Yna's POV
"Isang nilagang karne para sakin." Sabay lagay niya ng ulam at kanin sa kayang harapan nang kunin ito sa tray. "Isang tinolang manok na may kasamang pait ng ampalaya naman ang sayo." At inilagay naman nito ang aking pagkain sa hapag. "Isang pagkatamis tamis na orange juice naman ang sakin, isang pagkapakla na pineapple juice naman ang sayo." Pagpapatuloy niya pa. "At akin rin itong malagatas sa sarap na leche flan at sayo naman iyang kulang sa katas ng pagmamahal na gulaman." Aniya at ngumisi pagkatapos ilahad lahat ng pagkain sa mesa.
Tinignan ko naman siya ng masama saka naramdaman ang gutom kaya itinuon ko na lamang muli ang atensyon sa mga pagkain.
"Wait teka may pahabol pa." aniya at saka may hinugot pa sa tray. "Isang order ng biko para sa mga taong bigo na walang lovelife na kailangan ng tamis sa katawan. At panghuli, isang order ng chopsuey para tumabang malusog at magkalaman ang mga pusong sintigas ng bakal ang kamanhiran."
Namapaang nalang akong tinignan siya matapos niya sabihin ang mga makahulugang salita na kanyang nabitawan. Ngingisi ngisi pa rin itong umupo sa aking harapan at saka nagsimulang kumain.
Anong trip ng isang 'to?
"Uyy kumain ka na, baka pati yang pagkain mo eh ako pa ang umubos ah." wika ni Luna nang makitang wala pang bawas ang pagkain sa aking pinggan samantalang nakakalahati nang ubos ang kanin at ulam sa kanyang plato.
"Tch, ang daldal mo kasi."
"Ayooown! Apektado ang bakla.." aniya at sumipol pa at animong naipagmayabang pa ang tamang hinuha niya. Ipinatong niya ang dalawang siko sa mesa hawak ang mga kubyertos at saka nagsimulang magsalita. "Alam mo kasi hindi mo naman kailangan magkaganyan kung tumitingin ka lang sa kung ano yung nasa harapan." Aniya pero hindi ko iyon maintindihan.
"Anong bang sinasa-"
"Kaibigan, ang ibig kong sabihin ay iyang iniaasta mo, ilang linggo ko nang wala sa sarili mo. Minsan good mood ka tas biglang magseseryoso, minsan ang tahi-tahimik mo kahit maingay lahat ng kausap mo. May mga oras na nakakausap ka naman ng matino pero kapag nagtanong na ako ay wala kang maisagot." Patuloy niya ngunit wala pa rin akong makuha. Alam kong may mga pagkakataon nitong mga nakaraang linggo na wala ako sa sarili ko. Pero ano naman ang kinalaman nun sa mga sinasabi niya kanina pa? "Bakit mo tatakasan ang bagay na kung makakabuti naman sayo?" naitaas ko ang kilay ko hudyat na wala akong naintindihan sa sinasabi niya.
"Alam mo ang korni mo, saan naman galing yang mga sinasabi mo?" bahagya pa akong natawa sa nasabi pero ang mukha niya ay seryoso pa rin at walang bahid ng sarkasmo.
Malalim pa muna siyang nagbuntong hininga bago makapagsalita. "Okay seryoso, alam ko naman na hanggang ngayon eh gumugulo pa rin sa utak mo yang Zeke mo at ngayon naman ay todo maang-maangan ka kapag napag-uusapan si Ely." Unti-unting lumiwanag sa utak ko ang mga ideya na kanina ko pa hindi maunawaan.
"B-bakit?"
"Anong bakit? Magreact ka naman! Halow? Kanina pa ako nagsasalita at halos mapanis na laway ko sa kakadadal tas ang sagot mo lang bakit?!" aniya na para bang kasalanan ko pang hindi ko naintindihan,
"Eh pwede mo naman kasing sabihin ng diretso ang dami pang paligoy-ligoy."
"Eh kahit sino naman kasi sabihan ko nun makakaintindi agad." Paliwang niya pero parang mas lumabo iyon sa utak ko. Hindi mairehistro sa utak ko ang mga salitang lumalabas sa malaki niyang bunganga. Pero maya maya ay saglit siyang natigil at nagpakawala pa ng isang malalim na buntong hininga bago muling makaagsalita. "Georgina, alam kong wala ako sa posisyon para pangunahan ang nararamdaman mo, pero please naman.. subukan mong tulungan ang sariling mong wag na magpaapekto kay Zeke. Hindi hihinto ang buhay niya para pagaksayahan yang kadramahan mo sa buhay. Hindi rin dapat huminto ang buhay mo nang dahil sa kanya."
BINABASA MO ANG
Their Chasing Souls
Romance"I love how my life works, that is, until you chased me." Normality is her thing. She's dreaming of a simple life-in short, no complications. She's busy chasing her dreams. Pero paano kung biglang magbago ang lahat nang dahil sa mga bagay na hindi n...