Gio's POV
"Get off." Ani Yna habang kinakatok ang salamin ng kotse ko. Galit ang mukha at parang may balak pa sirain ang front door glass ng kotse ko! "Open the damn door!"
Wala akong nagawa kundi pagbuksan siya kahit may kung anong kilabot at kaba ang naramdaman ko habang unti-unti kong binubuksan ang bintana ng kotse. Hindi naman sa takot ako sa pinsan ko pero... nakakatakot lang talaga ang mga babae sa pamilya namin! Hindi lang halata!
"Oh bakit? O-okay ka lang ba?" utal kong tanong.
"Just. Get. Off!"
"T-teka nga lang... Pwede huminahon muna tay.." hindi pa man ako tapos sa pagsasalita ay binuksan nya ang pinto at sumakay sa kotse ko. "Heee-"
"Heeeep! Let's go home first! Wag ka munang umangal please nagiinit ang ulo ko." Usal nya habang malakas na isinara ng pinto ng kotse.
"O-okay."
"Go!" bigla akong nangisay sa hindi mapaliwanag na dahilan. Ni hindi pa nga ako tapos magsalita. Pambihira! Hindi ko talaga maintindihan ang mga babae sa pamilya namin pero takot nalang ang nangingibaw sakin ngayon. Kung makikita niyo lang ngayon ang itsura ni Yna na tila mukhang kumukulong takure na may usok na lumalabas sa ilong at mga tainga niya. Imagine niyo? Hindi di ba?! Pero dahil siyempre lalaki yata to. I should stand for myself once in for all di ba?!
Tama. Be brave Gio!
"Teka nga! Huminahon ka muna okay???!" medyo may takot kong isinigaw dahilan para kumalma siyang napatingin rin sakin..
Nice Gio. Be brave, Gio.
Halos kilabutan ako pagkalingon sa kanya at nagkatitigan kami. Pero syrempre tapang tapangan ang peg natin.
"Gio." Malumanay niyang sabi. "Let's just go... ho--"
"Oo nga heto na! Patapusin mo muna kasi ako??? Gusto ko lang naman sabihin naaaaa.... San ba tayo uuwi?". Finally! Huhu, nasabi ko rin! Aba malay ko ba saan kami uuwi. Sa bahay ba nila o sa bahay namin?!
"Ah.. sorry. Sa bahay namin."
"Alright. Take this." Sabay abot sa kanya ng kendi.
Pinaandar ko na ang manubela at binilsan ang tako bo ng kotse ko. Ang totoo ay nagaaalala ako para kay Yna. Ngayon ko lang ulit siya nakitang magalit. The last time I saw her like this, nung nagbreak pa kami ng ex ko.
Pagkarating sa bahay nila ay dali-dali kong pinark ang kotse sa may tapat ng gate. Inaantay ko siya bumaba pero wala siyang imik. Buon byahe ay hindi siya nagsalita.
Bakit ba ang hirap intindihin ng mga babae?
"Hindi ka ba bababa?" pangbabasag ko para naman hindi ganun ka-awkward.
"Gio... I-I saw her..." nilingon niya ako nang may lungkot sa mukha.
Hindi ako sigurado pero alam ko sa sarili ko kung sino ang tinutukoy niya.
"I saw her too." Malamya kong sabi.
"Whaaat?! How? Bakit hindi mo sinabi?"
"I can't think of any reason to tell you about it."
"Ugh. I can't believe you Gio! Don't tell me you still lov.."
"Te-teka! I just saw her okay?"
"Then... ugh.. Hindi ko na alam. I'm sorry.. for being too emotional."
"Yna, I appreciate your concern pero I'm okay. At.. hindi mo na kailangan magalala pa. I assure you I'm okay."
BINABASA MO ANG
Their Chasing Souls
Romance"I love how my life works, that is, until you chased me." Normality is her thing. She's dreaming of a simple life-in short, no complications. She's busy chasing her dreams. Pero paano kung biglang magbago ang lahat nang dahil sa mga bagay na hindi n...