-5-
Despite of everything, everything and everyone happens for a reason.
And we must accept it whole-heartily.
Naks nemen! Gumaganern na!
Bakit nga ba nag-lagay ng ganyan si Lady scout Angeline De Ocampo?
Well, simple lang naman.
He's dropping anyway.
Ewan ko nga eh. Napaka-unreasonable ng reason ng in-laws ko este parents niya.
Masyado na daw mababa ang grades niya at lumalagalag na siya.
Hindi ko alam! I didn't know na may ganung parent! Yung tipo na walang tiwala sa anak nila. I mean, yung nanay ko, for example, mapilit yan masyado. Gusto niya masunod lahat ng lumulabas galing sa bibig niya. Pero kahit ganito ako, she never let me down, seriously.
Sobrang naawa ako sa kanya. If his parents only knew kung ano ang anak nila sa ibang tao, baka mabago pa isip nila. Given the fact na sobrang kulit at maloko siya. Maybe, I'm not in the position to judge kasi wala naman talaga akong alam sa mga nangyari pero sana patapusin man lang nila ng highschool. Wag na nilang paabutin pa sa batch namin na apektado ng K-12. Di hamak na mas malala yun.
Oo na. Ako nang tambay sa wall niya. Hindi ko kasi siya friend at wala akong lakas ng loob para i-add siya. Noon siguro, nung hindi pa niya alam, but not now. May nabasa akong post niya nung July 1, 2014 at 11:26 pm. Oha? Detalyado yan. And here's his exact words.
sorry. sa lahat ng mahal ko sa buhay. lalo na sa aking magulang sorry talaga po. alam ko hindi na po ninyo ako mapapatawad peo salamat po dahil pinalki niyo ako ng maayos
Saktong sakto yan sa post niya. Kasama yung typos and stuffs.
Okay lang my loves so sweet. Dejke! Nag-fi-feeling na kasama sa words niyang 'sa lahat ng mahal ko sa buhay'.
"Naka-simangot tayo ngayon ah?" - Troy
"Simangot talaga? Di ba pwedeng naka-serious-mode on ako ngayon?"
"Bakit? Dropping na siya noh?"
"Oo na. Psh! Bakit ba kasi?"
"Uy! Gustong malaman."
Inirapan ko lang siya. Bwisit tong Troy na 'to.
"Bakit nga kasi? Batukan mo nga yung magulang niya. Kainis!"
"Di pa naman kasi sigurado yun."
"Pero ano yung naririnig ko na dumating yung nanay niya nung PTC tapos may pa siyang 'di ko na papa-aralin ang anak ko dito. Hindi na niya kaya!' Ang labo kaya! Tapos, dadating din yung tatay niya. Oh c'mon mamon! Ano ba kasing meron? Nag-do-droga ba siya? Sumali sa sindikato? Naka-buntis? Ano?"
"Grabe talaga 'to! Naninigarilyo lang kami pero hindi droga. Grabe! At naka-buntis talaga? Sino naman? Ikaw?"
Kung ano man yung una kong nahawakan, siyang inihagis ko sa kanya. Bwisit!
"Aray! Bote yan ah? Masakit!"
"Nakaka-bwisit ka kasi Troy. Hindi nakakatuwa. Kaasar!"
Totoo. Mga sunog-baga na 'tong mga to. Hay! Ke-ba-bata pa, naninigarilyo na. Baka nga tumatagay pa tong mga to eh.
"Alis na ko. May gagawin pa pala ako." paalam ko.
"Angeline, mabait si Rhuzel. Wag mo sana siyang pag-isipan ng mga ganun. Di hamak na mas tar*ntado pa ak---- siya kesa si Sel." sira-ulo talaga. Nanuro pa.
"Sira! Oo, alam ko. Kahit kelan ko lang siya nakilala, makakalahati na niya ang salitang mabait. Makakalahati lang ah? Sira-ulo din yun eh."
"Basta. Mabait yun. Hindi lang talaga sila magka-intindihan ng magulang niya."
"Wag mo akong ini-spoil kung ayaw mong sabihin. Letchugas ka!"
"Geh."
Sayang talaga siya. His parents must be kidding. May paraan, ayaw lang nila kumilos. Siguro, financial problem.
Aba ewan!
Naka-tambay lang ako sa faculty with my sister alone. Uwian na pero busy pa ang teachers. Para sa hiphop.
"Psst!" sutsot ni sizams.
Tinaasan ko siya ng kilay. Nginuso naman niya yung sa pintuan.
I saw him entering the room with the teacher's stuffs on his hands.
Pumunta siya sa table nung teacher pero nagtanong siya samin para yata makasigurado.
"Excuse me. Dito diba yung table ni mam Evangelista?"
Umiwas lang ako ng tingin. "Opo, jan po." sagot ni sista'.
"Salamat." and he went out of the room.
"Huy ate! Bat di mo sinagot?"
"Ang awkward kaya. Saka sinagot mo naman diba?"
"Oo."
"Oh? Eh di okay na."
"Kailangan kasing igalang ang future kuya ko."
"Loka!"
Mabait talaga. No doubts. Iba lang talaga ang influence ng family problem niya.
Bakit nga ba ako nag-papa-apekto?
Is it my business anyway?
All I know,
I pity him and I hate it when I see him suffering.
BINABASA MO ANG
He's my Senior [COMPLETED]
Teen FictionPINAASA. UMASA. Paano mo nga ba masasabi kung pinaasa ka lang o simula't sapul, ikaw lang talaga yung umaasa? Mayroon ba talagang meaning yung mga ginagawa niya o ikaw lang talaga ang naglalagay ng malisya? Eto nga pala yung isang storyang sabihin n...