Luna's POV
Kahapon pa ako binabagabag ng mga katanungan sa utak ko.
Yung mga ikinikilos ni Yna,
Yung away ni Zeke at Ely,
Pati yung mga kakaibang ikinikilos ni Zeke,
Hindi ko mapigilang magisip ng kung anu-ano.
May gusto ba siya kay Yna?
Pero may girlfriend na siya hindi ba?
Eh bakit parang ilang siya kapag kasama niya si Yna?
Baka ganun lang talaga kasi nga di ba nag-iiwasan sila? Kaya malamang awkward bigla yung magusap sila.
Eh bakit nga kasi iniwasan ni Zeke si Yna?
Aba eh malay ko? Bakit ko ba kailangang isipin pati yon?
"Lunaaaaaaaa! Aalis na kami ng papa mo! Pakainin mo nalang ang kapatid mo ha? Mauuna na kami." Rinig kong sigaw ni mama
Napabalikwas agad ako sa kama at naupo.
"Eh bakit ba kasi nangingialam ka sa problema nila Luna?" tanong ko sa sarili
"Oo nga, ikaw ba si kupido?" bumulong ako muli sa sarili at tumingin sa aking kanan.
"Hindi! Eh siyempre kaibigan mo pa rin si Yna. Concern ka lang okay?" at lumipat naman ang tingin ko sa kaliwa.
"Tama.. Tama..." sabi ko pa sa sarili habang napapangiti. "Mabait ka lang na kaibigan Luna kaya mo yan ginagawa. I'm so great as a friend. I love myself." at niyakap ko ang aking sarili.
"Sinong kausap mo?" gulat akong napatingin nang may magbukas ng pinto ng kwarto ko.
Oo nga Luna, mabait ka pero mas marami kang problema na dapat mo isipin kaysa a lablayp ng bestfriend mo! Gaya nalang netong kaharap mo.
"Huy!"
"Oh ano bakeeet?" inis kong nilingon ang kapatid kong mukhang mangbi-bwiset na naman sa umaga ko.
"Gutom nako, ihanda mo na yung kakainin natin." Maarteng utos niya sa akin saka ako tinalikuran at isinara ang pinto.
"Kung sinuswerte ka nga naman sa kapatid oh!" gigil kong bulong sa sarili.
"Bilisan mo ate!" rinig kong sigaw niya pa.
"Masusunod po mahal na prinsipe!"
Agad akong bumaba sa kusina para ihanda ang aming almusal.
Tinignan ko ang ref at kinuha ang dalawang itlog at limang tuyo saka iyon niluto.
Ginawa ko namang sinangang ang natirang kanin namin kagabi.
Kumakanta kanta pa ako at sinasabayan ang tugtog ng kapitbahay namin.
Sa sobrang lakas nun eh mapapasabay ka talagang kumanta!
"Mapapansin kaya. Sa dami ng iyong ginagawa. Kung kaagaw ko ang lahat, may pag asa bang makilala ka.. Awit na nananawagan baka sakaling napakikinggan.. Pag-ibig na palaisipan, sa kanta nalang idaraan. Nag-aaabang sa langit! Sa mga ulap sumisilip.. sa likod ng mga tala, kahit sulyap ng Darna!" ang saya lang ng umaga ko, let's all be grateful. Itinaas ko pa ang sandok na kunwari ay microphone.
(Song title: Narda by Kamikazee)
"Thank you, thank you." Kunwaring kumaway pa ako sa kawalan.
Pagkatapos ng ilang minuto ay luto na ang lahat.
Tadaaaaa! At inamoy amoy ang aking mga niluto.
![](https://img.wattpad.com/cover/218552174-288-k831906.jpg)
BINABASA MO ANG
Their Chasing Souls
Romansa"I love how my life works, that is, until you chased me." Normality is her thing. She's dreaming of a simple life-in short, no complications. She's busy chasing her dreams. Pero paano kung biglang magbago ang lahat nang dahil sa mga bagay na hindi n...