CHAPTER THIRTEEN

83 6 8
                                    

Dumaan ulit ang ilang linggo na hindi ko na nakausap pa si Dame, tuwing lalapit ako ay iiwas siya. Tuwing kakain ako ay wala na siya. Ang tagal narin niyang umuwi tulad ng nakasanayan niya. Para bang bumalik  ulit sa dati o baka naman umiiwas lang siya.

"Maam parang may napansin ako sainyong dalawa ni Sir Dametrius." si Aleya habang naghuhugas ng pinggan.

Nakaupo ako ngayon sa harap ng mesa habang hinihiwa paitaas sa tatlong bahangi ang hinog na mangga. Tapos na kaming kumain ng tanghalian kaya ngayon ay abala siya sa paghuhugas ng aming pinagkainan.

"Parang? so, dika sure?" pagbibiro ko. "Bakit ano ba ang napansin mo?"pagkatapos ay kinuha ang laman sa pamamagitan ng kutsara at nilagay sa bowl na hinanda niya.

"Sinasaktan ka niya noong una tapos lumipas ang mga linggo nagbago siya, tapos ngayon bumalik na naman ang ugali niya, tapos noon binubugbog ka niya tapos maam--"

"To be honest, mas magulo ka pang magsalita kaysa sa mga pinapakita ni Dame, Aleya." pagtataray ko.

Itong si Aleya naman, patagal ng patagal lalo siyang nagiging magulo kausap.

Natawa siya bigla. "Si maam talaga, pero sa totoo lang po hindi ko talaga mabasa minsan si Sir."

"Wag mo nalang siyang basahin Aleya kasi di naman siya libro para malaman mo ang kanyang buong kwento." pamimilosopo ko sabay irap sa kanya kahit na alam kong nasa pinggan ang mga mata niya.

"Pansin ko rin maam, napadalas yata yung pag jojoke n'yo nitong mga nakaraang-araw noh?"

Isa pang pansin mo Aleya at mapuputol na talaga yang dila mo sa pagiging tsismosa mong bata ka.

"I just want to rest my mind and stopped thinking about the things that will make me cry at the end. It's been two weeks since that day happened and I don't want to remember that again. Gusto ko munang ipahinga ang mata ko dahil alam kong sa bawat pag-iisip ko'y luha lamang ang aking patutunguhan."

"Maam kung ako sainyo magpapaganda ako para hindi hindi ako palitan ni Sir." umiling na lamang ako sa sinabi niya. I didn't tell her everything, just a little bit of details about that day kaya hindi niya alam na may iba na si Dame.

Matagal na akong pinalitan Aleya.

"Aleya, why don't we try shopping tomorrow. Para na kasi tayong mga preso dito lagi nalang nakakulong buong-araw, and about the money don't worry because I'll withdraw, BUT don't tell Dame because if he found out maybe my life will be at the edge of death again."

"B-bakit naman po?"

"Let's surprise him nalang tomorrow sa bagong looks natin. What do you think?"

"Parang gusto ko yan maam." napangisi na lamang ako.

Hangga't wala pang singsing sa hintuturo ni Dame ay pwede pa siyang agawin. Hindi dahil sa mahal ko siya kundi dahil para sa anak nalang namin ako naman ang nauna diba at ako rin ang buntis saaming dalawa.

Kinabukasan ay nawala na parang bula ang pagiging excited namin pareho dahil hindi pa umuuwi si Dame mula kagabi kaya baka umuwi siya bigla ngayon.

"Maam. Tutuloy pa ba tayo? pag nalaman ni sir to, talagang magagalit yun at di natin alam pareho kung ano na naman ang gagawin niya sayo."pag-aalala niya. 

Think Avora.

"Kapag hindi pa umuwi si Dame pagkatapos nating mananghalian mamaya tska nalang tayo aalis." pangungumbinsi ko. Kasalukuyan kaming nasa sala para palitan na naman ang mga bulaklak sa vase. Jusko namang mga bulaklak kayo papansin talaga kayo palagi bakit ba kasi naglagay pa si Dame ng mga bulaklak dito? eh, alam niya namang ayaw ko sa mga ganyan.

PERENNIAL STORMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon