Chapter 6 : DEMONS

5.9K 184 93
                                    

I was numb.

He left me on my bed, fully naked.

I can't feel anything, even pain. I guess, that's how much he broke me. That even the negative feelings, I can't grasp them anymore.

I feel nothing. Even my own heartbeat, I thought it was gone missing.

I feel hollow. I feel numb. I feel nothing.

I feel like dying.

It took me hours to had my will to stand up to go to the bathroom since he left me.

I go to the bathroom and tried to wash myself, hoping that the waters can wash away all the dirt my father inflicted me.

I scrubbed my whole body too much that my skin almost gain wounds. I was hoping I can take them off of me.

But who am I kidding?

No matter how hard I try to clean myself up, I am already dirty. Kahit anong pilit kong linisin ang sarili ko, wala akong magagawa.

Ang pinakamasakit pa ro'n, ang mismong tatay ko, ang sarili kong ama, ang sarili kong magulang... ang siyang dumungis sa pagkababae ko.

My purity... was taken away. It was stolen from me... by my own family.

My dignity was crushed and left into dust caused by my own father.

My innocence was now stained by memories that were gruesome, cruel, and too evil.

How am I going to live now?

I kept crying until my own tears stopped falling. It's like my eyes turned dry and it can't produce tears anymore. It ran out.

I locked myself inside my room for three days straight. I threw out the covers and pillow cases that will trigger my memories that night. I threw away the pajamas and every piece of clothing that I wore that unfortunate and cruel night.

Pakiramdam ko, nababaliw na ako.

Kada may kumakatok sa pintuan, pupunta agad ako sa banyo at magkukulong doon habang nakatakip ang magkabilang tenga ko.

Ilang beses akong naliligo sa araw-araw, umaasa na kahit papaano ay malilinis ulit ako.

Kapag naliligo ako ay nakasuot pa rin ang damit na ginagamit ko. Hindi ko na yata kakayanin na nakahubad lang ako. Kapag lang magbibihis na ang isusuot, tsaka lang ako naghuhubad pero sinisiguro kong ilang segundo lang ay balot na ulit ako.

Hindi alam ni Mommy ang nangyari sa akin. Hindi niya alam ang kademonyohan ng asawa niya. Hindi niya alam na binaboy ako mismo sa sarili kong tahanan.

I don't think... I'll have the courage to tell her.

She loves my father so much, I am scared she won't believe me.

Nakaka-iyak isipin na sa pangyayari na 'to... kahit saan ako magtungo... ako ang dehado.

Ako ang talo.

Hindi rin napapansin ni Mommy na hindi ako lumalabas ng kwarto dahil masyado yata siyang busy sa negosyo. Hindi rin ako pinapatawag sa hapag tuwing hapunan. Na siyang ipinagpapasalamat ko.

Dinadlhan ako ng pagkain ng mga kasambahay pero hindi ko ginagalaw ang mga 'yon sa takot na baka may halong pampatulog o kung ano man na inilagay si daddy do'n.

Ilang araw kong pinagtiisan ang pagkain ng mga kutkutin na mayroon ako sa cabinet. Ang problema ko lang, kapag naubos ang mga ito... ano na ang kakainin ko?

Namayat ako nang sobra dahil bukod sa hindi ako nakakakain nang tama... hindi rin ako halos nakakatulog dahil sa trauma na inabot ko.

Maswerte na kung makakatulog ako ng isang oras pero yung hihigit pa ro'n? Malabo.

Hindi ako pumapasok sa eskwelahan. Limang araw na akong nakakulong sa kwarto ko at paulit-ulit ang ginagawa ko sa maghapon sa araw-araw na 'yon.

Iiyak, mag-iisip, iiyak. Paulit-ulit.

Sobrang nakakapagod.

Iniisip ko kung magsusumbong ba ako, o tatakas ako rito, o ano ba? Hindi ko alam ang gagawin ko.

Malaki ang takot ko na baka pag nagsumbong ako sa mga awtoridad ay hindi rin ako paniniwalaan dahil sino ba naman ako?

Si Nina Arce lang ako. Anak lang ako ng isang Mateo Arce. Kahit anong pilit kong paniwalaan ako, baka pagtawanan lang ako ng mga tao.

Masyadong nabulag ang mga tao sa lipunan at lagi'y ginagawa ang victim blaming.

Ikaw na ang ninakawan ng puri, ikaw pa ang malandi. Ikaw na ang ginahasa, ikaw pa ang masama.

Isisisi lang ng mga tao sa akin ang sinapit ko. Iisipin na baka dahil gawa ng suot ko no'ng gabing 'yon. At walang maniniwala na naka pajama ako at t-shirt. Isisisi ang sinapit ko mismo sa akin.

Nakakagalit mabuhay sa lipunan na puno ng bulag na mga mata. Kung sino pa ang biktima, siya pa ang tunay na may sala sa mga mata ng iba.

I doubt that anyone is going to believe me. My father seems like an honorable man. People will easily put the blame on me because that's what's convenient for them to believe.

Mas madaling mag bulag bulagan... kaysa alamin ang katotohanan.

That's the mindset of all the fucking people in the society.

I want to ask Him... if He can just free me from the pain. If He could just take me... in a safe place.

Because even in my own home, there's no comfort.

I won't be safe here.

Untying the Rope (Mujer Fuerte Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon