Chapter 05

301 29 2
                                    

Pintado

Yna's POV

Bigla akong nagising sa tunog ng alarm clock. Kakagising ko lang at medyo inaantok pa talaga ako  Ginulo-gulo ko ang buhok ko at hindi ko namalayan na may tumutulong luha na naman mula sa mga mata ko.

Ang totoo niyan ay halos hindi ako nakatulog nang maayos kagabi. Lalo na kapag naalala ko ang mga nangyari kahapon sa coffee shop. Namaga rin yata ang mga mata ko sa ka-iiyak.

'Talaga bang deserve ko to?' Iyon na lamang ang tanong ko sa ngayon. Masyado na akong maraming naiisip at ayoko na sana balikan pa ang mga iyon. Hindi rin ako pwede makitang ganito sa bahay. Mahahalata nila ako at ayoko nang mag-alala pa sila sa'kin.

"Ang sarap mom. Sana magluto po kayo nito next week." Papuri ko sa luto ni mommy. Ioinatikim masi ni mommy ang isang bagong recipe nap manok ang pangunahing sangkap. Magaling talaga kasi magluto si mommy. 

Kahit na gustuhin ko mang i-enjoy ang pagkain ay hindi pa rin nito nabawasan ang bigat na nararamdaman ko. Pilit kong itinatago kay mommy ang lungkot sa pamamagitan ng mga pilit na ngiti ko sa kanya. Ayoko namang gawing big deal 'to at baka maka-abala pa ako sa iba.

"Binobola mo naman ako eh." Medyo nahihiya niyang sinabi.

"Mom, kailan pa ako nagsinungaling? Kayo kaya ang the best chef and the best mom ever!"

She smiled and hugged me, I felt warmth in her arms. "Thank you." Aniya nang kumalas sa pagkakayakap sa akin. She's quite teary-eyed.

"Mommy naman eh! Wala tayo sa MMK." I joked. Napasinghot na natatawa naman siya.

"Oh siya, hindi ka ba sasabay sa Kuya mo? Bilisan mo na at paalis na 'yon."

Ito ang unang beses na sasabay ako kay Kuya papasok ng school. Hindi kasi kami nagsasabay kasi mas kakaunti ang subjects niya ngayong sem at mas maaga ang mga klase ko sa kanya.

"Let's go." Yaya ni Kuya sa akin kaya nagpaalam na rin ako kila mommy. Agad naman akong sumakay sa kotse  at naupo sa may shotgun seat. Sinara ko ang pinto ng kotse at saka naglagay ng seatbelt.

"Anong oras matatapos ang klase mo mamaya?" tanong ni Kuya habang nagmamaneho.

"Mga three pm pa matatapos."

"Hmm."

"Kaw ba?" tanong ko sa kanya.

"Five pm."

Mukhang seryoso si Kuya ngayon. May nangyari ba? Hindi ako sanay na ganito siya. Mas madalas kasing inaasar niya lang ako. Huling beses na ganito siya eh heartbroken pa siya. Kaso wala naman akong kilalang nililigawan niya o kaya girl friend niya.

"Gusto mo maglunch mamaya?" ayan gagawan ko na siya ng pabor. Minsan lang ako maging mabait sa kanya at gusto ko lang rin pagaanin ang pakiramdam ko. Food will make me feel better.

The traffic light turns red dahilan para tumigil ang aming sasakyan.

Nilingon naman ako ni Kuya at tinaasan ng kilay.

"Anong nakain mo at niyayaya mo ako maglunch?"

"Let's just say na gusto ko lang magrelax today." Nginitian ko siya. "Baka sabihin mo naman kasing masama akong kapatid at hindi man lang kita nililibre."

"Tch. Nakakagulat to, ikaw? Ililibre akong kumain sa labas? Ang kuripot kong kapatid." Tumawa naman siya.

"Che! Ikaw na nga yung ililibre, tas kaw pa tong may ganang mang-asar."

"Chill baby sis, magmumukhang monster ka na naman niyan." Bigla nalang siyang tumigil sa pagtawa at biglang naging seryoso ang kanyang mukha. "Thanks."

Tch. May problema talaga 'tong taong 'to. Kilalang-kilala ko na siya. Hindi niya kayang itago sakin 'yon.

Their Chasing SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon