CHAPTER TWENTY-TWO

81 5 0
                                    

Being happy is a choice but how can we be happy if the happiness is not even in the choices? All of us wanted to feel it but not all the people has the chance to experience it because it’s simply not something you can wish for or desire and then have. Not everything is perfect exactly the way we want it and that's really sucked, depriving our happiness. I wished for love, for happiness, for other things, and all I found out was being broken hearted.

Tanghali na pero wala parin akong ganang bumaba, ilang beses narin akong pinuntahan ni Nanay Soling dito pero tinatamad talaga akong bumangon. Dinalhan niya narin ako ng pagkain pero hindi ko man lang naisipang galawin ito at hinayaan na lamang itong lumamig. Hindi dahil sa wala akong gana kundi dahil maya't maya nalang akong nahihilo. Maaga umalis si Dame kanina kaya malaya ulit akong gawin ang gusto ko, isa na doon ay ang pagkain sa hindi tamang oras pero nitong mga nakaraang araw ay bumabalik na ulit ang pagkagusto ko sa mga pagkain. Kukunin kuna sana ang tray para ibalik na sa baba ng makita ko ang cellphone sa gilid nito. Ngayon ko lang ulit ito napansin mula nung binigay ito saakin, akala ko tuluyan na niya itong binawi noon. tsk.

Kinuha ko ito para sana buksan pero walang lumalabas na ilaw. I know this is brandnew cellphone because Dame is not fond of seconhand stuff and besides I was the one who unboxed it. Hinanap ko ang charger at isinaksak sa malapit na outlet kaya nabuhayan ito agad. Gosh! hanggang sa latest iPhone ba mahina parin ang lifespan ng battery, well ilang weeks rin naman kasi itong naka-on pero hindi ko naman na ginagamit. Mabuti pa iyong samsung keypad ko noong highschool pa ako, naghiwalay nalang yung kaklase ko pero yung phone ko gising parin. Iniwan ko na lamang ito at bumalik na sa aking kama.

I went down after I did my morning routine. Kahapon lang nawala si Aleya pero miss kuna agad siya. Tuwing naririnig niya ang yapak ko sa hagdan mabilis siyang lumalapit saakin at ngumingiti ng pagkalaki-laki.

"Avora Hija, tinanghali ka yata ng gising. Naubos mo naba yung dinala kong pagkain kanina?" Patanong na sabi ni Nanay Soling na kakapasok lamang sa loob ng bahay.

"Nay, dito nalang po ako kakain. Nakatulog ako ulit kanina kaya lumamig na paggising ko." mahina kong sagot.

"Hindi yan mabuti sa buntis, Avora." biglang sermon niya. "Sandali lang at ipaghahanda kita ulit ng makakain. Iinitin ko lang saglit yung sabaw dahil mabuti iyon para sa buntis." I just nodded my head and seated at the sofa. Sa tagal ko dito ngayon kulang naramdaman ang pagkainip. I'm so bored and I really want to have fun. I get the remote and scanned the best channel that suits my feeling right now but after 10 minutes of finding, I can't chose. Kaya tumayo na lamang ako at lalabas na sana ng bahay ng bigla kong nakasalubong ang mga tauhan ni Dame na kakapasok lamang sa pinto kaya tumalikod ako agad sa gawi nila at dali-daling pumunta sa kusina. Hindi pamilyar ang mga mukha nila pero agad akong nilamon ng hiya at sakit sa pag aakalang baka isa sa kanila ay nakakita na sa buo kong katawan. Noong piniringan nila ako ay may narinig akong ilang boses na bago lang saaking pandinig.

"Oh, Avora. Pasensiya na at natagalan masyado. Gutom kana ba? Sa susunod kasi ay kumain ka sa tamang oras dahil.." Napahinto agad siya sa pagsasalita ng may napansing kakaiba saakin kaya lumapit siya. "Bakit parang balisa ka? Anong nangyari sayo?" pagkatapos ay hinawakan niya ang aking mukha gamit ang kanyang dalawang kamay na may pag-iingat.

"W-wala po Nay, kakain na po ako." hindi niya pinaniwalaan ang sinabi ko at tumingin sa banda kong saan ako nanggaling. Kumunot ang kanyang noo pagkatapos at ibinalik saakin ang kanyang tingin. "Mga tauhan ni Dametrius iyan." pagpapaliwanag niya na para bang hindi ko alam.

"Nanay Soling, where is-" si Dame pagpasok niya. A  look of astonishment suddenly crossed his face as he turned his gazed on me. "What are you doing, Avora. Why you're hiding?" he paused for a while and looked back at his men. He then released a deep sighed after.

"Av.. M-mga bago kong tauhan. Aalis rin sila pagkatapos."

hindi ko na lamang siya pinakinggan at tumingin na lamang kay Nanay Soling. "k-kakain muna ako."

"Hindi ka pa kumain?" he asked. I just nod without looking at him.

"Nay, sabihin mo sa kanila na umalis na pagkatapos. Sasamahan ko si Avora kumain."

"Pati ikaw ay hindi rin kumain?... Nako kayo talagang mga bata kayo, magiging magulang na pero ang titigas parin ng mga ulo. O sige. Nakahanda narin ang mga pagkain sa mesa kumuha ka nalang ng isa pang pinggan dahil para kay Avora lang ang nalagay ko." Dame's lips formed a small smile. Umalis na si Nanay Soling pagkatapos kaya kami nalang dalawa ni Dame ang natira.

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo Avora?" sigaw niya. Pagkatapos ay umupo na gilid ko at siya na mismo ang naglagay ng pagkain sa plato ko.

"Kung makapagsalita ka naman hindi ka rin naman kumain ng almusal." pagbibiro ko para mawala ang tensyon sa pagitan naming dalawa.

"You have to take care of your body because you are pregnant."

"Alam ko."

"Then why the hell did you skipped your breakfast?" he yelled again.

"I didn't. Na late lang pero kumain parin ako."

Binalewala niya lang ang sinabi ko at parang may hinahanap sa aking banda. "Avora where's your milk?"

I paused for a while and then crazy thoughts entered in my mind. I automatically touched my left boob and look at him innocently. "Sabi ng doctor after kong manganak pa lalabas ang gatas ko."

Biglang nanlaki ang mata niya na parang tarsier sa sinabi ko. "What are you talking about Avora? I asked the milk you've been drinking everyday. Not  the milk on your..." he stopped and looked at my boobs.

Iniwasan kong matawa para hindi siya lalong magalit. "Naghanda si Nanay ng sabaw kaya hindi niya na ako ginawan ng gatas."

"But Aleya's still giving you milk even--"

"Siguro nasobrahan si Aleya sa pag-aalaga saakin." ngayon ay hindi kuna napigilan matawa.

"It's not funny Avora so stopped laughing." pagkatapos ay kanyang plato naman ang nilagyan nga kanin.

KJ as always Dame.

He broke the silence after few minutes. "Avora. Let's visit your OB tomorrow for you next prenatal."

"Pupunta naman talaga ako bukas pero s-sasama ka?"

"Yes."

"Bakit?"

His brows arched. "Aleya is not here and Nanay is too old to accompany you."

Kung maka old para namang uugod ugod na si Nanay Soling maglakad.

"D-dame.. baka may.."

"What?"

"Ikakasal kana diba?" nakita ko ang biglaang pagkagulat niya sa sinabi ko. "M-may.."

"Finished your food Avora." kinuha niya ang basong nakalagay sa gilid niya at ininom ang laman.

"Bakit di mo ako masagot?"

Binalik niya ang mga mata niya at tinignan ako ng masinsinan. "Masasaktan kalang pag sinabi ko sayo. Inaalala ko lang ang kalagayan ng bata."

I smiled fakely to him. Hindi mo lang alam Dame na sa mismong gabing yon habang ikaw sobrang saya, ako nasa hospital.

PERENNIAL STORMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon