Chapter 46

136 3 0
                                    

Gemini's POV

It was still dark outside nang magising ako dahil sa lakas ng paghampas ng hangin sa labas ng mansiyon. Then I decided to go to the kitchen para uminom ng tubig.

I turned on the flashlight sa phone ko at marahan akong naglakad sa pasilyo ng mansiyon. Hindi naman gaanong madilim pero hindi sapat ang kaunting liwanag sa mga wall sconces para makita ang kabuan ng daanan sa buong pasilyo.

As I was passing by, I saw small beams of light galing sa pintuan ng isa sa mga kwarto. I was hesitant at first na lumapit because I knew whose room it is. Pero nacu-curious talaga kasi ako ba't gising pa siya when it is already past midnight.

Kung sa misyon kami ay maiintindihan ko pa because we carry out our mission usually at night.

Pero kung sa bagay, uso rin naman ngayon sa mga tao ang puyatan. Hindi ko talaga maintindihan ang mga tao kung bakit kailangan nilang magpuyat kung pwedeng ipagpabukas naman. Nakakasama rin naman 'yon for their health. At isa pa, hindi ba sila inaantok?

I was about to knock on the door nang biglang bumukas ito. A topless man who's only waering his bottom pajamas welcomed me kaya mabilis akong tunalikod at huminga ng malalim. Pakiramdam ko ay nag-init ang mga pisngi ko.

I shouldn't have tried to enter his room in the first place. Ugh.

"Silly." Aniya at naramdaman ko naman agad ang pag-alis niya sa likuran ko. I turned around after a few seconds and he's now wearing a white shirt on top.

Gusto kong sampalin ang sarili ko nang bigla akong nakaramdam ng panghihinayang.

I entered his huge room na tingin ko ay kasing laki ng isang three - bedroom loft type apartment. I shifted my gaze at him drying his hair with towel saka siya naupo sa kama. Nilingon niya ako looking confused. "Gemi–"

"Aries, we are not working. Stop addressing me by my alias outside work, you're makig me feel uneasy." I immediately scoffed. Ayaw na ayaw kong tinatawag niya ako sa pangalang iyon maliban kapag may mga misyon.

Simula nung pumasok at magtrain kami sa organization ay bihira ko nalang siyang marinig na tinatawag ako sa tunay kong pangalan.

"Fine." Aniya at mabilis na sumandal sa headboard ng kaniyang kama then turned the T.V. on.

Inilibot ko ang buong paningin sa kanyang kwarto. The room is full of masculinity and the interior is very minimalist. His room smells just like him. Wait, that sounds crazy. Hindi naman sa inaamoy ko siya. Masyado lang talaga malakas ang pang-amoy ko at matapang rin naman ang pabango niya. Yeah, that's it.

Napansin siguro niyang hindi ako umaalis sa pagkakatayo ko sa may pinto. "Aren't you going to sit?" Tanong niya habang ang atensiyon ay nasa TV.

"Bakit gising ka pa?" Nilingon niya ulit ako looking confused.

"Sit."

Nakakainis! Ano ako aso? Ba't kasi hindi nalang niya sagutin ang tanong ko nang maayos?

At dahil mukhang wala naman siyang planong sagutin ang mga tanong ko ay naupo nalang ako sa bean bag na nasa tabi ng kama niya.

"May bagyo pala?" I asked while watching the newsflash on TV. Hindi naman nakatakas sa paningin ko ang paglingon niya sa akin. As I've seen on my peripheral vision, I knew he's looking at me.

"Why are you sitting there?" Tanong niya kaya ako naman ang napalingon sa kanya looking confused.

"Alangan naman sa sahig?" Grabe naman 'to. Alam kong OC siyang tao pero ano akala niya sakin, kalat? Imbes na makipagsagutan sa akin, I just saw him looked at me in disbelief.

Their Chasing SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon