Yna's POV
It has been two days since mommy got admitted in the hospital. Kahit na busy sa school ay sinusubukan kong bumisita sa kanya.
Kakauwi lang ni daddy from Cebu at hindi pa kami nakakapag-usap. As much as I wanted to speak to him, hindi talaga ako maka-tiyempo. He immediately rushed in the hospital pagkarating na pagkarating niya pa lang sa bahay after his flight this morning.
Nang dahil sa bagyo, Dad's flight has been cancelled the day mom got into an accident. Ngayon lang nakauwi si daddy kaya nagmamadali agad itong pumunta sa ospital.
After that incident two days ago ay mas dumami na ang mga tanong ko. So many things has been bothering me since the accident happened.
Una, sinabi ni Kuya na hindi siya naniniwalang aksidente lang ang nangyari kay mommy. I was so furious of what he said. Hindi naman siya magsasabi ng ganoon basta basta nang wala siyang basehan.
Pangalawa, yung sulat na nabasa ko sa kwarto nila mommy.
And lastly, I received an invitation from an unknown person. It was an invitiation for an art exhibit. It's not just an ordinary exhibit. It is the L'Ombre Art exhibit kung saan shino-showcase ang mga iba't ibang artworks of known artistist all over the world.
As far as I know, mostly VIPs and socialites lang ang alam kong nakakareceive ng mga ganitong invitation. Who am I to be invited in such a prestigious art exhibit? I do know few people in the art industry because of my family's connections pero I don't really have the connections for such luxurious invite. At isa pa, sa akin lang naka-address ang invitation and not for my whole family.
Akala ko nga nagkamali lang nang bigay 'yung kartero noong isang araw pero it was really addressed to me.
Kuya calls from time to time to check up on me. He even asked our cousins na samahan ako sa bahay but I refused. Not that I don't want them to be here, hindi lang talaga pu-puwede sa ngayon.
It has been two days na walang pasok nang dahil sa bagyo kaya hindi rin nagtaka si Kuya kung bakit hindi ako nakakadalaw. He's even the one who discouraged me na wag na muna akong aalis ng bahay dahil sa sama ng panahon. Little did he know about what' really keeping me busy these days.
"Kailangan pa ba 'to? Aish!" nilingon ko ang lalaking kanina pa nagrereklamo sa tabi ko. He kept on fixing his tie na kanina pa nagugulo.
Kahit papaano ay pinagsisisihan kong inaya ko pa siyang samahan ako. I also feel guilty at the same time dahil mukhang napilitan lang talaga siyang sumama rito.
"Akin na nga!" I immediately grabbed his tie and pulled him closer to me. Napataas naman ako ng kilay after seeing his reaction. He looks flustered and I find it cute. "Kailan ka ba huling nagsuot ng tux?" I asked while fixing his tie.
"M-Mahalaga pa ba 'yon?" Mabilis niyang iniwas ang tingin sa akin and pouted his lips. Cute.
"Oo naman! Do you expect someone will do this for you all the time?"
"Tch. Hindi ba dapat babae ang gumagawa no'n?"
"Excuse me France Noah?! Are you just being –"
"Oh! Teka lang! React agad? Ang ibig sabihin ko lang naman, h-hindi ba't dapat babae ang gumagawa no'n para sa lalake? M-Mas sweet kaya 'yon."
He looked at me with a serious face kahit namumula na siya sa sobrang hiya. "Ginagawa 'yun ng magjowa.""Eh kaya lang, wala ka namang jowa!"
I saw his forehead creased at salubong ang mga kilay. "A-Anong sabi mo? S-Sino'ng may sabing wala?!" Asik niya.
BINABASA MO ANG
Their Chasing Souls
Romance"I love how my life works, that is, until you chased me." Normality is her thing. She's dreaming of a simple life-in short, no complications. She's busy chasing her dreams. Pero paano kung biglang magbago ang lahat nang dahil sa mga bagay na hindi n...