CHAPTER FIVE

95 7 2
                                    

Hindi ko alam kung anong oras umuwi si Dame dahil pagkatapos kong kumain ng hapunan ay natulog na agad ako. I was supposed to tell him last night that I want to book an appointment to any of the obstetricians today for my prenatal check-up and also to see my baby's shape and to my condition as well. Weeks after I stayed here, I already suffering weird things which are all normal for pregnant but I just can't take it, just like what I experienced right now. Nasa loob ako ng banyo at patuloy na nagsusuka, para bang may humuhukay sa tiyan ko na di ko maipaliwanag. Normal pa ba ito? kasi araw-araw nalang.

I saw myself in the mirror so drained. I just smiled and start cleaning the mess.  Heto ako't nanghihina sa kakasuka pero ang ama ng anak ko wala man lang pakialam. Natawa ako ng bahagya. Tanga ka nga Avora! baka nga siguro ngumiti yun ng pagkalaki-laki pag nakitang hirap na hirap kana. Kasi iyon naman yung gusto niya diba? Ang mahirapan at masaktan ka.

Bumaba na ako pagkatapos. Nakita ko si Aleya na naghahanda na ng pagkain sa mesa.

"Good morning Aleya. You're so pretty just like the sun outside!" ngiting bati ko sa kanya.

"Naku maam! sabihin niyo nalang po ulit saakin yan pag hindi kana buntis para maniwala ako."

"Well, I will take note of that then." sabi ko kaya natawa kami pareho.

Aleya is really like the sun, even though we've just met but she's there to brighten up my dark day.

"By the way, anong oras ba dumating si Dame kagabi?" pag-iiba ko sa usapan at umupo na sa upuan.

She didn't answer. So I looked at her.

"Ahm, kasi po hindi umuwi si sir Dametrius kagabi." pagkatapos ay yumuko siya.

Bigla kong tinigil ang pagsandok ng fried rice. Nawalan agad ako ng ganang kumain after hearing those. I remember the reason of our argument yesterday, maybe his with her. The girl from the phone he's been telling 'I love you too' yesterday. Pilit akong ngumiti kahit na sobrang naaapektuhan na. Pangalawang araw nato mula nung nandito ako na hindi kami sabay kumain sa umaga. Malungkot isipin? o mahirap lang talagang tanggapin Avora. Ngumiti nalang ako ng peke sa kanya para hindi niya makitang sobrang naaapektuhan ako.

"Balak ko sanang magpa book ng appointment for my prenatal check-up. And to know also kung ilang buwan na akong buntis because the doctor doesn't mention it when I got hospitalized." mahina kong sabi.

"Medyo klaro na po ang umbok ng tiyan niyo, maam pero di niyo pa alam kung ilang buwan na yan?" sabay turo sa tiyan ko.

"Hindi. I just confirmed that I'm pregnant when he abducted me an----" she cut me.

"A-ano p-po?"

"Why you seemed so shocked?" sinubukan kong ngumiti.

"Sa pagkaka-alam ko po kasi na hospital kayo dahil may sakit kayo. Yun yung sinabi saakin ni Kuya Ruis, yung lalaking naghatid sainyo patungo rito."

I went mute for a while. tss

"So Dame is trying to cover-up what he did, ha."

For what? Para hindi masira ang pangalan niya?

"Maam, hindi na po normal ang mga ginagawa niya sayo. Lalo na't buntis ka pa."

" He didn't know that I'm pregnant. Not until-." she cut me.

" Pero kahit na po." pagkatapos ay tumingin siya balikat ko.

"Kaya pala may nakita akong hiwa sa balikat n'yo at mga pasa nung unang-araw nyo rito. Pero hindi ako nagtanong, kasi wala naman ako sa lugar para magtanong."

And then I remember my first day here. I just wore simple sleeveless and jeans that day, not minding the bruises on my upper body. What's the purpose of hiding it anyway? Let Dame see the product of his cruelty. But after I get dressed, only his bodyguard accompanies me. Napansin ko nga ang pagtingin ng maraming tao sa gawi ko kasi maliban sa hiwa ay may mga pasa rin ako.

But still, it's useless.

"Alam n'yo po, para kayong si Mama ko." natahimik ako bigla sa sa sinabi niya.

"Tanging si Mama nalang ang bumubuhay saamin dahil nawalan ng trabaho si Papa. Binubuhay niya kami sa pamamagitan ng paglalaba niya. Pero sa kabila ng pagkayod niya, bugbog parin ang natatanggap niya sa tuwing uuwi siya.  Mabait naman si Papa pero pag nakainom siya nagiging bayolente siya bigla. Ang masaklap pa, hindi niya maalala lahat ng mga ginawa niya. Nagsimula ang palaging pag-inom niya noong nawalan siya ng trabaho dahil nalugi bigla ang kanyang tinatrabahuan kaya napilitan itong magsara . Tanda ko pa noong Grade 2 ako. Habang kumakain kami biglang dumating si Papa, sobrang lasing at may  hawak pang  walang lamang botelya habang pa gewang-gewang na naglakad papunta sa gawi namin. Nang nakita niyang walang ulam. Agad niyang tinanong si Mama kung anong silbi ng paglalaba niya kung wala man lang masarap na pagkaing mabili. Pagkatapos ay walang-awa niyang pinukpok ng bote ang mga kamay ni Mama hanggang sa nabasag ito sa mismong mga kamay niya. Dagdag pa niya, kung walang silbi ang mga kamay ni Mama ay mabuting mawala nalang ito sakanya. Sinubukan naming awatin pero malakas siya.  Ano ba naman ang kaya ng isang walong taong gulang sa ganyan? Hanggang iyak lang ang nagawa ko, maam."

Nakita kong umiyak siya kaya agad akong tumayo para yakapin siya.

"Nang nahimasmasan si Papa nagmakaawa siyang wag isumbong ni Mama dahil pwede siyang maaresto sa ginawa niya. Pero alam n'yo ba kung anong ginawa ni Mama? Pinatawad lang niya kahit na hindi na siya ulit makapaglaba dahil nabali ang ilang parte ng buto niya." pagpapatuloy niya.

"Para kang si Mama, maam! kahit na ilang beses saktan, kahit na kumakaway na si kamatayan, pinapa-iral parin ang puso kaysa sa isip."

Malungkot akong ngumiti at inalo ang kanyang likod

"Mararamdam mo rin lahat ng yan Aleya pagnaranasan mo ng magmahal ng totoo. Ang tunay na pagmamahal kahit ikamatay mo pa, patuloy ka paring susugal. Dahil ang tunay na pagmamahal walang katapusan. Kahit isang milyong dahilan pa ang nasa isip mo para tumigil. May isang rason ka parin para magpatuloy at yun ay ang 'Baka pwede pa'. Nagmahal ka lang ng tunay.  Na kahit masakit na, hindi mo parin kayang bitawan."

And then I smiled at her. Iba kami ng Mama mo Aleya. Kasi siya mahal pa, ako hindi na.

PERENNIAL STORMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon