I spent ten days straight inside my room doing the usual routine I got used to doing since my soul was taken away from me.
I don't sleep. Just thinking about my bed... and what happened to me there causes me to rush in the toilet and puke.
Ang hirap pa mag suka, dahil wala na akong halos kinakain. Tinitipid ko ang natitirang chips sa cabinet ko. Takot akong kumain nang hindi ko alam kung saan nang galing ang pagkain.
I would rather die out of hunger than go outside my room.
I could't even bear just the mere thought of bumping into him... if ever we'll cross our paths in this house.
Sa totoo lang... hindi ko alam ang gagawin ko. I feel so lost.
Hindi ko alam kung hahakbang ba ako o uurong. Kung saang daan ba dapat ang tahakin ko. O kung ipagpapatuloy ko pa ba ang paglalakbay ko.
I feel lost in my own house. I feel lost in a place where I knew almost every corner of it. It feels like I'm not used to living here anymore.
Hindi ko alam kung dapat bang ipagpasalamat kong hindi ako hinahanap ng mommy ko o mas ikatakot ko 'yon dahil... bakit?
Bakit hindi niya ako hinahanap?
I never really hoped that she'll help me get through this hell, but I am slightly hoping that she will somehow look for me. She'll somehow look for me and ask me how I've been.
I can't imagine what would our conversation will be.
Mom : How are you, Nina?
Me : Eto, Mommy. Halos mabaliw na. Hindi na lumabas pa ng kwarto simula no'ng gabing binaboy ako ng asawa mo. Hindi na ako nakatulog nang maayos simula no'ng ginapang niya ako. Hindi na ako nakapag isip nang maayos simula no'ng sinira ng asawa mo, ng sarili kong tatay... ang buong buhay ko.
I've been through hell and no one was there for me. Even the only person who I love, and will fight for.
My mother...
I smiled but I couldn't help my tears. They keep on falling non-stop.
It's exhausting.
"Where were you, Mommy?" bulong ko sa sarili ko.
I smiled bitterly just by thinking about my mother.
Ano kaya ang ginagawa niya?
She's fond of celebration, parties, social gatherings. Maybe... she kept herself busy by attending those.
"Ten days... It's been ten days since I last had my innocence and purity with me. It's been ten days since I was still whole. It's been ten days since I was complete."
Hindi ko hinihiling na porket miserable ang buhay ko... ay dapat gano'n din sa iba. Pero ang hiling ko lang... kahit isa manlang... may maging kakampi ako.
Ang hirap kasing lumaban mag-isa. Ang hirap lumaban kung wala kang kakapitang iba.
I probably look stupid talking to myself while crying my heart out, but I don't care anymore.
Wala na akong pakielam. Ubos na ubos na ako.
Sampung araw na akong umiiyak, walang tulog, tulala, nag-iisip kung bakit kailangan kong maranasan ang gano'ng klaseng pambababoy sa akin.
Dumating pa sa punto na... kinwestyon ko na Siya.
Bakit Niya ako kailangang pahirapan nang ganito?
Buong buhay ko... naging mabait akong anak. Mabuti akong tao. Wala akong tinatapakang iba. Kahit pa sobra akong nahirapan habang lumalaki ako, dahil simula bata pa lang ako ay hindi na ako kumportable sa ama ko. Hindi ako kumportable sa sarili kong tahanan. Pero pinili kong pagkatiwalaan Siya. Dahil akala ko, pagdating ng panahon, may maganda Siyang buhay na nakalaan para sa akin.
Akala ko... papalayain Niya pa ako mula sa pagkakagapos ko sa impyernong ito.
Pero heto pa rin ako... mas lalo lang nalugmok. Halos hindi na makahinga dahil sa tali na mas hinigpitan pa.
Halos matuyo na ang mga mata ko dahil sa walang tigil na pag-iyak.
Lahat ng iniisip ko ay mas nakakapagpahabag sa aking nararamdaman. Mas lalo akong nahahabag sa sarili ko.
Bakit wala akong kakampi? Bakit wala akong kaibigan? Bakit kailangan kong mabuhay sa ganito?
Aanuhin ko ang lahat ng kayaman na mayroon kami, kung ganito naman ang naging kapalit?
Hindi lang basta puri ang kinuha at ninakaw mula sa akin.
Buong pagkatao ko ang nawala.
Kinukwestyon ko ang sarili ko, kung kasalanan ko ba. Kung may nagawa ba ako para gawin niya iyon sa akin
Nakakalungkot lalong isipin na wala na nga akong kakampi... pati sarili ko, naging kalaban ko rin.
Mababaliw na ako.
Gulo-gulo na ang buong kwarto ko. Maputlang maputla na ako. Hindi na ako nag-aayos ng sarili ko dahil para saan pa? Wala nang i-aayos 'to.
Habang buhay na akong miserable.
Masyado akong winasak ng pangyayaring 'yon... at hindi ko alam kung posible pa bang mabuo akong muli.
Isa lang ang nasa isip ko ngayon... ang mamatay.
Dahil habang ginagawa niya ang pambababoy niya sa akin no'ng gabing 'yon, ilang beses kong hiniling na sana... sana pinatay niya na lang ako pagkatapos niyang makuha ang buong pagkatao ko.
Sana namatay na lang ako.
TRIGGER WARNING : SUICIDE
I glanced at my messy study table and found my cutter lying on the table.
I slowly grabbed it and pull up my long sleeve. I took a deep breath before slitting my wrist.
Crimson blood immediately flooded around my arm.
I cut my wrist deeper... and deeper... and deeper.
Nanlalabo na ang paningin ko pero napukol ang atensyon ko sa biglang pagbukas ng pintuan ng kwarto ko.
"Nina!" the devil called.
And I thought that at that time... I was already in hell.
But I was wrong...
Because He gave me another chance.
BINABASA MO ANG
Untying the Rope (Mujer Fuerte Series #1)
General FictionCOMPLETED CONTENT WARNING : This story may contain explicit language, violence, self-harm, murder, and themes that can be harmful, traumatizing, and triggering to some readers. READ AT YOUR OWN RISK. Sabi nila, kapag ipinanganak kang mayaman, lahat...