CHAPTER SIXTEEN

81 6 3
                                    

Para akong natameme sa kanyang sinabi at kahit isang letra ay walang lumabas saaking bibig. Nakatingin lamang ako sa kanyang mga matang napapalibutan ng tubig, ang iba pa nga ay nagsimula ng dumaloy sa kanyang mga pisngi.

"Noong umalis ka bigla at iniwan akong walang kaalam-alam para lamang sa lintik na business trip na yon sa America, galit na galit ako sayo Avora. Hindi ka man lang nagpaalam saakin ng harapan at nalaman ko nalang nung nandon kana. I tried to understand you because I'm a businessman as well, pero putangina  Avora mahigit isang taon kang nawala. Ni hindi na nga kita macontact pa." yumuko siya sa harapan ko para pahiran ang mga luha niya.

"Pumunta ako sa kompanyang tinatrabahuan mo na sana'y hindi ko nalang ginawa at naniwala nalang sa mga kasinungalingan mo. Nag resign kana pala ng hindi ko man lang alam habang ako tiwalang-tiwala sa tangina business trip na yun. Ginawa mo lang akong gago kakapaniwala sayo. I should hate you for what you did to me, for how you made me feel but the truth is I just can't. And I hate myself because of that. I'm your boyfriend but you didn't even tell anything."

"I went there but I don't have any single details where to find you, sinabayan pa ng sari't-saring problema sa kompanya kaya kinailangan kong bumalik. Sobrang gulo ng isip ko kung ano ang uunahin ko... A-ang girlfriend ko bang umalis bigla o ang kompanyang pinaghirapan ng aking pamilya. Sa isang taon, ang tanging pinanghahawakan ko na lamang ay ang salitang 'Mahal mo ako'. I waited  'til you came back because I know that my love was stronger than my theories in mind. Nung nalaman kong bumalik kana, wala na akong pakialam sa rason mo ang importante ay binalikan mo'ko. Hiningi ko agad ang kamay mo dahil sa isang taon mong pagkawala, parang nawala rin ang kalahati kong kaluluwa." Ang sakit sa dibdib marinig lahat ng mga yun galing sa kanya.

"D-dame." iyak kong sabi sakanya.

"After our engagement party I received a message about you kaya pinuntahan ko agad ang taong nagpadala nun. Umalis ako pero pagbalik ko nakaratay na sa sahig ang mga magulang ko. Ang mga dugo ay nagkalat na sa sahig. Kahit na mabigat sa pakiramdam hinanap parin kita dahil alam kong hindi mo magagawa yon. Sinungaling kalang pero hindi ka kriminal. Hanggang sa nalaman kong tumakas kana pinatunayan mong nagkasala ka talaga. A-avora kung nabuhay kang walang magulang, pwes ako hindi. Hindi ko kaya at mas lalong hindi ko matanggap na ikaw ang pumatay sa kanila at sa mismong loob pa ng pamamahay namin."

"Nung kinulong kita gusto kong makinig sa paliwanag mo pero tangina naririndi na ako sa mga kasinungalingan mo. Galit ako sayo, sa sarili ko at sa mundo. Bakit niya hinayaang magkita tayo. Bakit ko hinayang mahulog sayo at bakit ginawa mo saakin lahat ng yon. Yung pakiramdam na nasa harapan muna  mismo ang taong pumatay sa kanila pero wala ka man lang ginawa. Hindi mo sila kayang bigyan ng hustisya dahil duwag ka." Lumapit siya saakin at at napalitan ng galit ang kanyang malungkot na mukha. "Nung unang gabing ginalaw kita tangina mas lalo kitang gustong patayin. Akala ko ako lang ang lalaki sa buhay mo. Ang linis-linis mo sa mga mata ko pero putangina hindi ako ang nakauna sayo at lahat ng nasa litratong binigay saakin sa mismong gabi na yon ay totoo." ang bigat na ng dibdib ko at parang sasabok na ito. "Na ikaw hubad habang nakapikit at nakaupo sa harapan ng lalaki, nasarapan kaba sa paghalik niya sa dibdib mo Avora?" ang sakit. Sobrang sakit. "Hindi lang isa Avora kundi tatlo, tatlong larawan pero ibat-ibang lalaki. Lahat puro hubad pero ibat-ibang posisyon."

Tanda ko. Tanda ko pa lahat at klarong-klarong pa sa memorya ko ang bawat detalye.

"I was being fooled and betrayed by the person I almost gave my whole life with. Ngayon mo sabihin Avora, karapat dapat kaba talagang mahalin?"

"D-dame, it's  not working anymore. I think it's better to end up everything between us than to hurt each other over and over again and will make things worse. Kung ikukulong mo'ko handa ako. Hindi ko na ulit tatakasan ang ginawa ko. Gusto kong humingi ng tawad sayo pero h-hindi sa magulang m-" bigla niya akong sinakal dahilan para mapaatras ako at tumama  sa pader ang likuran ko. "Sa tingin mo ganon lang kadali ang lahat? Kulungan? Hindi Avora. Ako ang biktima at ako ang mag de-desisyon kong ano ang gagawin  ko sayo." mas lalo niya pang hinigpitan kaya mas lalong hindi ako nakahinga.

"D-dame b-buntis a-ako m-maawa k-ka s-sa... b-bata." pagmamakaawa ko. 

Hinabol ko agad ang mga hangin ng niluwagan niya ng bahagya pero nanatili paring nasa leeg ko ang kamay niya.

"I can't believe how someone like you hurt me this much. You broke my heart with your unending promises. You're a whore. A hussy woman that should belong to hell, burning and crashing your soul 'til you beg for a chance and forgiveness.

"Kung ganon patayin mo na ko at ng mapuntahan ko na yang impyernong sinasabi mo, kasi Dame ayaw ko na dito sa mundong to. Nakakasawa ng umiyak, nakakasawa ng masaktan, nakakasawa ng umaasa. Wala ng natira saakin kaya ano pa ang silbi ko dito? Mamamatay tao at manloloko ako diba? Hihintayin mo pa bang lumabas ang bata at masaktan dahil ang ina niya ay isang kriminal? Hindi pa naman siya buo kaya pwede pang p-patayin." ang sakit na ng mga mata ko sa luha at gusto ko nalang ipikit ito habang-buhay.

"S-sir Dametrius." Aleya.

Binitawan niya lahat ng mga bitbit niya at mabilis na kinuha ang kamay ni Dame sa leeg ko. "J-jusko ko sir tigilan niyo na po siya. M-maawa naman kayo, karga niya ang anak niyo." napa atras si Dame ng bahagya dahil sa malakas na tulak ni Aleya sa kanya, alam ko namang nagpadala lamang si Dame dahil hindi naman malakas itong si Aleya. Malaya siyang nakalapit saakin at niyakap ako galing sa gilid. "Kung hindi niyo na po siya mahal, palayain n'yo nalang po siya. Dahil kahit anong kasalan niya babae parin siya, mahina at walang laban." hindi na siya naghintay pang magsalita si Dame dahil hinila niya na ako at inalalayan papunta sa aking kwarto.

You loathed that much and I hate to think that after all I still love you.

PERENNIAL STORMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon