Yna's POV
"Pagod na'ko!" awat ko kay Luna. Halos himatayin na ako sa lakad-takbong ginagawa namin. Nanginginig na rin ang mga binti ko.
Tumigil naman siya sa pagakyat at binalikan ako. "T-teka... wala pa tayong kalahati." Aniya habang hinihingal. "Kailangan.. makaabot tayo... sa taas... k-kundi... m-malilintikan tayo... Oh tubig." Iniabot niya sakin yung natitirang tubig niya sa water bottle. Kanina ko pa kasi naubos yung akin.
"Three minutes... Pahinga muna tayo please..." pagmamakaawa ko at mukhang naiintindihan naman niyang hindi ko na kayang magpatuloy kung hindi ako magpapahinga. Mabuti nalang at may mga malalaking bato sa malampit na pwedeng maupuan.
Inaakyat kasi namin 'tong parang burol pero mas mataas pa sa normal na burol. Kailangan namin makarating sa tuktok sa loob ng isang oras at kalahati.
Kung hindi lang talaga sinabi samin na may incentives kaming makukuha para rito ay hindi talaga ako aakyat. Ikaw ba naman paakyatin sa oras na tirik na tirik yung araw.
"Kainis! Sana pala gumawa nalang ako ng pekeng excuse letter." Wika ni Luna habang inuubos yung natitirang patak ng tubig niya sa water bottle. "Aay wala na?"
Naiwan kasi si Viel dahil may excuse letter siya para sa mga strenuous activities. Kaya naman hindi siya pinapayagan sa mga delikado o di kaya nakakapagod na activities.
"Ano naman aber ang magiging excuse mo?" tanong ko.
"Sprain."
"Wow... at ano naman dahilan ng sprain mo?"
Nagisip naman siya kunwari. "Katangahan." Sarkastikong sabi niya. "Tara na nga. Inaantay na tayo ng uno sa taas!" turo niya sa tuktok ng burol.
Natawa naman ako sa sinabi niya. "Sigurado ka bang bibigyan ka ng uno? Hindi pa nga natin alam kung anong klaseng incentive yung ibibigay."
"Hindi natin malalaman kung hindi ka tatayo diyan. Tara na." hinila niya akong tumayo at saka naglakad nang muli.
Mahigit isang oras na rin kaming umaakyat. Halos tanaw ko na yung mga kumpol ng estudyante sa itaas. Nagmadali kaming umakyat nang makita namin ang mga kaklase ni Luna. May mga nakikita rin akong pamilyar na mukha na tingin ko ay mga kaklase ko rin.
"Finally!" sigaw ni Luna nang marating namin ang summit.
Taray maka summit.
Tuwang-tuwa kami at iwinawagay pa ni Luna ang mga kamay at nagsusuntok sa hangin.
Baliw.
"Hi guys, congratulations!" Bati ng parang facilitator sa amin na nakatayo roon sa may bukana ng entrance nung summit. "You've reached the top. Pero bago kayo magpahinga ay kailangan niyo munang bumunot." May ipinakita siya kahon na hindi namin alam kung ano ang nilalaman. "Kapag nakabunot kayo ay wag niyo muna bubuksan. Kailangan antayin natin ang iba pang hindi nakakarating sa summit."
"Kaw kuya ah, ito ba yung prize?" biro ni Luna pero tinawanan lang siya ni Kuyang facilitator. Bumunot naman agad kami ng tig-isa. Mga nakatuping papel lamang iyon.
"Hoy! Wag nga raw buksan." Pigil ko kay Luna nang pasimple niyang tignan ang laman ng papel. "Alam mo ba yung element of surprise?"
"Oo na! KJ naman to. Malay mo naman hawak pala ng papel na yan ang kapalaran mo." Sumbat niya sa akin saka ako hinatak sa may umpol ng mga tao.
Kung hawak man ng papel ang kapalaran ko, sana hindi na ko makita ang kumag sa buong trip na 'to.
Ang pag-aakalang makakapagpahinga kami pagkarating sa summit ay isang ilusyon lamang pala. May tree planting palang magaganap kaya naman nagsimula na kami magtanim nang may tig 100 na seeds ng hindi ko alam kung anong klaseng puno ang itinanim namin.
BINABASA MO ANG
Their Chasing Souls
Romance"I love how my life works, that is, until you chased me." Normality is her thing. She's dreaming of a simple life-in short, no complications. She's busy chasing her dreams. Pero paano kung biglang magbago ang lahat nang dahil sa mga bagay na hindi n...