I asked myself not once, but billions of times, para saan ang marangyang buhay na tinatamasa ko kung simula no'ng panahon na namulat ako, daig ko pa ang nakakulong sa impyerno?
Para akong nakagapos. Hindi ako makahinga. Hindi ako makagalaw.
Wala akong kalayaan.
Nakakatangang isipin na sa loob ng maganda at maaliwas kong bahay, salungat ang nararamdaman ko.
Parang ang sikip. Parang ang liit lang ng espasyo. Parang nasa loob ng selda.
Iyon ang araw-araw na nararamdaman ko sa loob ng ilang taon.
Hindi man araw-araw, pero hindi rin pwedeng hindi ako makakaranas ng kung anong nakakapandiri sa loob ng isang linggo.
Kahit isang beses sa isang linggo... dapat may mangyayari.
Unnecessary hugs, kisses, touches, compliments. Nakakapanrindi ng utak. Nakakapandiri.
Wala akong masabihan ng nararamdaman ko. Wala akong mapagbuhusan ng takot at sama ng loob ko.
Hindi pwedeng kay Mommy. Alam kong masasaktan siya. And that's the least thing I want her to feel.
I can't hurt my mother like that.
So instead of telling her all the abnormal things that my father does to me, I just kept them all inside me. Inside my thoughts, where they are safe.
But not me.
Minsan ko nang hiniling na sana... pagkagising ko, kahit maging marungis at pulubi na lang ako. At least doon, malaya ako. Hindi katulad dito, nakagapos ako.
I heard a knock on my door. Usually, if it's mom who's knocking, she would call my name. But since it's just a simple knock... it's probably my dad.
Mabilis kong isinuot ang makapal na jacket na lagi kong itinatabi sa kama ko. I am wearing a plain white-tshirt and blue pajamas. Pakiramdam ko, hindi pa rin sapat na naka t-shirt ako.
Kailangan ko pang mas ibalot pa ang sarili ko.
This is my everyday lounge wear. If I'm not in school, I would always make sure to wear pajamas and shirts, and if I needed to interact with my father, I would also wear a jacket.
I can't remember the last time that I wore a dress, a skirt, or a pair of shorts. As much as possible, I try to wear pieces of clothes that won't show my skin too much.
Sinusuot ko pa lang ang jacket ko nang makapasok si Daddy sa loob ng kwarto ko.
Hindi manlang hinintay ang approval ko. Siguro, akala niya ay masasaktuhan niya ulit akong nagbibihis katulad ng nangyari no'ng nakaraan.
Nabasa ako ng tubig nang uminom ako sa malaki kong tumbler. Dahil nabasa, nagpalit ako ng damit. Ang kamalian ko ay hindi ko pala na-i-lock ang pintuan ko.
While I was about to wear my shirt, my father went inside my room without knocking.
Sa sobrang gulat ay halos maibato ko sa kaniya ang vase na nasa bed side table ko.
Mabilis kong iniharang ang damit na isusuot ko pa lang sa dibdib ko. Nang tiningnan ko siya ay nakita kong nakatulala siya sa katawan ko.
Naalis lang ang paningin niya roon no'ng sumigaw ako. Tinanong ko kung ano ang ginagawa niya sa kwarto ko at bakit hindi siya marunong kumatok.
Aniya'y tinatawag na raw ako ni Mommy para sa dinner. No'ng sinabi ko na susunod ako ay pinasadahan niya pang muli ng tingin ang buong katawan ko bago tuluyang lumabas ng kwarto.
That moment was so awkward, embarrassing, and gruesome for me.
Simula noon, hindi na ako nagbihis sa kwarto ko. Lagi ay sa loob na ng banyo.
BINABASA MO ANG
Untying the Rope (Mujer Fuerte Series #1)
Ficción GeneralCOMPLETED CONTENT WARNING : This story may contain explicit language, violence, self-harm, murder, and themes that can be harmful, traumatizing, and triggering to some readers. READ AT YOUR OWN RISK. Sabi nila, kapag ipinanganak kang mayaman, lahat...