Chapter 01

2K 63 40
                                    

Chasing begins


Yna's POV

"Yna! Picture tayo, bilis!" sigaw ni Luna while running towards the stage kung saan nagpapakuha ng pictures ang mga kaklase namin.

Napangiti ako bigla as I rush towards her.

Today is our high school graduation at parang kailan lang rin noong first day namin as high school students. It feels so surreal!

Ito na yata ang isa sa pinakamalungkot man ngunit isa rin sa pinakamasayang araw ng buhay ko. I'm reaping the fruits of my hardwork for the past four years.

I had so many great memories but of course, oras na talaga para tanggapin na everything comes to an end.

"Ang ingay mo, sobra!" asar ko kay Luna pagkarating ko ng stage. Kanina pa kasi siya nakikipagdaldalan at parang bulate na hindi mapakali.

"Ang bagal bagal mo kasi eh no! Mamaya hindi pa ako makasama sa class picture sa kaka-antay sayo." Nakasimangot na sumbat niya.

I chuckled and napailing nalang. She's really hyper! Like literally.

Hindi ko alam kung paano ko siya naging kaibigan sa ingay niyang 'yan. Parang basuka ang bibig.

Luna and I are somehow polar opposites. She's very out going while I'm more lax and calm. Mas chill ako sa kanya. Ayoko ko kasi ng magulo at maingay.

I love peace and serenity. While Luna? She's born to be a chatterbox.

Siguro nga na-aapply rin sa friendship ang opposite attracts.

"Girls!" Isang malakas na hampas sa braso ang natanggap ko kaya napainda ako nang bahagya saka nilingon ang taong gumawa no'n.

I frowned but I wasn't able handle that long. Those sweet flashes of smile are such a traitor.

"Wow! Grabe kayo ha! Hindi niyo man lang ako tinawag." panunumbat ni Viel na agad naman akong niyakap pagkatapos niya akong hampasin.
The hugs are getting tighter at halos mawalan na ako ng hininga.

"Ooops! Sorry! Hehe." Unti-unti siyang bumitaw sa pagkakayakap and she innocently gave us an excited look on her face.

"Very brutal." sinamaan ko siya ng tingin. Meet the modern day Maria Clara.. uhh – as if.

Viel is the typical Maria Clara na tahimik, mahinhin, at halos hindi makabasag pinggan. She's very sweet and her face radiates kindness. Iyon nga lang, hindi naman lahat nabibiyayaan lang ng magagandang bagay.

Contrary to her reserved personality, hindi mo aakaling napaka-brutal nitong babaeng 'to. She can't control her emotions kasi. Kapag masaya siya hahampasin ka niya. Gaya nalang ngayon. Labo right? Ako rin hindi ko gets.

But I'm happy I found real friends.
Kumbaga ako ang 'in between' sa kanila.

Tama lang. Sakto. Chill. Neutral. And they are my extremes.

Kung ikukumpara sa kanilang dalawa, ako ang pinaka-normal. I guess?

Oh c'mon! You'll agree with me.

Walang kokontra! Madapa ang kumontra.

I immediately called Luna and Viel after the program facilitator called us to gather. We graced the red carpet wearing our white togas as we marched towards the front of the auditorium.

Habang naglalakad kami sa tila'y red carpet entrance namin, ay naaninag ko sila mommy at daddy sa audience. They kept on taking pictures of me and I know how proud they are right now.

Kasama nila mommy ang engot kong Kuya. Yes! Engot talaga! Who in their right mind would go to their sister's graduation at magdadala ng banner na may nakalagay na 'Congrats my monster baby sister!'?

Their Chasing SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon