-Sabaw moment-
Maaga ulit akong nagising kasi may backyard camping kami.
Alam niyo ba, sa mga nakaraang araw, andaming nangyari sa mga scouts. Marami ang nag-back out kasi sobrang pressure daw ang binibigay ng scout.
Ani, scratch that maaga thing. Tinanghali akong nagising dahilan upang madaliin ko lahat ng morning rituals ko. Tapos, parang nananadya pa si Daddy, kasi nilakad namin mula bahay hanggang terminal ng mga fx. Di niya ginamit yung kotse. Asar!
Pag-baba ko ng fx, madali kong tinakbo papuntang school. Kaso, akala ko late na ko, yun pala nag-hihintay pa pala sila ng mga dadating na. Kasi diba, marami nang nag-backout tapos yung mga fourth years, wala rin kasi nag-ka-sabay sabay yung mga entrance exam for college. Nag-time in lang ako. Nakita ko pang nag-ba-basketball sila Vince.
"Di pa ba ako late?"
"Di pa. Wala na nga yatang dadating eh."
"Bakit?"
"Diba nga nag-kanda-ubusan na tayo. Tong mga nakikita mo dito, ilan lang yan sa mga naka-tagal...."
"Talaga?"
Tumango lang siya at nag-patuloy na sa pag-lalaro. Sad to think na umabot sa 70s to 90s ang population namin tas ngayon nasa 30s to 50s na lang yata kami.
Pumunta na lang ako sa ka-crew. Katuwa lang, halos kami lang yata ang kumpleto.
"Tayo tayo lang?" tanong ko kay Arianne
"Oo nga eh. Ang onti natin."
"Ano nga bang gagawin natin ulit ngayon?"
"Diba yung emotional chuchus."
"Saka mag-kakatay tayo ng manok." sabi no Robert.
"Waahh!! Di nga?!"
"Oo nga."
"Eew~~ Inimagine ko bigla. Yung dugooo!!!"
"Tss. Ipa-ligo ko pa sayo yung dugo nun eh!" - Alex
"Kaasar ka!"
Tapos, tinawag na kami to start the backyard camping. Yung part na nag-re-recite kami ng oath and law tapos thought of the day.
After nun, dumiretso na kami sa palengke. Walking distance lang naman yung market (kahit medyo malayo). Tapos, nung nandun na kami sa mga manukan, naaawa ako sa mga chicken! Makikita mo sa mata nila yung takot at parang sinasabing "eto na ang mga taong kakain sakin. Sumalangit nawa ako". Waaahhh!!! Kaka-awa talaga!
Nakita ko si Vince na may buhat buhat na chicken. Ang cute kaya! Kahit ambantot lang.
"Nakaka-awa talaga. Tayo talaga ang papatay?"
"Papatay talaga? Di ba pwedeng tayo ang kakatay?"
"Wala namang pinag-kaiba eh!"
"Parang balahura kasi pakinggan." sabay himas sa chicken.
Nung naka-bili na kaming lahat ng manok, nag-hiwa-hiwalay na ang bawat crew para bumili ng mga ingredients para sa lulutuin namin. Ang binili lang namin, yung dahon ng saging kasi mag-bu-boodle fight kami mamaya at breading mix. Ahaha! Tinamad na ako eh. Sabi ko, prito na lang.
Tapos, sabay sabay din kaming umalis sa palengke. Kaso, wala kaming tubig. Kaya lahat ng station na madadaanan namin tinitigilan namin kaso kailangan daw ng bote.
"Dapat sinabi niyo para sumabay kayo samin." - Kuya Azi
"Nakalimutan ko rin eh."
"Mahirap makahanap niyan pag wala kayong gallon eh." Kuya Kevin
BINABASA MO ANG
He's my Senior [COMPLETED]
Teen FictionPINAASA. UMASA. Paano mo nga ba masasabi kung pinaasa ka lang o simula't sapul, ikaw lang talaga yung umaasa? Mayroon ba talagang meaning yung mga ginagawa niya o ikaw lang talaga ang naglalagay ng malisya? Eto nga pala yung isang storyang sabihin n...