Chapter 30: Freshmen trip - Part Four

103 13 0
                                    

Ynas' POV

"Wag ka ngang maingay." Rinig kong bulungan sa labas. Pero walang kaduda-dudang boses ni Luna iyon dahil sa lakas nito. Nakaramdam ako bigla ng gutom kaya napabangon agad ako at lumabas ng tent.

"Good morning!" nakangiting bati ni Viel. Kasama niyang kumakain ng breakfast si Luna. "Uy kain na. Ang sarap ng breakfast this morning. Tumulong ako sa pagluluto." Pagmamalaki niya pa.

"Tsh. Nahirapan ka talaga sa pagluluto ah?" natatawang sabi ni Luna, tumangu-tango pa ito. "Ngayon ko lang nalaman na ganun pala kahirap magluto ng hotdog at itlog!" Hindi na maawat si Luna sa kakatawa at natawa na rin ako, ngumiwi naman si Viel.

"Masarap naman! Aminin mo." Sumbat ni Viel pero nanatiling nakatawa si Luna. "Yna, halika ka na nga rito, kumain na tayo!" kinuha ko saglit yung paperbag na may lamang pagkain saka ako inalalayan ni Viel. "Ano naman yan?" tanong niya pero hindi ko na siya sinagot at binuksan nalang ang laman non.

Sopas, mansanas, at soy milk ang laman non. Halos lahat ay mga paborito ko. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit pinipilit kunin ni Ely yung paperbag kagabi dahil malamig na raw ang laman nito. Totoong mas masarap lang kainin ang sopas kapag mainit.

"Ay taray oh may paspecial breakfast ang tita niyo. Parang napansin ko yan kagabi. Ganda mo rin ano?" nanunuksong biro ni Luna, nginiwian ko naman siya. "Kaso makakain po pa ba yan teh?! Oh heto pa..." iniabot niya sa akin ang isang paper, nagtataka naman akong tinaggap iyon. "Napakaganda talaga ng umaga natin eh no?! Anong shampoo natin? Nang makabili naman ako!"

"Try mo munang maligo araw araw Luna para magamit mo naman yung shampoo." Seryosong sabi ni Viel, walang halong biro pero talagang natatawa ako sa isip ko.

Napailing naman ako sa kalokohan ni Luna at binuksan ko iyong paperbag na iniabot niya. May laman iyong gatas na naka tetra pack, isang piraso ng saging at sandwich. "Kanino galing to? " tanong ko. Nagtinginan naman silang dalawa ni Viel saki sila lumingon sakin.

"Kay papa Zeke teh! Hinatiran ka rito kaso tulog ka pa nang pumunta siya. Ano bang ginawa niyo kagabi at may biglang pabreakfast ang lolo niyo?" ayun na naman ang nanunuksong tingin ni Luna . "Gusto mo tulungan ka namin? Nangangamoy comeback." Ngumiwi naman ako, agad akong kumuha ng kanin at naglagay ng ulam sa plato ko. Hindi ko tuloy alam kung ano ang pagkain na uunahin ko.

"Anong comeback?" inosenteng tanong ni Viel.

"Wala ka pa non beh, kumain ka nalang diyan." Nangunot naman ang noo ni Viel na para bang pilit iniitindi yon. Minsan ay hindi ko alam paano sasakyan ang biro ni Luna. Talagang sa lahat ng bagay may naiisip siyang isingit.

Bigla namang tumayo si Viel at nagpaalam na kukuha ng karagdagang ulam at tubig.

"Anong comeback ba sinasabi mo? Tigilan mo nga yang mga biro mo baka maniwala ang isang yon." Tukoy ko kay Viel nang talikuran kami.

"Ay besh, comeback ng feelings ang tinutukoy ko." Siniringan ko naman siya at ipinatong ang isang paa sa upuan na para bang nasa bahay lang siya. "Oy ah, yung sinasabi ko sayo, magmove-on kapag may time." Aniya at saka nilantakan ang pagkain niya.

"Hindi mo na kailangan ipaalala. Tigilan mo na nga!" Asik ko.

Muling nag-angat siya ng tingin at inusisa muli ako. "Ano ba nangyari kagabi? Anong eksena niyo may lihim na pagtatagpo at may pabuhat buhat effect pa, matinding injury lang ganon at hindi makapaglakad?!"

"Wala nga, nag-usap lang kami. Ikaw kaya ma sprain." Mahinahong sabi ko pero bakas sa mukha ni Luna na hindi ito naniniwala. "Wag mo ako titigan ng ganyan, dahil wala talaga, wala kang mapipiga sa akin." napabuntong hininga ako at saka kinain yung mansanas na bigay ni Ely, sa hindi malamang dahilan ay napangiti naman ako at kinagatan iyon. Nakakatuwang naisip niya pang nagugutom ako sa gabi.

Their Chasing SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon