Pagpasok namin sa kwarto ay agad akong niyakap ni Aleya. "Sorry ate, nahuli ako ng dating. Ano pa ang ibang ginawa niya sayo?"
Natahimik ako saglit. "W-wala Aleya. Konting alitan lang." tapos ay maliit na ngumiti sa kanya at niyakap siya pabalik.
"Nandito lang po ako handang makinig sainyo. Wag niyo pong itago ang tunay n'yong nararamdam sa pamamagitan ng ngiti nyo dahil kitang-kita napo ng dalawang mata ko mismo ang ginawa niya sayo." at doon bumagsak ulit ang aking mga luha sa braso niya.
"Ayaw ko pong magaya ka sa ate ko." pagtatahan niya saakin. Aleya mentioned her sister before pero tanging pangalan niya lang ang alam ko. "Sobrang masayahing tao po si Ate at hindi mo talaga makikitaan ng lungkot ang kanyang mga mukha kaya maraming nahuhumaling sa kanya dahil bukod sa maganda siya ay maaliwalas rin tignan ang kayang mukha dahil palagi siyang nakangiti. Pagkatapos mawalan ng trabaho si Mama dahil sa mga daliri niya ay sinubukan ni Papa'ng humanap ng trabaho pero hindi na siya pinalad pa kaya napilitang huminto si Ate sa pag-aaral niya. Wala siyang ibang magawa, alangan namang hayaan nalang namin ang mga sariling mamatay sa gutom? Naalala ko pa noong mga panahong binubugbog pa ni Papa si Mama, palagi niyang tinatakpan ang tenga ko at sinasabing 'mawawala lang daw lahat ng mga yun pagdating ng panahon'. Sa murang edad niya ay nagtatrabaho na siya imbis na mag-aral. Alam kong nahihirapan na siya pero tinitiis niya lang kaya mas lalo akong nagsumikap mag-aral. Pero akala ko tapos na lahat ang mga problema namin." naramdaman ko ang pagkabasa ng damit ko sa kaliwang bahagi ng aking balikat kung saan nakalagay ang kanyang mukha.
"Isang araw, kami lang dalawa ni Mama ang nasa bahay nun ng biglang may pulis na dumating at hinahanap si Papa upang arestuhin dahil sa droga. Doon namin nalamang hindi pala tunay na nalugi ang kanyang tinatrabahuan kundi pinaalis siya dahil nahuli siyang humithit sa loob mismo ng factory nila. Hindi na sinumbong pa ng may-ari dahil ayaw na nilang madamay pa ang negosyo nila at tahimik na lamang nilang pinaalis si Papa. Kaya pala nagawa niya ang mga bagay na yun dahil wala na sa katinuan ang utak niya. Nalulong na ang buong sistema niya sa droga." nakinig na lamang ako sa kwento niya.
"Pagkatapos ng araw na yon ay hindi na ulit pa nagpakita si Papa sa amin, siguro ay nagtago na sa mga kapulisan. Napansin ko rin ang madalas na pananakit ng tiyan at likod ni Mama hanggang sa nagpasaya na kaming ipatingin siya sa doctor at natuklasan naming may bato pala sa kaniyang apdo, hindi pa naman masyadong malala pero kailangan paring kunin habang maaga pa. Pagkatapos nun ay niresitahan kami ng ibat-ibang gamot at pinagbawalan siyang kumain ng mga matatabang pagkain gaya ng mga karne at iba pa kaya doble kayod si Ate makahanap lang ng pera para sa operasyon ni Mama hanggang sa dumating ang hindi namin inaasahang pangyayari. Walang trabaho si Ate sa araw na yun at nagpaiwan lamang siya sa bahay habang si Mama ay pumunta sa palengke at ako naman ay nakipaglaro lamang sa aming kapitbahay nang may biglang sumigaw at sinabing patay nadaw si A-ate..kaya nagtaka ako..p-paano siya mamamatay eh nasa loob lamang siya ng aming bahay? Kaya mabilis kong tinakbo ang maliit na distansya pabalik sa amin upang makita siya." ramdam kuna ang mahinang paghikbi niya at paghagulgol.
"H-hanggang sa nakita ko mismo saaking dalawang mata si Ate. N-nakabitay gamit ang malaking pising ginapos sa kanyang leeg. Sinubukan kong iligtas siya pero huli na dahil nangingitim na ang kanyang mukha bunga ng pagpigil niya sa kanyang hininga habang nakalabas ang kanyang dila. Wala akong nagawa ate, hindi ko man lang siya napigilan at naprotektahan. Nagbigti siya at hindi man lang sinabi sa amin ang kanyang problema."
Nagulat ako sa mga nalaman ko sa kanya. Hindi mo talaga mahuhusgahan ang isang tao sa pamamagitan lamang ng panlabas niyang anyo dahil karamihan sa kanila ay marami pala itong sekretong nakatago.
"Hindi ko alam na sa bawat ngiti niya may kalungkutan pala sa kanyang mga mata, sa bawat halakhak niya may mabigat pala siyang dinadala. Maraming taong gustong maging siya pero, ang di nila alam...ang hindi ko alam. Mahina siya at sinusubukan niya lang maging malakas sa harap naming lahat. May sulat siyang iniwan at ang sabi niya buntis siya at ayaw niyang dumagdag pa sa problema kaya kinitil niya na ang sarili niyang buhay."
"A-ate, minsan kung sino pa yung laging nakangiti sila pa yung mas may malaking problemang dinadala at bilib na bilib ako sa kanila dahil nakaya nilang magsinungaling pero kung kaya nilang ngumiti ng peke, eh sana kaya rin nilang lumaban kahit mahirap. Lahat ng problema may solusyon pero bakit mas pinili parin nating sukuan ito imbis na labanan."
Tama siya. Bakit nga ba?
"A-ate kung ano man yung bumabagabag sa loob mo ngayon ay sana ilabas mo lahat hanggang sa maubos ito. Wag mong hayaang sumabog at magdesisyong putulin nalang ang iyong buhay dahil sa tingin mo iyon na lamang ang tanging paraan. Ang liit lang daw ng rason ni Ate para magpakamatay pero lahat sila ay walang kaalam-alam sa nangyari sa aming buhay, sa lahat ng pinagdaan niya. Inipon lang ni Ate lahat ng problema niya hanggang sa di niya na kinaya pa...Kaya ngayon, pinipilit kong basahin lahat ng tao sa pamamagitan ng mata at hindi sa mismong bibig dahil hindi lahat ng lumalabas sa bibig, totoo. Karamihan ay puro kasinungalingan lamang."
Pinaharap ko siya upang makita ang mukha niya pero para na siyang may amats sa sobrang pula ng mga mata niya pati narin ang ilong niya, hindi lamang ako nag-iisa.
"Thank you, thank you for sharing your story with me, and thank you for motivating me to keep going. I love you Aleya and I'm so happy that God gave me you." I smiled wholeheartedly.
"Did you know that I don't know how many times I want to end up my life as well? When I knew that I was raised without parents on my side? I have my Aunt but when I turned sixteen she died. I met Dame but now I'm no longer the girl he loved. Funny how my life evolves that way and still exists today. "
I paused for a moment. Sometimes, we keep on enduring the pain and let them hurt us without thinking that instead of carrying all those burdens why don't we find a way to avoid it and let's live life to the fullest.
BINABASA MO ANG
PERENNIAL STORM
RomanceR-18 Avora Ashiel Finley is a 25-year-old woman who is happily engaged to her long-time boyfriend Dametrius Crimson. But everything changed like a whirlwind after the night of their engagement party. Was the tragedy that happen before makes them mo...