Chapter 8 : SECOND

5.5K 170 146
                                    

Nagising ako dahil sa naramdaman kong pagkabasa ng balat ko.

Mabilis kong iminulat ang mga mata ko para makita kung sino ang humahawak sa akin.

Nakahinga ako nang maluwag nang makitang ang dalawang kasambahay ang naroon.

Pareho silang pinupunasan ako ng malamig na tubig. Nang hawakan no'ng isa ang aking kamay, sa bandang palapulsuhan, ay tsaka lang pumasok sa isip ko na pinagtangkaan ko nga palang... tapusin ang buhay ko.

Bakit... bakit hindi pa natuloy?

Hindi pa ba tapos ang paghihirap ko? Mayroon pa ba? Kasi, tangina, hindi ko na kaya.

Pagod na pagod na ako.

"A-Ano... Ano'ng n-nangyari?" tanong ko sa mga kasambahay.

Iyong babaeng nagpupunas ng malalim kong sugat ang sumagot sa akin.

"Naabutan ho kayo ng daddy niyo na naglalaslas. Mabuti ho at nakita niya kayo dahil sabi ng doktor na tumingin at nag check sa inyo, kung hindi raw kayo naagapan, ay baka mas lalong ikinapahamak niyo po."

Mas gusto ko pa 'yon. Mas gugustuhin kong mamatay kasya mabuhay kasama ang demonyo kong ama.

Pina-inom nila ako ng tubig matapos akong subuan ng arroz caldo. Kahit pa sobra akong nagutom, dahil sa lahat ng mga nangyari sa akin, nawalan na ako ng gana.

Wala na akong gana sa lahat. Lalo na sa buhay ko.

Daig ko pa ang lobo na lumilipad na puro hangin ang laman.

Ako, eto, makakapaglakad... pero miski ano, miski hangin... wala nang laman.

"Si M-Mommy... Nariyan po ba siya? Alam niya po ba a-ang... n-nangyari sa akin?" nagbabakasakali kong tanong.

Dahil sa nangyari, medyo nagkaro'n ako ng lakas ng loob.

Sana nariyan si mommy. Gusto ko nang... humingi ng tulong.

Pero kahit nagkaron ako ng lakas ng loob na humingi ng tulong sa aking ina, hindi pa rin nawawala sa isip ko ang takot at pangamba.

Baka hindi niya ako paniwalaan. Baka walang maniwala sa akin.

Mas madali sa mga taong paniwalaan na kasalanan ko dahil hindi naman nila kilala nang husto ang tatay ko.

Kilala siya bilang mabuting tao, matulungin sa kapwa, mapagmahal na asawa at ama. Iyon ang tingin sa kaniya ng mga nakakakilala sa amin.

Kaya nga ni minsan... kahit isang beses manlang... walang nakapansin sa pambabastos niya sa akin.

Mali ako no'ng inisip ko na magiging ligtas ako kapag nasa harap ako ng maraming tao. Kasi wala rin mangyayari. Mababastos at mababastos pa rin ako dahil may bastos. At nanatiling bulag ang mga tao.

Wala iyan sa lugar kung nasaan ka, wala iyan sa damit na suot mo, wala iyan sa dami ng taong kasama mo. Dahil hanggat may baboy na pilit kang bababuyin, mabababoy at mabababoy ka. Sa kural man o sa kama.

"Mahigit isang linggo na ho nung umalis si Ma'am papuntang Europa. Hindi niyo ho ba alam? May inaasikaso po sa Madrid," sagot ng kasambahay sa tanong ko.

Kumunot agad ang noo ko. Bakit hindi ko 'to alam? Bakit hindi siya nagpaalam sa akin?

Mukhang nabasa ng kasambahay ang mga katanungan ko dahil sa ekspresyon ng mukha ko.

"Sabi ho ni Sir Mateo, emergency raw ho sa negosyo ang pag-alis ni Ma'am. Umalis ho siya no'ng huling gabi na nagsama-sama kayo sa hapunan..." bahagyang kumunot ang noo ng kasambahay na tila may iniisip. "Bakit ho ang tagal niyong hindi lumabas ng silid niyo, Ma'am Nina?" nagtatakang tanong niya.

Ginahasa ako ng amo, mo.

Hindi ko siya sinagot at ibinalik ko ang pokus ko sa pag-iisip.

Wala si Mommy no'ng gabi na 'yon. Mukhang alam na alam niyang aalis ang nanay ko kaya sinamantala niya ang panahon na 'yon para gahasain ako.

Nakahiga ako sa kama ko habang sila naman ay naka-upo lang sa tabi ko.

"Kailan daw po ang balik ni Mommy?" tanong ko sa kasambahay.

"Hindi ho nabang—"

Naputol ang sasabihin niya nang may magbukas ng pintuan.

The devil entered my room confidently.

Nanlamig agad ang buong katawan ko. Hindi na naman ako makagalaw.

"Hindi nabanggit ng Mommy mo kung kailan ang uwi niya dahil marami siyang inaasikaso roon," kaswal na sabi ni Daddy.

Nakatulala lang ako at hindi na naman makagalaw. Hindi na rin ako makapagsalita.

Posible ba 'yon?

"Iwan niyo muna kami ng anak ko." Nakangising sambit ni Daddy kaya naman nagsitayuan agad ang dalawang kasambahay.

"A-Ate... s-sandali po..." kahit nanghihina ay mabilis kong kinapitan ang kamay ng isang kasambahay.

Parang awa niyo na... huwag niyo akong iwan dito.

"Iwan niyo na kami. Bilisan niyo!" bulyaw ni Daddy sa dalawa kaya naman dali-dali silang naglabasan.

Hindi na ako pinakinggan.

Mabilis na lumapit sa akin si Daddy at pinisil ang mukha ko. Nanggigigil niyang inipit iyon gamit ang isang kamay.

"Lintik na puta ka," mariing bulong niya habang buong pwersang pinipisil ang mukha ko.

"At binalak mo pa talagang magpakamatay?! Puta ka!" aniya at ginawaran ako ng napakalakas na sampal.

Masakit iyon pero hindi ko na ininda. Wala nang mas sasakit pa sa naramdaman at sinapit ko no'ng gabing 'yon.

"Hindi pa ako tapos gamitin ka... tapos magpapakamatay ka?! Binitin mo ako no'ng unang beses dahil nakakawalang gana ang pag-iyak mo, e, puta ka naman!"

Posible bang walang maramdaman kahit buhay ka naman?

Gano'n kasi ang nararamdaman ko ngayon.

Naririnig ko lahat ng masasakit na salita niya, nararamdaman ko lahat ng pananakit niya, pero masyado na yata akong namanhid.

Lumapit pa ang demonyo sa akin at hinila ang buhok ko. Tapos ay muli akong sinampal sa mukha.

"Makinig ka sa akin, Nina. Walang pwedeng gumalaw sa'yo... maliban sa akin. Tangina, alam mo ba kung gaano ka kasarap? Mas masarap ka pa sa ina mo! Kaya naman bitin na bitin ako," aniya at ngumisi na pangdemonyo.

"Sa susunod na ulitin mo 'to, ang nanay mo ang pagbabayarin ko. Naiintindihan mo?"

Hindi ako agad nakasagot. Bagkus ay dinuraan ko siya.

"Demonyo ka! Bakit mo idadamay si Mommy!"

Ngumisi siya.

"Do this again or I'll kill your mother, Nina. Mamili ka. Siya... o ikaw?"

TRIGGER WARNING : RAPE

Bakit... bakit pa ako nabuhay?

Bakit sa lahat ng pwede kong maging tatay... bakit ang demonyong ito pa?

"Huwag kang umarte sa akin. Huwag kang umarteng birhen... Marumi ka na. Narumihan na kita," aniya at mabilis na lumapit sa akin at hinatak ang damit ko.

"D-Daddy... please... tama na..." pagmamakaaawa ko habang nagpupumiglas.

Inaabot niya na ang garter ng pajama ko para mahubuan ako.

"Tumahimik ka. Kapag may nakarinig sa atin, hindi na makaka-uwi nang buhay ang nanay mong puta ka."

Ang bilis ng pangyayari.

Basta't ang alam ko na lang... wala na naman akong nagawa para ma-iligtas ang sarili ko.

Dahil nararamdaman ko siya ngayon na naglalabas-masok sa loob ko.

Untying the Rope (Mujer Fuerte Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon