Nakita ko ang sasakyan ni Dame na nakapark na sa garahe pagdating namin. Ang aga niya yatang nakauwi ngayon? Kadalasan kasi ay inaabot siya ng alas nuebe o alas dyes ng gabi. Pagpasok namin sa loob ay dumeritso na agad si Aleya sa kusina para magluto ng hapunan habang ako naman ay paakyat na sana sa hagdanan ng biglang hatakin ni Dame ang kaliwang siko ko.
"Bakit ngayon kalang, alas otso palang kayo umalis dito tapos uuwi kayo ng ganitong oras?Sinubukan mo na naman sigurong tumakas a'no?" Malaki ang kamay niya kaya agad niya itong nasakop ng buo.
"Kung tumakas man ako ay sana wala na ako ngayon sa harapan mo at bakit ka ba nangingialam, matagal kana namang walang pakialam." mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkahawak kaya hindi na ako magtataka pa mamaya kung magmamarka na naman ito muli.
"Dame, ano ba! nasasaktan ako."
"Ikaw pa 'tong may pagkalaki-laking kasalanan pero nakuha mo pang magsalita ng ganyan? Paano nga ba kita rerespetuhin Avora kung ako mismo di mo kayang respetuhin." pagkatapos ay walang awa niya akong tinulak, mabuti nalang ay nakahawak agad ako sa railing ng hagdan kung hindi ay sa sahig ulit ang aking hantungan.
"Sana sumama ka." hikbi kong sigaw sakanya at hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng aking mga luha. "Alam mo ba kanina habang naghihintay ako sa labas, inggit na inggit ako Dame sa mga kasama kong buntis dahil lahat sila kasama ang ama ng anak nila habang ako nag-iisa lamang, mabuti at nandyan si Aleya." tiklop agad ang kanyang bibig pero hindi ko man lang nakitaan ng pagka-awa.
"Habang pinapakita kanina ang itsura ng anak natin, abot langit ang saya ko Dame dahil sa kabila ng lahat ng napagdaanan ko binigyan parin ako ng panginoon ng panibagong rason para magpatuloy at lumaban." hindi siya nagsalita pa kaya nagpatuloy ako. "Alam kong hindi muna ulit ako kayang tanggapin pero sana kahit para sa anak nalang natin. Sawa na ako sa pananakit mo. Pabalik-balik nalang, hindi pa tuluyang gumagaling ang isang marka inulit mo na naman. Alam ko na hindi mo na ako mahal pa at tanging anak nalang natin ang nag-uugnay sa ating dalawa pero sana kahit konting awa nalang para sa anak mo hanggang sa manganak ako Dame, sapat na saakin."
Pagkatapos ay iniwan ko siya sa baba at mabilis na sinirado ang pinto. Unang pasok ko sa kwartong to kalinawan ang agad kong naramdaman pero ngayon naging saksi na ito ng mga luha at sakit na aking pinagdaanan. Gusto ko sanang bumaba pa para kumain man lang pero nahilo na naman ako.
Kinabukasan ay dating gawi na naman. Pero sabi ng doctor ay pag nasa second trimester na ako ay mawawala na daw ang pagsusuka at pagkahilo. Bumaba na ako at nakita ko na sa malayo pa si Dame na nakaupo na sa hapag pero hindi pa nagsisimulang kumain. Nginitian ko muna si Aleya na kasalukuyang naglalagay ng ulam sa mesa bago umupo sa harapan ni Dame. Bigla kong naalala si Bantot dati na nakaupo sa pwesto niya at kung paano nahulog mula sa kanyang ulo ang mga dandruff niya. Sana kung nasaan man siya ngayon ay maisipan niyang pangalagaan ang katawan niya hindi yung kayabangan niya.
"Change your clothes after this, we'll buy some of your maternity dress." tuwid niyang sabi.
"Hindi pa naman malaki itong tiyan ko pero kung gusto mo, pwede namang si Aleya nalang ang kasama ko sa pagbili."
"Why not me then?"
"Natatakot akong baka saktan mo ako bigla sa harap ng maraming tao." manhid kong sagot.
He paused.
"Kunin mo na pala yung binigay mong cellphone saakin. Hindi ko naman ginagamit yon dagdag display lang sa kwarto." but still he didn't respond.
"Maam, ito po pala yung vitamins na pina resita sa inyo ng doctor." si Aleya pagkatapos ay nilagay niya sa tabi ng aking gatas. "Inumin n'yo nalang po pagkatapos n'yo kumain." nginitian ko siya bilang ganti. Natapos ang agahan namin na sobrang tahimik gaya nung una.
"I will be waiting here." nang nakita niyang paalis na ako.
Pinandilatan ko lang ng mata ang hangin dahil baka kung sakanya ko yun ginawa ay baka madagdagan na naman ang aking pasa. Labag man sa loob ko ay nagbihis parin ako. Tapos na rin kasi akong maligo kanina pagkatapos kong sumuka. Himala at naisipan ni Dame na bilhan ako ng mga maternity dress kahit na hindi ko pa naman kailangan dahil gosh! 8 weeks palang ang bata.
Baka natauhan siguro sa mga sinabi ko kagabi.
After 40 minutes of preparing, I go downstairs wearing a beige bell sleeve dress up to my knee to hide my bruises and 3 inches ankle strap skintone sandal. I just let my straight golden blonde hair sway. I didn't put any makeup on my face because Dame didn't buy me either so maybe I can request it later to buy at least one of my favorite Tom Ford lipstick. Dame already put different kinds of clothes in my room before I came here but forget to put on any make-up at least. I saw him sitting on the sofa. When he heard the sounds of my heels he immediately turned his gaze on me and stood up. He's really handsome in whatever clothes he wears. Simple black jeans and a black t-shirt up top together with his black leather boots make him more manly. He's watching me intently as if memorizing every inch of my body. When I get close, he immediately offers his hand but I just rejected him.
What are you now Dametrius Crimson?
After 20 minutes we arrived at mall. Dali-dali siyang bumaba para sana pagbuksan ako pero huli na dahil nauna na akong bumaba sakanya pagkatapos ay hindi na siya hinintay pa at nagsimula ng maglakad. Binigay niya ang kanyang susi sa valet boy pagkatapos ay mabilis na sumunod saakin. Balak niya sanang iikot ang braso niya saaking bewang pero mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad hanggang sa di ko namalayang nabangga ko ang isang bata. Nanlaki agad ang dalawa kong mata dahil natumba ito at umiyak ng pagka lakas-lakas pagkatapos. Mabuti at dali dali siyang tinulungan ni Dame para makatayo. Gosh! I was shocked."What's your name?" Dame said but the boy still crying to the point na nakaagaw na siya ng pansin sa mga taong naglalakad. I just watched them two without moving.
May babaeng galit na galit ang agad na lumapit sa gawi namin.
"Josh naman, sana talaga hindi na kita sinama pang bata ka."pagkatapos ay piningot niya agad ang tenga ng bata sa harapan namin which made me more shocked.
Lalong umiyak ang bata dahil sa ginawa ng kanyang ina. "Sorry po sainyo, may pagka makulit talaga itong batang to papansin masyado. Sige po mauna na kami." pagkatapos ay hindi nya na kami hinintay pang makasagot dahil kinaladkad niya na agad ang lalaki. Nakita ko pa ang pagpingot niya ng isa pang beses sa kabilang tenga naman ng bata.
"Hindi man lang niya tayo pinakinggan, bigla-bigla nalang siyang nanakit agad." sabi ko sa kawalan
Nakita ko ang paglingon ni Dame saakin.
"Bakit di ka makasagot Dame? nasapol kaba? Baka mamaya ikaw naman ang manakit saakin dito ha."
And then left him agape.
BINABASA MO ANG
PERENNIAL STORM
RomanceR-18 Avora Ashiel Finley is a 25-year-old woman who is happily engaged to her long-time boyfriend Dametrius Crimson. But everything changed like a whirlwind after the night of their engagement party. Was the tragedy that happen before makes them mo...