! Maka-tulog ka kaya mamaya?"

"Naririnig mo ba Jessa sarili mo? Nag-usap na tayo diba?"

"Okay po."

~Fast forward

Its already 7pm at ngarag kaming lahat, pano ba naman kasi, si Sir nag-invite ng isang senior scout na Silver Anahaw ba yun? Basta, yun. At mag-a-undergo kami sa isang BOR (Board of Review). Para siyang one on one test with a Higher position Scout. Mag-tatanong ng kung ano ano. More about scouts.

And upto now, wala pa ring Rhuzel na dumadating. Not that na umaasa ako, pero wala kaming lutuan.

I mean, late lang palang dumating. Kanina pa kami nag-kakabisado ng kung ano ano, saka lang siya dumating at mukhang bangag pa. Part of me, na-guilty ako. I dunno why pero yun ang nararamdaman ko.

By four ang pag-sabak sa BOR. Ang napunta sakin na ipinagawa, ikanta ang Lupang Hinirang. Alam ko naman yun, pero sobrang nahihiya kasi ako kaya sa may dulong part parang humihina at naiiyak yung tunog ng boses ko though I ain't really going to cry. Tinatawanan nga lang ako ni Sir Scout. Ugh! Pahiya so much!

Matapos nun, merong pauso sila Sir P na Mr. Scout. Parang beauty contest na pang-lalaki. May limang crew, at bawat isang crew kailangan may representative. Si Arthur ang pinili ko kaso pinilit ng buong crew ko na si Rhuzel na lang. Edi siya na lang. (Dalawa lang ang lalaki samin, the rest puro kami babae. 2 boys and 5 girls. Ang mga ka-year at kaklase ko sila Jessa, Arial, Chinie at Arthur. While mag-kaklase naman si Rhuzel at ate Moja)

Edi syempre, pakilala ekek pa sila. Hindi naman kami pinaupo malapit sa kanila at nag-hahanda pa kami ng kung ano-ano.

After nun, pinabalik na sa kanya kanyang crew ang bawat representative. Mag-isip na lang muna ng talent. Etong si Rhuzel naririnig kong kakanta daw.

Ang sabi ko kay Jessa, baka ma-OP pa si Rhuzel samin kasi isang kaklase niya lang ang nasa crew namin, absent yung isa. Eh mukhang ako pa ang na-OP. Usap sila ng usap habang busy si Arthur sa pag-gawa ng flag. Naiilang naman akong maki-sama. Kaya ang nangyari, nasa kabilang crew ako naki-join. Para akong sira. Ako 'tong CL, ako ang nang-iwan at na-OP.

"Anong ginagawa mo dito?" kunwaring pataray pero pabirong tanong ni Kevin.

"Pati ba naman kayo, ipagtatabuyan ako? Dito muna ako, OP ako sa mga ka-crew ko eh."

"OP ka o andun lang talaga si Rhuzel?" - Sarah

"Fine. Both. Eh halos hindi na nila ako kausapin. Dito muna ako. Saka may pinapaka-bisado sakin si Sir eh. Please?"

"Sa crew namin, bawal tamad. Mag-hiwa ka jan." sabi ni Kevin

"Tch. Yan lang pala eh. Maliit na bagay…" at nag-simula na akong mag-hiwa ng sibuyas.

He's my Senior [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon