Yna's POV
"Talaga bang maayos na yang paa mo?" biglang tanong ni Zeke sakin, tumango namn ako bilang tugon. Narito kami ngayon sa gubat. Parang race/test of courage kasi ang activity ngayong gabi. Napakadilim na pero nagpumilit lang talaga akong sumama. Nakakahiya kasi parang wala man lang akong pakinabang sa team namin. "Pwede namang magpahinga ka nalang kung hindi mo pa kaya."
Ang totoo kasi ay paika-ika ako ngayon maglakad. Pakiramdam ko tuloy ay pabigat ako. Pero mas hindi kakayanin ng konsensya kong tumigil at maglagi nalang buong maghapon sa camp. Kung alam ko lang kasi na may ganitong activity pala ay sana hindi nako ako gumala kanina at nagpahinga nalang. Paano'y pagkarating na pagkarating ko ng camp galing doon sa ilog ay napansin kong hindi pa pala maayos ang namamaga kong paa.
"O-okay lang. Ang totoo ay nabuburyo na ako buong maghapon sa camp, kaya gusto ko rin sumama." Paliwanag ko, ngumiti naman siya sa akin at inalalayan ako. "S-sorry."
Nangunot ang kaniyang noo at tinitigan ako. "Bakit ka humihingi ng sorry?"
"K-kasi... Baka nagiging pabigat na ako sayo." Nanlulumong sagot ko.
He heavily sighed at binitiwan niya ang kamay ko. Nasilayan ko ang kaunting lungkot sa mukha niya. Hinarap niya ako at yumuko dahilan para lumibel ang mga paningin namin saka niya hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Please. Never say sorry for something na hindi mo naman sinasadya."
"Pero-"
"Listen, may nagagawa tayong mga bagay na hindi natin sinasadya, and it's okay to say sorry. But there's a limitation to that and hindi ka rin pabigat. Do you understand?" tinanguan ko na lamang siya at ngumiti naman siya sa akin. "And please don't say sorry sa mga bagay na kusang ginagawa ko para sayo. I-It feels like-"
Bago pa man maging dramatic ang eksena namin ay hinawakan ko ang braso niya at ako naman ang nagsalita. "Okay. I'm-" pinandilatan niya ako ng mata. "Okay fine, last na yon. Tara na at baka mawala pa tayo."
Ang lalim naman ng hugot ng isang 'to. Anlayo ng napuntahan ng usapan namin.
Ang goal namin ay ang makahanap ng white flags sa daan, ito ay hanggang marating namin ang finish line- which is yung starting point rin naman na nasa camp. White flags kasi dahil nga white team kami. The more the flags the bigger the points. Ang lugar na pinagaganapan ng activity ay within sa perimiter lang rin ng camp. Pero sa hindi inaasahan ay napakalaki pala talaga ng camp. Ang gubat kung nasaan kami ngayon ay bahagi pa rin pala nito kaya nga lang ay pinagbabawalan kaming pumunta rito dahil para lang daw to sa ganitong activity.
May mga checkpoints rin na kailangan namin daanan. Sa bawat checkpoint ay maaring dumoble ang value ng flags na hawak ng isang tao, yun ay kung masasagutan at mapapagtagumpayan mo ang mga bugtong, code, or trivia na nakahanda. Pwede niyong ipagsama ang flags niyo as a team. Depende sa checkpoints ang kapalit na value or flags ng mga sasagutan. Pwedeng limang flags lang ang halaga ng isang challenge, pwede ring umabot ng thirty flags. Ang pinakatricky part lang ay kung handa ka bang sumugal. Sa oras kasi na hindi mo masagot ang bugtong ay hindi na nila ibabalik yung flags na binigay mo sa kanila. Ang maganda lang ay may choice ka namang hindi sumugal sa checkpoints. Ayun nga lang, sayang naman yung times two o kaya times three na points di ba?
What's more challenging? May inihanda ring mga patibong along the way. Yun ang sabi sa amin. Hindi nga lang namin kung anong klaseng patibong dahil hindi naman sa amin sinabi. Pero hindi naman raw namin kailangan mag-aalala dahil safe naman raw ang mga patibong at may mga inhihanda ang facilitators na medical checkpoints kung sakaling may emergencies.
"AAAAAAAAAAH!" nagkatinginan kami ni Zeke nang marinig naming may sumigaw sa malapit. Hindi naman kasi agad makita kung saan banda yung sumigaw dahil napakadilim at tanging ilaw lang ng flashlight ang meron kami para makakita.
BINABASA MO ANG
Their Chasing Souls
Romance"I love how my life works, that is, until you chased me." Normality is her thing. She's dreaming of a simple life-in short, no complications. She's busy chasing her dreams. Pero paano kung biglang magbago ang lahat nang dahil sa mga bagay na hindi n...