Chapter 17: Glimpse of the past

215 15 2
                                    

Gio's POV

Pumasok ako sa Café Avenue at agad ko namang hinanap si Rigel.

Nung una ay hindi ko pa siya makita. Naupo ako sa isang bakanteng table at agad naman akong nilapitan ng isang waitress.

"Good morning sir. Welcome to Café Avenue." Bati nung waitress sa akin. "May I take your order sir?"

"Ah eh." Kunwari kong tinignan ang menu at namili nalang ng kung anu anong inumin. "Ito nalang." Turo ko sa picture nung frappe.

"One large choco almond sir?" tanong niya at tinanguan ko naman siya. "Please wait for your order sir, thank you." At saka naman siya bumalik sa counter.

Luminga linga pa ako sa paligid pero hindi ko pa rin siya makita.

Maya-maya pa ay..

"Large choco almond." Nagulat akong tinignan kung sinong naglagay ng order ko sa mesa!

Rigel!

"A-anong—"

"Bakit mo ba kasi ako sinundan?" aniya saka siya umupo sa harap ko!

"T-teka teka, ano yang suot mo?!" gulat pa ring tanong ko at ang isang kamay at nakatakip pa sa aking bibig.

"Uniform." Malamyang sagot niya.

"Oo alam kong uniform yan! Ang ibig kong sabihin bakit mo suot yan?! Anong ginagawa mo rito?!"

"Pupunta punta ka rito at nakita mo akong suot ko to." Turo niya sa uniform. "Tas tatanungin mo ako anong ginagawa ko rito? Why are you even following me?" salubong ang kilay niya nang sinabi yon.

"T-teka lang." kunwaring seryosong nag-iisip pa ako at saka yumuko.

"O-oy okay ka lang ba? "

"Ka-kailangan kong—"

"A-ano? Hey, are you okay? T-tubig g-gusto mo?!" rinig ko pa sa tono niya ang pag-aalala.

"K-kailangan—"

"A-ano ba kasi yon ha??!"

Unti-unti kong iniangat ang ulo ko. At kitang kita ko sa mata niya ang pag-aalala at kaba.

Paksheet hindi ko na kaya!

"Kailangan ko nang matawa!.... WAHAHAHAHAHA! Paksheeet pare mukha kang tanga sa suot mo! Never ko naimagine na magsusuot ka ng ganyan!" walang tigil kong tawa habang at naipikit pa ang aking mga mata. Nakahawak sa bibig kko ang kaliwang kamay at haplos naman ng kabila ang tiyan ko.

"Stupid, uniform to. Tumahimik ka nga. "

"Oo nga uniform, pero ano? Naghihirap ka na ba at nagtatrabaho ka na rito?"

"Oo."

Tumigil ako sa kakatawa at gulat akong napatingin sa kanya.

Anong sinasabi niyang naghihirap na siya?!

"T-totoo?" usal ko na para bang hindi makapaniwala.

"Tch." mahinang tugon niya. "Tingin mo ba makakalamon ka ng ganun sa bahay kung naghihirap nako? Are you even thinking" Inis niya namng sabi pa saka suminghal.

"Oh eh bakit ka nga­­ nandito?" ulit ko pang tanong pero hindi niya ako sinagot at saka naman siya tumayo.

"Mamaya na tayo mag-usap may trabaho pa ako." Aniya saka nagtungo sa may counter.

Their Chasing SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon