Chapter 22: True friend?

203 16 2
                                    

Yna's POV

"Thank you guys sa pagpunta niyo at sa pagtulong na maging matagumpay yung huling mural painting natin sa wall ng university." Masayang anunsyo ni Carrie. "Talagang marami tayong natanggap na compliments from the student body at pinuri rin tayo ng mga head ng university."

Totoong maraming pumuri at nakapansin sa mural painting ng org nung nakaraan. Mas maganda raw kasi ngayon tignan yung wall kaysa noon. Naging matagumpay iyon dahil na rin sa maayos na pamamahala ni Carrie at syempre sa bawat miyembro ng Pintado. Nagtulong-tulong ang lahat para rito.

"At alam niyo ba sabi ni Dean eh.. susuportahan pa raw nila tayo sa mga next events ng Pintado!" masayang kwento pa ni Carrie.

"Uy." Rinig kong may kumalabit at mahinang nagsalita sa aking likod kaya napalingon ako.

"Ano?" mahinang tanong ko para hindi kami makaistorbo sa mga taong nakikinig sa meeting.

"Good job. Congrats." Nakangiting bati ni Kiko.

"Thank you." Binati ko rin siya. "Congrats rin."

"May gusto ba kayong sabihin Yna at Kiko?" nagulat na lamang akong nasa harapan na namin si Carrie. Palipat-lipat ang tingin sa amin ni Kiko. Nakangiti siya kapag nakatingin sa akin pero nagdidilim naman kapag kay Kiko ang paningin.

"Tch. Wala. Ms. President." Mariing sagot ni Kiko na tila nang-aasar sa kaibigan. "Continue." Aniya habang sinesenyasan si Carrie na magpatuloy sa pagsasalita sa harapan.

"Okay, magpapatawag na lamang ulit ako ng meeting para sa mga susunod na event ng Pintado. Basta, maraming thank you talaga sa inyong lahat." Iyon ang naging pagtatapos ng meeting ni Carrie.

"Hay salamat tapos na rin." Rinig ko ang pagdighay ni Kiko bago tumayo sa kaninang pagkakaupo sa sahig.

Nagulat na lamang ako nang ilahad niya ang kanyang kamay sa akin.

"Ano yan?" tanong ko

"Kamay." Tinaasan ko siya ng kilay. "Tch. Tayo na."

"Psh. Thank you." Agad niya akong inalalayan sa pagkakatayo.

"Grabe sumakit yung pwet ko sa pag-upo sa sahig." Reklamo niya habang papalabas kami ng meeting room.

"Late ka kasi, kasalanan mo rin. Wala kang choice kung hindi umupo sa floor."

"Eh late ka rin naman." Aniya at nagtawanan nalang kami. "Uhm hindi ka ba inantok kanina? Grabe. Nakakaantok."

"Hindi nga halata eh? Hahaha! Eh bakit ka pa kasi pumunta? Akala ko ba volunteer ka lang?"

"Eh kung patayin ako ng babaeng yun?"

"Si Carrie?"

"Oo. Ganyang ka lang magreact kasi nga hindi mo pa siya lubusang kilala. Hahaha! Mapanakit yon."

"At ikaw kilala na kita ganun?" tanong ko. Napakunot naman siya ng noo.

"Ang pilosopo mo." Aniya at ngumuso.

"Mana sayo." Binigyan ko siya ng nang-aasar na ngiti.

"Wow so friends na tayo niyan?"

"Hindi." Bitin na sagot ko.

"Akala ko ba friends na tayo?" Tinaasan nya ko ng kilay.

Naupo ako sa bench na nasa may field at umupo rin siya sa tabi.

"Woi. Di ba friends na nga tayo?" pangungulit na tanong niya.

Their Chasing SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon