Nanay Soling approached and hugged me tightly. "Dios ko, Avora." mangiyak ngiyak niyang wika. "Sinumbong mo naba sila sa mga pulis? Nakulong naba sila?" patuloy lamang ako sa pag-iyak kasabay ng pag-iling.
"Paano ko po sila masusumbong kung mismo ako ay wala na sa aking katinuan." mabilis niya akong binitawan at tumingin sa akin gamit ang malungkot niyang mata kaya dumuko ako para iwasan siya.
"P-paggising ko po ay nasa hospital na ako. Gusto kong magsalita pero walang lumalabas sa aking bibig. Nakatingin lamang ako sa mga taong nasa aking paligid habang walang tigil sa pag-iyak. Gusto kong humingi ng tulong sa kanila pero hindi ko magawang igalaw ang buo kong katawan. Nilapitan ako ng nakaputing tao at may biglang tinusok saakin dahilan para mas lalo akong manghina pero kasabay ng pagpikit ng aking mga mata ay ang pagbalik sa ala-alang gusto ko ng mawala saaking isipan, ang mga karahasang ginawa nila sa akin at sa buo kong katawan. N-nay, para bang bumalik ako sa araw kung saan binaboy nila ako ng husto. Hindi ko alam kong ilang araw ako doon dahil tuwing gigising ako mukha nilang tatlo ang laging nakikita ko kahit na wala akong kasama dahil ako lamang mag-isa." I sobbed.
"The e doctor told me that I have laceration, a first-degree tears of my vagina. Pagkatapos kong marinig yun ay ngumiti lamang ako hindi dahil sa tuwa kundi dahil sa sakit, sobrang manhid na ng buong isip at katawan ko. Sa sobrang manhid ay hindi ko na alam kong maibabalik ko pa ba ang dating ako. Hanggang sa nakita ako ni Aimee, katrabaho ko." tumingin ako kay Nanay Soling na ngayon ay gaya ko rin ay pumapatak na ang mga luha sa kanyang pisngi. "Nakiusap akong wag niyang ipaalam kay Dame o sa kahit na sinong taong konektado sa kanya tungkol sa nangyari saakin. D-dahil Nay, hiyang-hiya ako na ako sa sarili ko. Natatakot akong baka hiwalayan niya ako dahil ako nga hindi ko na kayang tanggapin ang sarili ko, siya pa kaya? Wala na akong mukhang maihaharap sa kanya dahil ang dumi-dumi kuna. N-nay t-tatlo sila, t-tatlong t-tao." sinubsob ko ulit ang mukha ko sa balikat niya at hinayaan na lamang ang aking mga luha.
"Aimee made a resignation letter and help me to go to US to cure my illness because aside from laceration, I was s-suffering from Acute Post-traumatic stress disorder as well."
Exhale, Avora.
"Hija." pag-aalo niya saaking likod.
"I’m hallucinating from time to time and my brain can’t function normally and it's getting worst everyday and I know that US will be the perfect place for me. Hindi ko maintindihan pero walang pumapasok sa isip ko kundi silang tatlo but still I keep on fighting and undergo different session and tests to bring back my senses again. Lagi parin akong lumalaban kahit na sobrang lakas ng aking mga kalaban... A-after 7 months, I succeed. I was healed with the help of myself dahil bukod sa kay Aimee na bumibisita lamang isang beses sa isang buwan ay wala na akong kakapitan kundi ang sarili ko na lamang."
"Hija, anong kinalaman ni Lucille dito? Kilala ko ang mga Crimson at alam kong mababait silang tao. Narinig ko lamang ang pangalan mo pero hindi ang buong kwento. Bumaba ako at ilang minuto lamang ay nakita kitang nasa tapat na ng kanyang opisina pero binalewala ko lang at pumasok na para sana matulog pero hindi paman lumalagpas ng sampung minuto ay may narinig na akong putok at hagulhol galing sa itaas."
"N-nay pagbalik ko dito, akala ko tapos na ang lahat, na pwede na akong magsimula ulit kasama si Dame pero pagkatapos ng kasiyahan narinig ko si Tita Lucille sa opisina niya, narinig ko lahat ang mga ginawa niya saakin. S-siya po. S-siya po ang nag-utos ng lahat. Saksi ang dalawang tenga ko sa mga sinabi niya. Rinig na rinig ko pangalan ko at mismong araw kung kailan nila ako ginalaw. Mabilis kong binuksan ang pintuan at nakita ko siya na may hawak ng baril habang galit na galit na tumingin sa kanyang telepono. Sumugod ako sakanya pero bigla niya akong tinutukan ng baril at itinapat sa mismo kong mukha. Pinotrektahan ko lamang ang sarili ko N-nay. Kahit na ako yung biktima hindi ko kayang gawin yon sa kanya dahil siya ang Ina ni Dame, siya ang Ina ng taong mahal ko. Inagaw ko sakanya ang baril ngunit naiputok niya ito at tumama ang bala sa kanyang kaliwang dibdib kasabay nun ay ang papasok ni Tito Amadeus at inatake bigla sa kanyang puso ng makita niyang nakahiga na sa sahig si Tita Lucille na walang malay habang nag-uunahan ang mga dugong lumabas sa kanyang katawan. Gusto ko siyang tulungan pero nakarinig ako ng mga yapak ng taong paparating kaya mabilis akong lumayas bago pa nila ako mahuli. Dahil sa ngalan ng batas ako parin ang may sala at ayaw kong bigyan siya ng hustisya..dahil hindi ko siya kayang patawarin." hugulhol kong sabi.
"Avora, sinabi mo ba ito kay Dametrius?" umiling lamang ako sa kanya.
"Gaya ko po ay nangingibabaw rin ang galit niya kaya hindi niya ako magawang pakinggan..N-nay gaano ba kalaki ang kasalan ko sa langit at bakit niya ako pinapahirapan ng ganito? Gusto ko lang naman mabuhay at maranasan maging masaya pero bakit ang hirap kunin. Parati nalang inilalayo saakin lahat ng gusto kong mangyari..Wala akong ginawang kasalanan sa kanyang pamilya pero bakit niya nagawa yon?"
I didn't know that in every smile and warm hug she gave there is a substitute disaster that will scar forever.
"Avora, h-hindi yan kayang gawin ni Lucille. Talaga bang siya ang may pakana o dinugtungan mo lang ang salita."
"N-nay kung hindi totoo ang lahat ng narinig ko bakit niya ako tinutukan ng baril? Bakit niya ako gustong patayin?"
Hindi niya ako sinagot at umatras ng bahagya habang malalim na tumingin sa aking mga mata.
I heard the engine of the car outside. So I wiped all my tears and give her a smile but still she didn't react. Nagtinginan lang kami hanggang sa magsalita siya ulit.
"A-avora..Ano ang pangalan ng iyong-"
Pero hindi niya natapos ang sana'y sasabihin niya dahil biglang bumukas ang pinto at iniluwa mula doon si Dame. Tumingin siya agad saaming mga mata pero umiwas lamang ako at binalik ang tingin kay Nanay Soling na ngayon ay mas lalong lumalim ang tingin saakin pagkatapos ay tumayo para lapitan at yakapin si Dame. "Mahigit dalawang buwan palang akong nawala pero pagbalik ko kasama mo na ulit si Avora."
"Because she’s pregnant." deritsong sabi ni Dame dahilan para lumingon si Nanay Soling sa gawi ko at ngumisi ng tipid.
"Unang kita ko palang sakanya alam ko na. Ikaw ang ama diba?" Tanong niya kay Dame.
Tumingain muna si Dame sa akin bago niya sagutin si Nanay Soling. "Ako..siguro."
Dinuko ko nalamang ang aking mukha para di nila makita ang panibago kong luha.
I know that there are pains that can never be healed through medicine because the wounds of my heart just seem to last forever. I've been fighting eversince yet I can't still fight the pain that I'm feeling.
Wag kang mag-alala Dame dahil sa oras na kaya ko na, sisiguraduhin kong hindi muna ulit ako makikita pa.
------------------------------------------
Ps. I'll promise to update 2 chapters tomorrow :) Thankyou so much for waiting and supporting my story. I never thought I'd reached 6oo reads.🖤🖤🖤
BINABASA MO ANG
PERENNIAL STORM
RomanceR-18 Avora Ashiel Finley is a 25-year-old woman who is happily engaged to her long-time boyfriend Dametrius Crimson. But everything changed like a whirlwind after the night of their engagement party. Was the tragedy that happen before makes them mo...