CHAPTER TWO

157 7 2
                                    

Funny how people really admire the sunrise. They said that sunrise is the proof of how blessed you are because you have given another chance to live. Every morning is a fresh start. New day, new opportunity. But for me, sunrise always reminds me of how many days I have left in this world.

tatlong katok ang narinig ko mula sa pintuan bago ito bumukas.

"Gising na po pala kayo maam, kanina pa kayo hinihintay ni Sir Dametrius sa baba. Sabay daw po kayong mag-agahan." malumanay na wika ng babaeng naghatid sa akin sa kwarto kahapon.

"Ano'ng pangalan mo?" sabi ko sakanya.

"Tawagin niyo nalang po akong Aleya maam." Kung pagbabasehan sa itsura ay medyo bata pa siya kung ikukumpara sa edad namin ni Dame. Ang liit ng kanyang mukha at sobrang itim ng buhok. Ang cute niyang tignan lalo na't nakagapos ang lahat ng buhok niya sa likod.

"Matagal ka na ba dito?"

"Mag d-dalawang buwan pa lang po, ako po ang pansamantalang pumalit kay Nanay Soling dahil umuwi siya sa probinsya. Apo niya po pala ako." gustong-gusto ko siya, sobrang lambot niyang magsalita. Para bang walang alam sa mundo kundi ang sumunod lamang sa payo. She mentioned Nanay Soling, dito na pala siya nilagay ni Dame, dati kasi sa mansyon siya nila.

After that night happened, I tried to escape kahit na nangingibabaw ang konsensya ko ay sinubukan ko paring magtago but Dame find me after two weeks of hiding and abducted me for almost three months. Hindi ko alam kung saang lugar niya ako dinala dahil bukod sa mga tauhan niyang pabalik-balik sa kanilang mga nilalakaran at salang sobrang lawak pero kahit isa ay wala akong nakitang ka art-art man lang dahil bukod sa sofa at mesa ay wala na, pati tv wala rin ay hindi ako kailanman nakalabas sa malaking kulay itim na pader na nakaharang. Isa o dalawang beses lamang pumupunta si Dame sa isang linggo. Pero sa araw na nandyan siya ay hindi niya ako kailanman pinapayagang magsalita. I want to defend myself and tell him the truth but everytime I did he always used his force to shut my mouth. Naalala ko nung sabay kaming kumain, sinubukan kong magsalita pero bigla nalang siyang tumayo at binalibag ang plato niya sa mismong harap ko dahilan para mabasag ito at mapunta ang ilang wasak na bahagi sa mukha ko. Sa tatlong buwan n'yang pananakit sa akin ay ilang beses ko na rin sinubukang tumakas, pero dahil ang hinahina ko laparo lamang ang natamo ko. Pero kahit isang daang sampal pa ang matanggap ko hindi parin ako tumigil sa plano ko. Wala akong pakialam sa kakahantungan ng desisyon ko basta makaalis lang. Hanggang isang gabi, wala si Dametrius. Masayang nag-iinuman ang mga tauhan niya sa labas ng bahay. Pumunta ako sa kusina para kumuha ng kutsilyo, proteksyon sa gagawin ko mamaya. Hinintay ko silang lamunin ng alak ang kanilang pag-iisip. Pasado ala una na ng madaling araw ng namataan ko ang ang kanyang mga tauhan. Karamihan sa kanila ay nakatulog sa kalasingan habang ang iilan ay pilit nilalabanan ang antok. May mangilan-ngilan ring tuwatawa pero pikit ang dalawang mata. Napansin ko agad ang lalaking may hawak ng susi na prenteng nakaupo malapit sa gate. Naramdaman niya bigla ang presensya ko kaya wla pang isang sigundo ay agad na siyang tumayo.

"Ss-shaan k-ka p-pupunta?" kanda utal-utal niyang tanong. Nakadrugs ba to? parang sabog kasi. Ang pula ng kanyang mata mukhang kagagamit lang.

Lumapit ako sakanya at tiningnan ang pulang-pula niyang mata. Nilagay ko agad ang kanang kamay ko sa gitnang bahagi ng pantalon niya habang ang kaliwa ay hinahawakan ang bewang niya. Agad siyang napasinghap at tumingin sa itaas na parang enjoy na enjoy. Pinagpatuloy ko ang paghimas hanggang sa nakuha ko ang susing nakasabit sa belt loop niya.
Agad kung hininto paghimas at dumistansya sa kanya ng bahagya.

"Tang-ina! ang lapit na. Bakit mo hininto?" galit niyang tanong. Bakit nabitin ka?

"Ang liit kasi, hindi ko feel."

Narinig ko agad ang malutung niyang mga mura at dali-daling naglakad papasok ng bahay. Agad kung binuksan ang gate gamit ang susing nakuha ko, pero pagbukas ko hindi ko inaasahan ang nakita ko. Isang malawak na kakahuyan na hindi ko alam kung saan ang daanan dahil wala akong ibang nakita kundi puro kahoy at damo. Dagdag pa ang dilim dahil madaling-araw palang. May narinig akong malakas na putok ng baril kaya agad akong tumakbo kahit di ko alam ang kung saan ang labasan. Pero wala, hindi parin ako nagtagumpay dahil agad akong nahanap ng kanyang mga tauhan. Sinubukan kung manlaban gamit ang kutsilyong dala ko pero isang malakas na suntok ang tumama sa mukha ko. Nadaplisan ang aking balikat dahil pilit nilang inagaw ito. Ginapos nila ang dalawang kamay ko, piniringan ang aking mata at tinakpan ang aking bibig para di ako makasigaw. Di ko alam kung saan nila ako dinala, namalayaan ko na lamang na pilit nilang hinuhubad ang lahat ng damit ko. Nagmaka-awa ako sa kanila ng ilang beses kahit na alam kong wala ring patutunguhan ang lahat. Ininda ko nalang lahat ng sakit, ang paghuhubad sa harap ng kalalakihan ay hindi na bago saakin dahil naranasan ko na yun noon.

Nginitian ko si Aleya. "Sabihin mo kay Dame na hindi pa ako gutom, kumain siyang mag-isa kung gusto niya." humiga ulit ako sa kama ng patagilid, ang likod ko ay nakaharap sa pintuan kung saan nakatayo si Aleya, narinig ko ang mahinang pagsara ng pinto kaya agad akong nakampanti. Pero hindi paman nakakaabot ng limang minuto ay sinundan na agad ito na malakas na pagbukas dahilan para mapabangon ako bigla sa pagkakahiga.

" You know how much I really hate waiting Avora." madiing wika niya.

Ilang sigundo ay dumating si Aleya bitbit ang isang tray na puno ng pagkain. Binigyan niya muna ako saglit ng malungkot na ekspresyon bago mabilis na nilagay ang tray sa maliit na lamesa sa gilid ng aking kama pagkatapos ay mabilis na lumabas.

"Eat."

"I told Aleya that I'm not yet hungry, di mo ba naiintindihan yun?"

Mabilis siyang naglakad papunta sa gawi ko at basta-basta nalang pinakain saakin ang kanin gamit lamang ang kamay niya. Nagpumiglas agad ako pero sinakal niya lang ako at pilit na pinapasok ang pagkain sa bibig ko.

"Wala akong pakialam kung hindi kapa gutom, ang anak ko ang inaalala ko hindi ikaw."

Naubo ako dahil sa higpit ng pagka sakal niya kaya agad na tumilapon ang pagkaing nasa bibig ko patungo sa mukha niya. Agad niya akong binitawan at walang awang sinampal.

"Sinusubakan kung wag manakit Avora dahil buntis ka pero inuubos mo lagi ang pasensya ko." gigil na gigil niyang sabi saakin at walang sabing lumabas.

Agad akong tumakbo patungo sa banyo at pinunasan ang luhang naglandas sa pisingi ko pati narin ang pagkaing nagkalat sa mukha ko.

I watched my reflection in the mirror. Avora, what happen to you. You're nothing but a miserable person wanting to be freed.

PERENNIAL STORMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon