Yna's POV
"Andami namang nangyayari, nagcollege lang ako pero parang andami nang nangyayari sa buhay ko." Bulong ko sa sarili. Nakakapagod na rin mag-isip. Andami kong tanong pero ni isa ron wala akong maisagot. Napabuntong hininga nalang ako at hindi namalayang nakatulog ako sa gitna ng aking pagmuni-muni.
"Akala mo ba talaga eh habang buhay akong bubuntot sayo? I'm sorry to disappoint you, but I've always despise you." aniya.
"A-anong bang sinasabi mo?" tanong ko sa kanya. Hindi ko mawari ang emosyon niya at patuloy pa rin ako sa paghikbi.
"Hindi ko alam kung matalino ka ba o sadyang tanga lang talaga."
"C-can you p-please stop joking? Ano bang n-nangyayari sayo?" I asked.
"Biro? Mukha ba talaga akong nagbibiro? Haah! Look, everything you see isn't real Yna. You're stupid for believing such lies."
"W-what do you mean?." halos hindi ko na napigilan ang sarili kong maiyak.
"I'm sorry." huling sambit niya bago ako talikuran.
"You are my bestfriend, itatapon mo nalang ba pagkakaibigan natin?" sigaw ko pa habong hinahabol siya.
"Bestfriend?" agad siyang humurap muli sa akin. "I never had such. Kahit kailan hindi kita itinuring na kaibigan." Pagdidiin niya."Besides, andyan naman si Viel and your new-found friend, Luna right?"
"Kri-"
"You know what, wag na natin lokohin ang sarili natin, this is not a breakup. I can't handle this cheesy conversation about friendship." Aniya at panandaliang tumigil sa pagsasalita. Unti unti siya muling tumalikod at tila walang bahid ng kung anong emosyon. "Let's go Tammy." Tawag niya sa kasama at umalis na ang mga to papalayo.
Pinilit ko pa ring habulin siya pero-
BLAAAAG!
Hindi ko naman napansing nasa gitna na pala ako ng highway at muntikan na akong mabangga! Pero natulala na lamang ako nang makitang nakabulagta at walang malay si Gio.
"G-Gio?" yun na lamang ang naiusal ko habang nakatingin sa pinsan ko.
Agad akong lumapit sa kanya nang matamaan ang galos sa kanyang balikat at hita.
"Gio, wake-up. Please. Please wake-up Gio." Usal ko habang umiiyak. "Tulungan niyo kami please. Parang awa niyo na."
"Yna!" Nagpasalamat ako nang may narinig pa akong tumawag sa akin pero hindi ko na iyon nalingon sapagkat unti-unti nang nagdilim ang aking paningin.
Masamang panaginip.
"Hi baby, breakfast is ready, what time ang pasok mo?" rinig kong tanong ni mommy. "Are you okay? You seem down."
"Okay lang ako mom. Ah mom. Remember the day na isinugod si Gio sa ospital?"
"Uhmm oo, what about it?"
"Ah... nothing mom, naalala ko lang." nginitian ko na lamang siya. I can't even talk to her about it. It seems na parang kailan lang ang mga nangyari. Of course, it's a past na kahit sino man ay ayaw nang maalala.
Agad akong naghanda papunta sa school. I tried to clear my mind with all the things that's bothering me.
Agad akong pumasok ng school at nang marating ko ang floor namin ay sadyang napahinto ako sa kinatatayuan ko. The person in front of me is the person I don't want to meet the most. I never imagined na makikita ko pa siya pagkatapos ng lahat. Even in my wildest dreams ay hindi ko maisip na may isang taong kamumuhian ko. Sinubukan kong hindi magtanim ng sama ng loob sa kanya but it's just to painful to ignore.
BINABASA MO ANG
Their Chasing Souls
Romance"I love how my life works, that is, until you chased me." Normality is her thing. She's dreaming of a simple life-in short, no complications. She's busy chasing her dreams. Pero paano kung biglang magbago ang lahat nang dahil sa mga bagay na hindi n...