Chapter 18: Proyekto

231 15 1
                                    

Yna's POV

"Good morning sunshine!" Usal ko habang inuunat ang aking mga balikat. Kakagising ko lang pero ramdam ko na agad ang gutom.

Bumaba ako sa sala at nadatnan roon ang daddy.

"Good morning dad." Nakangiting bati ko sa kanya.

"Good morning princess." Ngiting sagot naman nito

Hindi pa man ako nakakatapak sa pinakahuling hakbang ng hagdan ay agad na akong sinalubong ni Mocha!

"Mocha baby!" Agad ko siyang niyapos at inamoy amoy naman ako nito. "Good morning." Bati ko sa kanya.

"I was waiting for you, let's go and have breakfast." Yaya sakin ni daddy nang nilingon ko siya. Agad ko namang binitawan si Mocha saka sumunod kay daddy papuntang dining area.

Nandoon na rin ang mommy na tila nag-aantay sa amin at pati si kuya na nakangusong tinignan ako. Agad akong pumwesto sa aking upuan pero..

"Heeeeeeppp!" Pigil sa akin ni Kuya Charles nang tangkain ko nang umupo.

Binigyan ko naman siya ng mga nagtatanong na tingin.

Ano na namang trip nito?

"Maghugas ka ng kamay." Marahang usal niya.

"Tch." Imbes na maupo ay agad akong nagtungo sa kusina para maghugas ng mga kamay. "Eh mas malinis pa nga sa kanya si Mocha. Siya nga tong hindi naliligo kapag walang pasok. Naliligo lang kapag kailangan umalis ng bahay. Psh!" bulong ko sa sarili habang padabog na binuksan ang gripo para maghugas.

Nang dahil sa gutom ay kumaripas ako ng takbo pabalik ng hapag kainan saka nagsimulang kumain.

Pagkatapos kumain, maligo at maghanda para sa eskwela ay agad naman akong hinatid ni daddy sa unibersidad.

"Thanks dad." Ngiting pasasalamat ko sa kanya pagkatapos sya bigyan ng matamis na halik sa pisngi.

"See you later." Aniya at saka ako lumabas ng sasakyan.

Inantay ko pa siyang makaalis bago ako pumasok sa gate ng school.

Habang papunta sa room ko ay hindi ko inaasahang makakasalubong ko si Luna.

"Yow bestie!" bati niya sakin at saka naman inakbayan ako.

"Wow! Ganda ng umaga natin ah." Tukso ko sa kanya.

"Well, marami lang naman akong good news sayo!"

"Wow! Eh ano naman kaya?" kunwaring nag-isip naman ako. "Nanalo ka sa lotto? Tumangkad ka ng dalawang pulgada? O di kaya..." nilingon ko siya at salubong naman ang kilay nitong tinignan ako.

"Tch, ang korni korni mo! Hindi yon!" agad siya pumunta sa harapan ko dahilan para matigil ako sa paglalakad. Agad niyang inangat ang kanyang kanang kamay saka itinuro ang bulletin board na katapat namin ngayon.

Hinila niya ako papunta sa bulletin borad at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang pangalan niya.

"Oh my.. oh my gosh!" agad ko siyang nilingon at niyakap nang pagkahigpit. "Congrats Luna! Masayang masaya ako para sa'yo!" bati ko sa kanya at kumawala sa aming yakapan saka ko siya hinarap. "Alam mo, deserve mo talagang makapasok." Sabi ko sa kanya at sinuklian naman niya ako ng abot langit na ngiti.

"Thank you Yna!" ngiting ngiting usal nito.

"Oh paano ba yan? Ililibre mo nako nito?" pabirong sabi ko habang magkakrus ang aking mga braso

Their Chasing SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon