CHAPTER NINETEEN

74 6 1
                                    

Maaga akong nagising ngayon kaya nakakapanibago. Medyo madalang narin ng pagsusuka ko siguro dahil patapos narin ang first trimester ko. Pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako. I glanced at the clock  that was displayed on the sofa above the television. The short hand was pointed at 5 while the long hand was 2 which means it's 5:10 in the morning, too early for me. I heard Aleya's voice at the kitchen kaya papasok na sana ako ng may marinig  pa akong isang boses. Hindi lang pala siya nag iisa doon pero huminto ako sa paglalakad ng marinig ko ang pangalan ko.

"Pero sir, alalahin niyo naman siya si maam Avora. May anak na po kayo at ilang buwan nalang ay manganganak na siya."

"I know what I'm doing Aleya."

"Hahayaan niyo nalang bang masaktan ulit siya?" wala na akong narinig pang boses kaya sumilip ako sa maliit na bukana ng pinto. Nakaharap sila sa isat-isa at parang ang lalim lalim ng pinag-usapan nila.

"Uuwi po ako bukas sa amin at sana sa pag-alis ko ay hindi siya masaktan sa mga kamay mo." Dame didn't answered again.

"Sir mahal niyo pa ba siya?"

Umiwas agad si Dame ng tingin "H-hind-"

Hindi kuna pinakinggan pa ang susunod na salitang ibigkas niya dahil mabilis na akong tumakbo pabalik sa aking kwarto. Muli na namang sumikip ang aking dibdib at para naring nanlabo ang mata ko sa luhang paparating.

I know that his feelings for me have gone already and he looked at me not the same way before. Pero ang sakit at ang hirap padin tanggapin. Dame, you broke my heart with your promise that I am the only one but I never regret loving you. I love you and yet, you manage to hurt me.

Pinahiran ko ang luhang paparating at ngumiti lamang sa kawalan. Kung masaya kana ngayon ay siguro dapat narin akong maging masaya dahil ganyan naman diba pag mahal mo ang isang tao.  Masaya kang makita siyang masaya kahit na hindi na ikaw ang rason ng mga ngiting gumuhit sa labi niya.

Hinintay ko nalang ang oras kung kailan ito lilipat sa number 7. Para akong tanga dahil sinasabayan ko ang tunog ng orasan bawat segundong iikot ito hanggang sa diko namalayang naabot ko ang oras na hinihintay ko sa pamamagitan lamang ng pagsabay ko sa ikot nito. Inayos ko muna ang sarili ko sa salamin bago bumaba ulit.

Pagpasok ko ulit sa kusina ay nasa hapag na sa Dame habang abala sa pag ttxt. Nilagpasan ko lamang siya at pumunta kay Aleya na kasalukuyang  nagpiprito ng hotdog.

"Good morning ate." masaya niyang bati sa akin na para bang hindi ko narinig ang pinag-usapan nilang dalawa ni Dame kanina.

"Hello Aleya, can you boil an egg for me.. please." I said in the most sweetest way as ever not minding those words I heard earlier.

"No problem ate, ako nalang kakain sa pitong sunny-side-up egg na ginawa ko kanina. Hindi naman mahilig si sir Dametrius sa mga itlog dahil.." bigla siyang lumapit saakin para bumulong. "dahil may sarili na siyang itlog." dahilan para matawa kaming dalawa sa sinabi niya pero narinig namin pareho ang pagtikhim ni Dame saaming likuran kaya humarap ako sa gawi niya pero binigyan niya lang ako ng kunot noo'ng tingin na para bang may may ginawa akong kay laki-laki.

KJ.

Iniwan ko nalang si Aleya at umupo nalang sa katapat na upuang inuupuan niya. Binaba niya agad ang cellphone niya at nilagay sa bahagi ng mesang malapit lamang sa kanya.

"Bakit di mo binibigyan ng day-off si Aleya?" tanong ko nalang out of nowhere to avoid the awkwardness.

"I did." simple niyang sagot habang matalim na tumingin sa mga mata ko kaya ginantihan ko siya.

"You did?"

"Yes."

"When?"

"Now." wtf.

Hindi nalang ako nagsalita pa at inaalis ko nalang ang paningin ko sakanya. At napunta nalang ito bigla sa sunny-side-up na ginawa ni Aleya at ngayon kulang naapreciate ang ganda ng pagkagawa niya dahil sobrang bilog masyado para bang hinulma ito. Pagkatapos kong patayin sa tingin ang itlog ay binalik ko ulit ang mga mata ko kay Dame pero matagal na pala itong nakatingin saakin dahilan para mapainom ako sa basong nahawakan ko, malapit saakin.

"Ouuuuuch." impit kong sigaw dahil sa init ng nainom ko.

"Ate, jusko bakit n-nyo naman po ininom agad ang gatas nyo. Sinadya kong mainit na tubig ang ilagay dahil madalas ay inaabot yan ng isang oras bago nyo inumin." sabi ni Aleya habang papalapit sa akin pero naunahan na siya ni Dame.

"Drink this." nilahad niya sa akin ang isang basong tubig. "Next time wag kang kung saan-saan lang tumitingin." pagkatapos ay bumalik na sa kanyang inuupuan. Nakita ko pa ang maliit na pagngiti ni Aleya bago ako iniwan mag isa.

Shit.

Dumating muli ang panibagong araw. Ang araw kung saan uuwi si Aleya sa kanila. Aaminin ko, gusto kong sumama sa kaniya para makalanghap naman ng panibagong hangin lalo na't taga probinsiya siya pero baka suntok ang malanghap ko pag sinabi ko kay Dame.

"A-ate alagaan mo ang sarili mo dito ha." this is her nth time telling me that the same sentence.

"I will, Aleya." and this is my nth time answering also.

"D-dadalhan kita ng mangga ate, marami doon saamin. Sabi ni sir Dametrius ay babalik nadaw dito si Nanay Soling ngayon para pumalit saakin pero pinapabalik parin ako ni sir kahit na nandito na si Nanay." masaya niyang wika habang bitbit niya ang itim niyang maleta?

"Dinala mo ba lahat ng damit mo?" sabay turo sa bagahing dala niya.

"Nako hindi po. Kalahati lang naman po ang laman nito at puro pasalubong lamang. Wala napo kasi akong ibang paglalagyan dahil isa lang naman ang dinala ko."

"I have bags upstairs."

"Wag na po ate matatagalan na po tayo kung ililipat ko pa to at baka magalit pa si sir Dametrius sa sobrang tagal ko." hindi paman ako nakasagot ay bumusina na si Dame kaya wala na akong nagawa kundi samahan nalang si Aleya hanggang sa makapasok siya sa sasakyan.

"Avora, just wait for Nanay Soling. She'll be here any minute from now." si Dame.

"A-ate alagaan niyo-" hindi kuna siya pinatapos pa dahil sinirado kuna agad ang pintuan ng sasakyan. Alam ko naman kung ano ang kadugtong non. Winagayway ko nalang ang kamay ko habang papalabas na sila ng gate hanggang sa nawala na sila ng tuluyan sa aking paningin.

Balak kuna sanang isirado ng biglang may dalawang pares ng paa ang nakatayo sa harapan ko. Tumingin ako at nanubig agad ang dalawa kong mata ng makitang si Nanay Soling ito. Mabilis ko siyang niyakap dahil sa tuwa.

"A-avora a-apo ikaw ba yan?" hindi makapaniwalang tanong niya kaya binitawan ko siya at pinaharap saakin. "A-avora ikaw nga."pagtapos ay siya na mismo ang yumakap saakin. "Avora akala ko p-patay kana. Akala ko pinatay kana ni Alcazar. Dios ko." hanggang sa narinig ko ang pagsinghot niya.

Pagkatapos naming magpainit sa araw kanina ay naisipan ko munang maligo ulit sa kwarto habang si Nanay Soling naman ay inaayos ang dala niyang gamit sa kwarto nila.

Habang nagsusuklay ako sa basa kong buhok at nakaupo lamang sa kama ay may biglang kumatok sa pinto bago ito pumasok. Ngumiti muna si Nanay Soling saakin bago siya umupo saaking tabi.

"Ang ganda mo parin Avora. Kaya mahal na mahal ka ni Dametrius hanggang ngayon." binaba ko agad ang suklay ko at malungkot na ngumiti sa kanya.

"Nawala na po ang pag-ibig niya saakin."

"Avora hindi totoo yan, kung hindi ka niya mahal ay sana hindi ka niya tinago dito ngayon."

"Po?" ngumiti lamang siya sa akin at hindi na ako sinagot pa.

"Avora alam ko ang totoong nangyari, narinig ko rin ang sinabi ni Lucille sa telepono." natigilan ako bigla.

"Para narin kitang apo, kayo ni Dametrius. Kahit na hindi ko kayo kadugo ay napamahal na rin ako sainyo...Avora pwede mo bang ikwento sa akin ang ginawa niya sayo? maaari ko bang malaman ang totoo?

At doon pumatak na parang gripo ang mga luha ko at inalala ang gabing sumira sa buong buhay ko.

PERENNIAL STORMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon