-4-
Naiinis talaga sa nangyari kagabi.
Bwisit na spaghetti ng *toot* yan! Ewan ko kung anong meron sa sauce! Argh! Nanghina, nag-susuka at kumikirot ang tiyan ko buong mag-damag. Bwisit talaga!
At dahil sa nangyari kagabi, soooooooobbbbbbbbrang naghihina ako. As in wala ako sa mood makipag-usap, ni mag-salita, di ko magawa. Sabi nga ng mga kaklase ko, ambait ko raw. Parang hindi daw ako yung Angeline na nakilala nila for the past years. Jrama!
Sa buong klase, ang lamya ko talaga. Nakikinig ako pero basta iba talaga sa nakasanayan. Sabi nga nila Andrew, amazona nga ako pero heck! Para akong kinuhanan ng halos kalahati ng katawan ko at nawalan talaga ako ng sobrang lakas. Ni hindi ako makapag-sulat dahil nanlalambot talaga ako. Parang iniluwa ko na ang buong Angeline De Ocampo kahapon. Parang clone na lang niya ako.
Well, ngayon yung recognition ng lahat ng star sections. I am so proud to say that from rank 10 to rank 4, naabot yun ng sizamz ko. Congratz sista'! Unexpected talaga. Maski si Emerson, umarangkada patungong rank 1. Well, he deserve it anyway. Kulang ang salitang pag-aaral to describe what he has done the past grading. Congratzy din sa kanya. Si Emerson, para ko na siyang tatay sa room. He gave me so many advices sa LAHAT ng bagay at lalo na sa LOVE. Yan. Jan talaga kami nag-kaka-sundo.
Kahapon, I asked him and Sarah, kung anong nangyari sakin. Lately, I realized na namanhid ako sa mga nangyari three years ago, kay Fhel. Lagi niya sinasabi na hindi ako manhid. Natakot lang dahil ibang trauma ang nadala nun sa feelings ko. Tanong ko ulit, bakit sa ibang mga minahal ko, hindi masakit and I moved on as fast as like a blink of an eye. Sabi niya, yung mga minahal ko bago si Fhel brought me nothing. Simula ng minahal ko sila, pinamukha nila sa akin na wala talaga akong pag-asa or should I say na I'm loving someone with a one-sided one. Pero ang dating nung kay Fhel, sobra sobrang motibo ang binigay niya for me to have that dumb hope which led me to nothing and broke me into pieces.
Pinipilit ko na hindi ako natatakot na mag-mahal pero pilit nilang sinasabi na takot ako at kalauna'y lumabas din mismo sa bibig ko. Takot akong buksan ang mga mata ko. Takot akong mag-express ng feelings. Takot akong mag-mahal. Dagdag ni Sarah, time heals everything. Sabat ko naman, hindi pa ba sapat yung three years para mawala yung takot ko? No, sagot nila. Hangga't gumagalaw kami sa iisang environment, matatakot at matatakot akong mag-mahal because I still see him and May, that reminds me how stupid I am. Sinabi ko rin kung pati ba dapat si May lalayuan ko rin para mawala yung takot ko pero sabi nila, kahit layuan ko siya, hangga't nakikita ko siya, wala ring mag-babago. My fear will always be there.
Totoo. Natatakot ako na bumalik sa dating Angeline na umiiyak dahil lang sa isang g-gong lalaki. Sabi ni Emerson, mapapatunayan kong hindi ako manhid kung bubuksan ko ang mga mata ko sa iba. He even used Rhuzel as an example. Isantabi ko daw lahat ng negative thoughts na nasa isip ko kapag mag-mamahal ako. Na hindi lahat ng lalaki katulad ni Fhel. Na I can encounter better guys than him.
Okay then, let's take Rhuzel as an example. Ano nga ba ang first impression ko sa kanya? Mabait, masayahin, matulungin, mahiyain at makulit. Hindi nag-kakalayo sa mga ugali ni Fhel. Pero kung ikumpara kay Fhel, di hamak na mas wala akong pag-asa sa kanya kasi kay Fhel pa nga lang na kaibigan ko patay na, sa senior ko pa kaya?
Those conversation made me realize, na hindi pa rin ako nag-babago. I still have this little scared Angeline inside me. I learned to build my boundaries and made my own walls.
Bata pa nga ako, yes, I know. Pero I hate the fact that I already experienced that sht at this early stage. Wala pa ako sa kalahati ng ibang TUNAY na nag-mamahal.
~Several hours later
Natapos na ang math session at uwian na. Walang homeworks, walang quizzes. For short, hayahay. Pero hindi ako makapag-enjoy dahil nga.... ,yon, paulit ulit ko nang sinasabi.
Wala rin ako sa mood bumaba kasi tatadtarin lang ako ng mga tanong ng teachers dun kung okay na ako.
Naiwan na lang sa room ay ako at si Carl. Nanonood lang ako ng practice ng hiphop pero nag-sawa na rin ako. Pag-pasok ko sa room, sobrang dumi at gulo. Sinaniban ako ng kung ano man at kinuha ang walis. Winalis ko ang buong room. In my opinion, parang mas reasonable na mag-walis kung kumpol kumpol ang kalat na wawalisin mo.
"Grabe Angeline. Ibang iba ka talaga ngayon. Sana lagi ka na lang ganyan." sabi ni Carl.
Problema nito?
"Bakit ba? Kanina ka pa rin butata ng butata jan na iba ako ngayon."
"Nakakapanibago lang talaga. Ikaw ba talaga yan?"
"Clone lang po."
Bigla namang dumating si Troy.
"Uy, Sel? Musta?"
(AND's: Sel po ang nickname niya (Rhuzel). At si Troy, un na din ang tawag sakin)
"May sakit yan kaya tahimik." - Carl
Matapos kong mag-walis, niligpit ko naman yung mga upuan.
"Paano arrangement?" - Troy
"Lima per column, apat per row." sagot ko.
Tinulungan niya ako sa pag-ayos ng upuan. Nang matapos namin, umupo ako sa unahan at umub-ob. Katamad gumalaw!
"Angeline, papunta siya dito." - Carl
"Huh?"
"Si Rhuzel. Papunta dito."
"So?"
"Grabe! Iba ka talaga ngayon."
Lumabas siya ng room at in-entertain si Senior. Saglit lang at narinig ko na si Carl na kung anu-ano ang pinag-sasabi.
"Grabe Angeline! Nilinis mo lahat to?" - Carl
"Kahit di cleaner yan ngayon." - Troy
Naramdaman kong may "mga" tao sa unahan ko. Malamang, hindi na lang silang dalwa yun.
"Pwede ka nang mag-asawa niyan." - Carl
Napa-tingala ako sa sinabi ni Carl. Seriously?
"Asawa agad? To talaga oh!" - Senior
Wala ako mood pero sht! Pasalamat ka Carl at nanghihina na ako.
Sabi nga ni Miriam Santiago, "Ang crush ay parang math problem. Kapag hindi mo makuha, titigan mo na lang."
Umalis na si Rhuzel at siya namang kantyaw nila Troy. Parang mga timang!
"Kinikilig na yan oh!" - Carl
"Nanghihina ako, Carl. Pasalamat ka."
"Aysus~ Okay lang kiligin. Wag mo kaming isipin. Hangin lang kami dito. Whew~~"
"Baliw. Baba na ako." tumayo na ako at kinuha yung bag ko.
"Tulungan na kita. Para masabing gentleman." - Troy
"Wag na. Hawaan kita jan eh. Alis!"
Pag-kalabas namin ng room, tumigil muna ako para manalamin. Okay, hindi naman halata na noneng ako.
"Tadhana nga naman!" biglang sabi ni Carl
Umirap lang ako and like sht! Kasabay ko talagang baba yun? Inintay ko muna siyang mauna and the thing is, sumabay na rin yung dalawang loko loko sa kanya.
Gosh, Angeline! Compose yourself! Anong nangyayari sayo?!
Wag ka ngang pa-apekto! May sakit ka teh, may sakit!
Apektado nga ba ako?
‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡ ‡‡‡‡‡
AND's part: Habol na UD bago pumunta ng school. Pronouncement nila ngayon. Gagraduate kaya siya?! Ahaha! Joke!
◆Vote ★ and Comment◆
BINABASA MO ANG
He's my Senior [COMPLETED]
Teen FictionPINAASA. UMASA. Paano mo nga ba masasabi kung pinaasa ka lang o simula't sapul, ikaw lang talaga yung umaasa? Mayroon ba talagang meaning yung mga ginagawa niya o ikaw lang talaga ang naglalagay ng malisya? Eto nga pala yung isang storyang sabihin n...