Inubos ko ang lahat ng libreng oras ko sa pag-rereview para sa PhiLSAT. Dapat ay ma-ipasa ko iyon para maging qualified ako sa pag-eenroll sa law school.
I talked to Him and asked Him to give this opportunity to me. To grant me this wish so that I could get closer to my dreams, and to the justice I will seek.
So the day that I took PhiLSAT, I really focused on the test. I am really eager to pass it.
And that's what happened.
With a score of 91%, I passed the PhiLSAT.
I really thought that I would get between 60-70% but He really has His ways. He wanted me to achieve my dreams. He wanted me to fulfill my promise.
Gaya ng nakasanayan ko sa bawat achievement na naaabot ko, nag-celebrate muli akong mag-isa.
I bought a chocolate cake in a local bakeshop within our small town.
Bihira na lang ako makakain ng cake, tuwing birthday ko lang kasi ako bumibili nito.
I then realized how much my life changed.
Noon, halos masira lang ang lahat ng iba't ibang flavor ng cake sa ref dahil hindi namin maubos. Ngayon, isang beses sa isang taon na lang kung makakain ako ng cake.
I smiled bitterly.
I am now used of being alone. But I know that in my heart, and in my mind, I am not.
I know that my mother is watching over me. I know she's happy for what I have become and what I have achieved.
Hindi muna ako pumasok sa trabaho noong araw na 'yon dahil masyadong napagod ang utak ko dahil sa exam.
Matapos kong mag-celebrate at kumain ng cake mag-isa ay itinulog ko na lang ang natitirang oras ko.
Bukod sa pamilya at kaibigan, tulog talaga ang kulang din sa akin, e. Masyado akong abala sa pag-aaral at pagtatrabaho. Hindi na ako halos nakakapagpahinga. Mabuti na lang talaga at hindi ako gaano nagkakasakit. Kung magkakasakit pa ako, dagdag gastos pa ang gamot.
I suddenly thought about my physical health.
Hindi ako nakapagpa check up manlang kahit isang beses mag mula noong nakatakas ako sa mansyon namin.
Ilang beses kong ipinagpasalamat sa Diyos na mabuti at hindi ako nabuntis ng demonyo kong ama. Mabuti at walang nabuo sa loob ko. I don't think I can bear the child if ever I have one.
Kung may na-buo noong mga panahon na iyon, I would abort it for sure.
I know, I am a bad person for doing that to an innocent soul. Pero sa tingin ko kasi... hindi ko maaalagaan nang maayos ang bata dahil siya ang magiging pinaka malaking trauma ko sa buhay ko kung nagkataon.
Ni hindi naging madali sa akin bago nakabangon ulit... Bago ko mahanap ulit ang sarili ko. Paano pa kaya kung may anak ako? At naging bunga pa ng kademonyohan ng ama ko? I would probably go crazy.
Para kasi sa akin, ang mga tao ngayon ay nabubulag sa pagiging pro-life.
Lagi nilang kinakatwiran na buhay iyon ng batang inosente at walang kasalanan, bakit kukunin?
Lagi nilang sinisilip ang mga batang namatay sa sinapupunan at hindi nabuhay sa mundo.
Pero kahit minsan, kahit isang beses, hindi nila naisip ang mga sanggol na itinapon ng mga magulang sa basurahan. Hindi nila naisip ang mga batang walang tirahan at maayos na bahay. Hindi nila naisip ang mga batang nasa kalsada at hindi maayos ang pamumuhay. Hindi nila naisip ang mga batang binubugbog at ginugutom ng mga sarili nilang magulang.
Hindi nila naisip ang mga batang binuhay nga, pero sa lupit ng agos ng hirap ng buhay ay mas gusto na lang malunod sa kamatayan.
Dapat kung magiging magulang ka ay bukal sa puso mo at sa loob mo. Dapat ay alam mong mamahalin at aalagaan mo nang maayos ang magiging anak mo. Hindi 'yung masabi na lang na nanay ka o tatay ka.
Being a parent is pro choice for me. Marami ang nabuntis lang dahil sa kaso ng rape. Just imagine the trauma it would cause the woman? Apektado ang nanay, at mas maaapektuhan ang bata.
Ang pagiging magulang ay hindi lang basta isang responsibilidad. Buhay ang pinag-uusapan. Dapat alam mo sa sarili mo na handa ka. Dapat alam mo sa sarili mo na kaya mo. Dapat alam mo sa sarili mo na magiging blessing ka ng magiging anak mo at hindi isang bangungot.
Kagaya na lang ng nangyari sa akin.
My mother is my ultimate blessing but my father is my worst nightmare.
Hindi lang isang beses kong hiniling na sana ay hindi na lang ako ipinanganak sa mundo ni Mommy, kung bababuyin lang din naman pala ko ni Daddy. They should just aborted me.
Pero dahil pinili nilang buhayin ako, wala na akong magagawa. Kinailangan kong pagdaanan ang lahat ng sinapit ko. Ang kailangan ko na lang gawin ay bumangon muli mula sa pagkakadapa sa nakaraan.
Mabilis na lumipas ang mga araw hanggang sa dumating na ang enrollment ko sa law school.
Minsan ay naiisip ko ang pagod. Apat na taon na naman akong mag-aaral. Nakakapagod isipin pero alam ko sa sarili kong kakayanin ko. Malapit na ako sa pangarap ko, hihinto pa ba ako?
Apat na taon na lang tapos graduation na. Tapos take na ng BAR exam at kapag nakapasa ako, magiging abogado na ako.
Maipaglalaban ko na ang sarili ko.
I took an entrance exam in our university's college of law. And of course, in His great will and faith in me, I passed.
I did rigorous interviews with the Dean and other profs. After that, I patiently waited for the result.
"Ms. Arce," tawag sa akin ng isang prof.
Tumindig ako mula sa pagkaka-upo. Halos makatulog na ako dahil sa paghihintay, buti na lang at hindi natuloy. Nakakahiya.
Nakasandal kasi ang ulo ko sa pader habang naka-upo sa mahabang upuan. Tahimik ang hallway at ako lang ang tao sa hallway na iyon kaya naman talagang dinalaw ako ng antok.
Ngumiti sa akin ang prof at kahit kabadong kabado ako ay ngumiti ako pabalik bilang tanda pag-galang.
The professor held out her hand so I took it.
"Congratulations. You passed. Welcome to law school." The professor smiled.
Napatutop ako sa bibig ko at isang beses tumili dahil sa sobrang saya.
"Maraming salamat po!" Tuwang tuwang sambit ko at niyakap ko ang prof.
She chuckled awkwardly but she caressed my back. Napahiya naman ako kaya bumitiw na ako sa yakap.
"Pasensya na po. Sobrang saya ko lang po talaga. Thank you po ulit." Pagkasabi ko noon ay tinanguan niya at nginitian.
Nagtatakbo ako palabas ng university at tumigil lang nang nasa gitna na ng soccer field.
Tirik na tirik ang araw at kulay bughaw ang kalangitan. Ang mga ulap ay may magagandang hugis at ang mga huni ng ibon na nagsisiliparan ay siyang naging musika sa aking tenga.
At gaya na lang sa tuwing may nakakamit akong tagumpay, ang hangin ay humaplos na naman sa aking balat, tanda ng haplos ng aking ina.
Pumikit ako at suminghap. Dinama ko nang maayos ang paghaplos ng hangin bago bumulong dito.
"Another achievement for us, Mommy. I promise to you and to myself, that I will put Daddy in jail, where he belongs."
I will make you rot in jail, Mateo Arce. I will make sure of that.
BINABASA MO ANG
Untying the Rope (Mujer Fuerte Series #1)
Aktuelle LiteraturCOMPLETED CONTENT WARNING : This story may contain explicit language, violence, self-harm, murder, and themes that can be harmful, traumatizing, and triggering to some readers. READ AT YOUR OWN RISK. Sabi nila, kapag ipinanganak kang mayaman, lahat...