Chapter 29: Freshmen trip - Part Three

100 14 0
                                    

Yna's POV

Ilang minuto na ang lumipas nang umalis kami sa camp. Hindi ko alam kung anong lugar ang pupuntahan namin. Gusto ko man siyang tanungin pero kulang ang lakas ng loob na meron ako para basagin ang katahimikan sa pagitan namin. Tanging mga tunog ng kuliglig ang aking naririnig at maliban sa flashlight na dala niya ay tanging mga bituin lang sa langit ang nagsisilbing gabay sa daang tinatahak namin.

Malamig ang simoy ng hangin ngunit higit kong nararamdaman ang init sa pagkakahawak ni Zeke sa kamay ko. Gustuhin ko mang bitiwan ang kamay niya ay hindi ako makapag-isip ng tamang dahilan para bitiwan iyon. Bigla na lamang siyang kumalas sa magkahawak naming mga kamay at saka natigil sa paglalakad na naging dahilan rin ng paghinto ng aking mga paa.

"We're here." Sambit niya.

Napamangha ako sa gandang nakikita ko sa aking harapan. Akala ko ay mga bituin sa langit na ang pinakamagandang nakita ko ngayong gabi ngunit nang masilayan ko ang mga maliliit na nilalang na sa harapan ko ay talagang gusto kong magtatatalon sa tuwa. Binibigyan nila ng liwanag ang bawat parte ng ilog kung nasaan man kami.

"You like it?" nakangiting lumingon si Zeke sa akin at tango na lamang ang ganti ko sapagkat hindi ako makapagsalita sa sobrang pagkamangha. Hindi mahirap aninagin ang mga bagay sa paligid dahil nahihigitan ng liwanag ang dilim.

Lumipas ang ilang minuto na tinitignan ko lang ang mga ito bago magsalita. "They're beautiful." Ani ko habang ang paningin ay mga nasa maliliit na nilalang na iyon.

"It's not the peak season for firefly viewing, but we're lucky to witness such view tonight." Panimula ni Zeke. "The peak season for firefly watching in our country is around December to January at sa iilang lugar mo lamang sila makikita tulad na lamang nga mga ilog at sapa." Pagpapatuloy niya at nagulat na lamang ako nang ilahad niya ang kamay niya sa akin at agad naman akong napangiwi nang napagtanto kong nais niyang lumusong kami roon sa mababaw na bahagi ng ilog.

"What are you doing?" mataray kong tanong sa kanya. Pakiramdam ko kasi ay pagtitripan na naman niya ako.

"I'm taking you to the water." agad niyang tinanggal ang pares ng tsinelas ans uot niya saka lumusong sa mababang parte ng ilog. "Come here." Muli niyang nilahad ang kamay niya at seryoso siyang nais niyang lumusong rin ako roon.

"N-no, m-malamig ang tubig baka magkasakit pa tayo. Umahon ka na nga riyan!"

"Malamig lang naman ag tubig sa oras na lumusong ka pero mawawala rin yon kapag tumagal ka na."

"K-kahit na..." hindi ko alam kung ano pa ang pwede kong idahilan sa pamimilit niyang yon.

"Please." Pagmamakaawa niya.

"No."

"Pretty, pretty please." Aniya habang nagbi-beautiful eyes pa. Gusto kong matawa pero nais ko rin panindigan ang pagtanggi ko tungkol sa ideya niya. "Hmm?"

"F-fine! Ang kulit!" narinig ko ang mahinang pagsigaw niya nang dahil sa tuwa. Inilahad niya muli ang kanyang kamay para alalayan ako. "Kaya ko na. Hindi naman ako lampa." Ani ko, ngumiwi naman siya.

Agad kong tinanggal ang mga suot kong tsinelas at lumapit sa mismong gilid ng ilog. Marahan kong nilusong ang mga paa ko sa tubig at naramdaman ko agad ang lamig. Patuloy akong naglakad papunta sa gawi ni Zeke kung saan hanggang tuhod ang tubig. Mula rito ay mas nakikita ko ang ganda ng mga alitaptap na lumilipad sa ere. Ngunit hindi iyon nagtagal nang maramdaman kong may sumagi sa aking binti.

"Z-zeke?" halos pangunahan ako ng kaba nang tawagin siya.

"Are you okay?" tanong niya pero hindi ko magawang sumagot. Marahan siyang lumapit sa pwesto ko pero hindi nun nabawasan ang kaba ko. "What happened?" hindi ko na naman magawang magsalita nang muling maramdaman may gumalaw at sumagi sa aking binti. Bago ko pa man maramdaman ulit iyon ay mabilis kong sinubukang umahon. Nang makalapit na sa pampang ay bigla na lamang tumama ang paa ko sa bato dahilan para matumba ako sa tubig.

Their Chasing SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon