Ely's POV
"Oh ang bilis naman natin, tapos na klase mo?" bungad na tanong ni Ash pagkarating ko ng gym. Tanging tango na lamang ang isinagot ko rito.
"Nasan yung dalawa?" tukoy ko naman kay Kiko at Gio.
"Ah may klase pa si Kiko hahabol na lang raw siya. Eh si Gio naman mukhang hindi makakapunta at hayon nagmamaktol dahil raw yung terror niyang prof eh pinagalitan na siya. Wala pang dalawang linggo nang magsimula ang klase at hayon ang loko nakahanap na ng katapat niya." Iiling-iling na kwento ni Ash.
Nagpaumuna na kaming pumasok sa loob ng gym at may mangilan ngilan na ring naroon na nag-aantay sa amin. Pati si coach ay naroon na rin at yung iba pang seniors naman ng basketball team.
Kami lamang ang narito sa gym at may mga mangilan ngilan rin namang estudyante, mukhang kakatapos lang ng PE ng mga iyon. Nang linugunin ko ulit ang team ay nakaupo ang lahat sa tatlong hilera ng benches kaya agad naman kaming nagtungo roon.
"Mabuti naman at nandito na kayo Garcia at Montemayor." bati ni Coach. "Maupo na kayo at magsisimula na rin tayo. Ang mga first year ay maupo rito sa unahan." Turo niya pa sa unang hilera kaya naupo na rin kami. Bago pa man nagsimula muling magsalita si Coach ay kakarating lang rin ni Kiko. "Late ka Gonzales. Umupo ka na."
"Pasensya na coach, kakatapos lang ng klase." Paliwang nito at tinanguan naman siya ni coach bago pa tumabi sa amin.
"Unang-una ay binabati ko ang lahat nang nakapasok sa team natin ngayong taon at inaasahan ko na gagawin niyo lahat ng makakaya niyo sa bawat ensayo at laro. Nais ko rin ipaalala sa mga seniors na kayo ang mangunguna sa pag-alalay sa akin para i-train pa ang mga bago nating miyembro sa team. Maasahan ko ba kayo?"
"Yes coach!" bigay na sigaw ng mga senior.
"Maraming salamat, ngayon naman mga first year ay ipapakilala ko sa inyo si Tristan, ang team captain ng team. Kung may kailangan kayo o kaya nais ninyo ng tulong sa pagensayo ay wag kayong mahiyang sabihan kami. Maliwanag?"
"Yes Coach!" sagot naman naming mga first year.
Ipinakilala pa ni Coach isa isa kaming mga first year sa lahat ng miyembro ng team.
"Nasan si Perez?" tanong nito nang mapansin na wala si Gio pagkatapos magpakilala ng lahat.
"Hindi raw po siya makakapunta coach kasi napagalitan ng terror prof niya."
"Tignan mo nga naman talaga si Perez at hanggang ngayon ay sakit sa ulo ng mga guro niya." nagtawanan naman kaming tatlo sa sinabing iyon ni coach.
Pagkatapos nun ay nagkaroon rin ng mahabang anunsiyo si coach patungkol sa mga schedule ng ensayo, mga paparating na laro at kung anu-ano pa.
Panay ang sulyap ko sa aking relos at hindi ko namalayang kanina pa akong tinatawag ni Kiko.
"May lakad ka ba?" inosenteng tanong niya.
"W-wala naman." Tipid kong sagot rito.
"Kanina ka pa kasi hindi mapakali."
"Psh. Ikaw tong late at mas kailangan nito." Turo ko pa sa relos ko.
"Oo na kaw na most punctual." Ngumiwi naman ito saka tumawa.
Pagkadismiss mismo ni coach ay agad akong lumabas ng gym.
"Oy Rigel.." rinig ko pang tawag ni Ash kaya napalingon naman ako.
"B-bakit?" utal kong naitanong nang lumapit pa ito sakin na kasama si Kiko.
"Mukhang nagmamadali ka eh." Nginiwian pa ako nito bago inakbayan. "Magfo-food trip kami ni Kiko.. sama ka?"
BINABASA MO ANG
Their Chasing Souls
Romance"I love how my life works, that is, until you chased me." Normality is her thing. She's dreaming of a simple life-in short, no complications. She's busy chasing her dreams. Pero paano kung biglang magbago ang lahat nang dahil sa mga bagay na hindi n...