Kamusta guys? Ngayon lang nagkapagupdate. Medyo nagiging busy na rin kasi.
Belated Happy birthday nga pala to our heroine and female lead Georgina Denise. 💖
Yna's POV
Monday na naman at siyempre panibagong linggo ng college life ko.
Pero umaga palang ay parang pang-biyernes santo na ang mood ko.
"Tinatanong ka ni dad. Ano'ng ginawa niyo sa Batangas?" Pag-uulit ni Kuya sa tanong daddy sa'kin.
Gusto kong tusukin ng tinidor ang kamay ng kapatid kong daig pa ang hukom kung manguwestyon.
"Kumain lang po kami dy." tugon ko habang nakatingin sa plato ko at tinutusok ang kawawang Spam.
Wala akong narinig na salita mula kay daddy. Tanging malalim na buntong-hininga lang ang natunghayan namin.
Biglang hinawakan ni mommy ang kamay ko at ngumiti sa'kin.
"Ehem." Pagbabasag niya sa katahimikan. "I think masaya naman ang naging lakad nila right? How's the project? Nakakuha ba kayo ng inspiration when you went to Anilao?" Biglang hinigpitan ni mommy ang pagkakahawak sa kamay ko at nakuha ko naman ang ibig niyang mangyari.
Magandang sakyan ko na. Hehe.
"O-Oo po. I think nakatulong po y-yung pagbisita namin sa probinsiya. N-Nakakapagod nga po eh."
"Nakakapagod ang ano?!" Biglang tanong ni Kuya na napatayo pa kaya napatingin kaming lahat sa kanya.
"Sit down Charles." Ma-awtoridad na utos ni daddy. Naupo naman ang kapatid ko habang masama ang tingin sa'kin. Lumingon naman si daddy sa'kin. "Yna?"
"A-Ah I mean po. W-We saw a lot of g-good places.. sceneries and.. and.."
"Boys?" Bakas ang inis sa himig ni mommy. "Bakit kayo gan'yan? We should trust Yna. I think she's old enough to know what's she's doing. Masyado niyo pine-pressure ang anak ko."
Nakita ko namang napabuntong-hininga si dad at si Kuya naman ay biglang napakain ng hotdog.
Mabulunan ka sana.
Natapos ang almusal na walang umiimik sa'min.
MABILIS kaming hinatid ni mom sa school at siya na rin ang nagdrive ng sasakyan. Pinagbawalan niya si Kuya na magdrive dahil alam niyang mag-aaway lang kami nito.
"Kids? Remember what I told you. Don't fight."
Napakamot nalang si Kuya Charles sa batok. "Mom. Hindi na kami bata–"
"Charles. Take good care of your sister. Stop annoying each other." bilin ni mommy kay Kuya saka lumingon sa'kin. "Yna, wag makikipag-away sa Kuya mo understood? You both are not kids anymore kaya please."
Wala kaming nagawa ng kapatid ko kundi ang sumang-ayon kay mommy. Gusto ko man sapakin ang kapatid ko sa mga oras na 'yon ay hindi ko na nagawa.
It's 8 am. First subject, Philosophy.
Ang subject naming pa-major dahil first week palang ay pabibo na ang prof.
Nagbigay ba naman ng assignment ikalawang araw palang ng klase saka nagpa-quiz rin mismo kinabukasan pagkatapos niyang mag-lecture.
"Good morning." bati ni Ms. Robles. "Get a one-fourth sheet of paper!"
Bigla namang nagbulungan ang mga kaklase ko.
BINABASA MO ANG
Their Chasing Souls
Romance"I love how my life works, that is, until you chased me." Normality is her thing. She's dreaming of a simple life-in short, no complications. She's busy chasing her dreams. Pero paano kung biglang magbago ang lahat nang dahil sa mga bagay na hindi n...