Chapter 8

94 9 0
                                    

-8-

First day ng intrams namin ngayon.

May mass muna bago mag-simula ang opening. Yung mga games noong nakaraang araw, pre-games yun. So, ka-tuloy nun yung mga games ngayon. Well, volleyball lang naman ang may pre-games.

Pag-dating namin sa school, may nag-aabang na kaklase ni Jess sa kanya kaya ang bruha, agad agad nang bumaba. Pinababa sakin lahat ng gamit ni mommy. Naka-ilang beses nga ako nag-pabalik-balik eh. Coach kasi si mommy ng basketball pero di naman marunong. Ahaha.

Naka-suot lang ako ng intrams shirt at maong. Mamaya na lang ako mag-ji-jersey. Para nga pala sa inyong kaalaman, natalo po kami kahapon.

After kong maibaba lahat ng kagamitan namin, nag-pahinga ako sa kotse kasama si Daddy. Naka-aircon kami habang tulog. Di kaya kami maubusan ng gas neto?

After ng ilang minutes, naalipungatan ako. At talaga namang nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Tama bang makita ko siya pagka-mulat na pagka-mulat ko?!

Opo. Siya talaga ang nakita ko.

Naka-park kasi yung kotse sa school walls, so syempre, madadaanan talaga. Nag-lalakad lang sila eh. Saya nga ng mukha niya eh. Dahil sakin. Joke. Tawa na.

Tinitingnan ko lang sila. Umupo sila sa mga tables sa labas sa may karinderya sa tapat ng school.

Siguro, halos mga five minutes silang nag-tagal dun. Tawa lang sila ng tawa. Tapos, tumayo na sila para pumasok sa school pero hindi man lang niligpit ng mga kasama niya yung inupuan nila at siya itong bumalik para pag-patung-patungin. After nun, sumunod na siya sa loob.

Umiling na lang ako. And that's when I founded out I am smiling. Okay? Why am I smiling? Napa-iling ulit ako for the second time around. Kumilos na ako para ibaba naman yung nga gamit ko. Nag-paalam na ako kay Daddy at pumasok na sa loob.

~After one hour

Biglang umingay ang paligid dahil malapit na mag-simula ang opening ng intrams. Kaka-tapos lang ng mass at eto ako, nag-mamadaling mag-bihis ng jersey. Nang natapos na ako, lumabas ako para mag-hanap ng kapwa ko pula. At nakita ko sila sa may bandang likuran. Ang gugulo namin dun. Batuhan kami ng batuhan ng mga cheers. Tapos, nag-march na kami papasok. Dun, nag-start na kaming mag-state ng oath of the players. Mabuti nga at hindi magulo ang mga batch ngayon. Dun kasi sa part ng 'I, state your name,' mga hunghang na sinusunod talaga ng literal yung 'I, state your name'. Tapos, yung mga basketball players from freshmen upto seniors, ipapasa ang torch of fire. Tapos, ayun na. Palakasan ng cheers, paunahang mag-raise ng flags and with the words, "Let the games begin!" Ayun na. Kanya kanya na ang nga buhay namin.

Sinarado nila ang 3rd floor para daw walang tumatambay lang basta basta. So, per year level, may mga naka-assign na room. Sa room ng mga Juniors (kami yun), dahil halo halo ang mga sections, sobrang ingay namin. Hindi talaga ako maka-tulog. So, naki-sama na lang ako sa mga katuhan sa room. Nandun din ang nga former classmates ko kaya nag-usap usap din kami. Andun din si Fhel, pero promise, no awkward feeling. Basta, nag-usap usap lang kaming nga tropa. Tapos, naki-nood din ako nung The Purge. Para akong ewan na titingin tapos iiwas ulit tas titingin na naman. Parang shunga lang.

Tapos, lumabas na ako ng room. Open na rin pala ang dakilang Marriage booth. Pinanood ko lang ang mga ikinakasal na sapilitan, or gusto talaga nila. Maniniwala ba kayo na kasal kami ni Fhel jan? Ahaha! Sobrang epic talaga nun. Alam nilang mahirap akong hatakin kasi talagang naninipa ako. Kaya may kinuntsaba silang fourth year noon. Sabi, tawag ako ni mam Roberts, ang guidance counselor ng highschool. So sumunod ako, ang kaso dumaan kami sa papalayong way ng office. Pwede naman kasi sa kabila na mas malapit. At sumunod pa rin ako kaya pag-baba namin sa hagdan, na-posas agad ako. Totoong posas talaga yun. Walang kiss, kiss sa kamay lang. At sapilitan yun. Well, past na yun. Biglang napagawi ang tingin ko kay Sir na nasa stage lang rin. May tinuturo siya sa bandang gawi ko. In my sight, parang ako ang tinatawag niya. Pero di ko lang pinansin. Hanggang sa sila Jessa, andun din at naka-tingin sa gawi ko. Di ko talaga sila pinapansin pero patuloy pa din sila sa pag-tawag ng attensyon ng kung sino mang tinatawag nila. Kaya naisipan kong ituro ang sarili ko at siya namang tango ni Jessa with matching lagot sign pa. Umirap lang ako at pumasok ulit sa room. Pag-ti-trian lang kami ni Rhuzel niyan. Actually, di ko na siya nakita mula kaninang umaga sa kotse.

Tapos, nung tumagal, bumaba na ako sa may waiting area. Andun ang WGs kaya sumama na ako sa kanila. Tapos, nag-laro kami saglit at lumabas para kumain. Antagal nga namin palabasin eh kasi bawal pa. Sumama kami sa mga lalabas na manonood ng laban ng basketball, may mga consent kasi yun eh. Tapos, kumain lang kami.

Tapos, bumalik agad ako sa school para alamin kung kelan ba ang laban namin. Nabanggit ko na ba na ako ang team captain? Kung hindi pa, ayan, nabanggit ko na. At nalaman ko na bukas pa pala ang laban namin. Kaya ayun, hayahay sa gala.

Tapos, umuwi ako ng medyo maaga aga, at nandun pa sila Jessa.

"Panalo tayo?" tanong ko kay Vince, player siya ng table tennis.

"First game pa lang! Excited ah?"

"Pasensya naman."

"Di ko siya nakita Angeline eh pero naka-reserve na kayo sa marriage booth." - Sir

"Sir naman eh! Wag na!"

"Pero gusto?" - Jessa

"Di noh! Nag-sasayang lang kayo ng pera!"

"Masaya ka naman."

"Tss."

"Okay lang yan, Angeline. Nanonood naman siya ng laban niyo eh." - Sir

"Di nga po?"

"Oo. Nung pre-games, andun siya. Todo tingin nga eh pag-mag-se-serve ka. Ahaha!"

"Ewan ko sayo."

Talaga lang ha? Haba ng hair ko, naaapakan ko na. Joke. Malamang na manood siya, Juniors vs Seniors kaya yun. Tss. That's support support 'ya know~

┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨┨

AND's part: Shinare ko lang yung that moment na literal na pagka-bukas na pagka-bukas ng mata mo, si crush agad ang nakita mo. Telege nemen.

✸Vote and Comment✸

He's my Senior [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon