Ely's POV
Naalimpungatan ako nang biglang may kumatok sa bintana ng kotse ko.
Nakita ko si Gio na ngumingisi at nagmi-make face sa salamin ng kotse kaya agad kong binuksan ang bintana nito.
"Oh?" tanong ko habang kinusot-kusot ang mata.
"Anong oh? I-oh oh kaya kita diyan. Kanina ka pa namin tinatawagan."
"Hindi ko alam, hindi ko napansin."
"Teka, ba't dito ka natulog? Hindi ka man lang pumasok sa bahay niyo?"
"I forgot my keys."
"Oh eh di kumatok ka. Langya naman na utak 'yan."
"Stupid. Walang tao."
"Kahit ang Kuya at parents mo?" umiling ako.
My parents went abroad dahil may aasikasuhin raw silang business.
Levi went to an all-nighter for some freaking project.
"Kahit isa wala?"
"Walang tao sa bahay ngayon. Pinag day-off nila ng tatlong araw lahat maliban kay Manang but she's asleep."
"Asan ka ba kasi nagpunta? Puyat na puyat." Lumapit siya sa'kin at inamoy-amoy ako. "Maligo ka na nga. Amoy mapanghi ka na."
Binatukan ko siya. "Wow. Coming from you."
"May mga balahibo ka sa jacket mo. Ano to?" Turo niya sa mga puting balahibo na nasa jacket ko.
"K-Kay Summer 'yan."
"Bakit? Nagpa-blonde na ba si Summer? Uso na pala magpa-hair color sa mga aso?"
"Oo naman. Tignan mo ikaw nakapaghair color ka nga." natatawang sabi ko habang tinatanggal ang jacket ko.
Sumama naman ang tingin niya at ipinasok ang kamay niya sa bintana at binuksan ang pinto ng kotse mula sa loob. "Loko! Eh sinong inuto mo? Walang may puting balahibo sa mga aso mo. Umamin ka nga, sa'n ka nagpunta kagabi? Naku, wag mo sabihing nambabae ka?"
"Anong connection?" tinaasan ko siya ng kilay. "Do I look like one? I'm not like you."
"H-Hoy!"
"Oh tama na." Mabilis kong tinakpan ang bibig niya sabay baba ng kotse. "Pumasok na tayo sa loob."
Madaling araw na nang makauwi ako sa bahay. Nakapasok nga ako sa gate at nadatnang tulog yung guard pero hindi ko na siya ginising. Tinawagan ko rin si Manang Cely para pagbuksan ako ng pinto pero mukhang tulog na rin siya.
I didn't intend to stay late last night. Hindi ko rin akalaing nagawa ko siyang manmanan. I'm so stupid for being impulsive muntik na nila akong mahuli.
She's vigilant. I underestimated her.
"Oy, nakikinig ka bro?" Aniya habang kinakatok ang pinto. "Andito ba talaga si Manang?" bulong niya sa sarili.
"Ano ba 'yon?"
"Ang sabi ko maligo ka na at magbihis. Aalis tayo."
"And where?"
"Gago, manonood tayo para sa university meet. Maglalaro ang seniors."
"Is it today?"
"Ngayon ang practice game laban sa Southwest University. Gusto ni coach na manood tayo."
"Pass."
BINABASA MO ANG
Their Chasing Souls
Romans"I love how my life works, that is, until you chased me." Normality is her thing. She's dreaming of a simple life-in short, no complications. She's busy chasing her dreams. Pero paano kung biglang magbago ang lahat nang dahil sa mga bagay na hindi n...