Yna's POV
Nang magpaalam si Ely sa banyo ay agad ko nang inihanda ang mga libro na gagamitin namin mamaya.
Pagkatapos isalampak lahat ng mga libro sa study table ay iginala ko ang aking paningin sa kabuuan ng kwarto ni Ely. Kahit na lagi kaming nagpupunta sa bahay nila simula pagkabata, ni minsan ay hindi ako nakapasok sa kwarto niya. Talagang namamahanga ako sa itsura nito.
Malaki ang kwarto niya, higit na malaki sa kwarto ko. May sariling sala ito na may malaking sofa at TV. Meron ring maliit na ref na siguro ay kasing taas ng kalahating katawan ko. May isang mahabang bookshelf rin siya na naka angat at nakadikit sa pader. At talagang mamamangha ka sa sobrang daming libro. May mga academic books at meron rin namang mga komiks at magazines. Nakaayos ito sa paraang magkakahiwalay ang mga libro depende sa mga paksa. Ang kama niya naman ay napakalaki. Mukhang king size bed ang laki nito. Meron ring veranda sa labas ng kwarto nito ngunit nakasara kaya hindi ko na inabalang puntahan iyon.
Kapag napunta ka sa kwarto niya ay makikita mo kung gaano siya kalinis na tao. Kung ikukumpara kasi sa mga kwarto ng kapatid ko at mga pinsang lalake ay talagang napakaayos nito. Mukhang hindi mo kakikitaan ng alikabok. Puti ang kulay ng bawat sulok ng kwarto at talaga namang nakadadag ito sa pagiging maaliwalas ng kapaligiran. Idadagdag mo pa yung mga indoor plants na nasa kwarto niya. Nakakatulong sa masarap na pakiramdam na animo'y preskong presko kang nakakalanghap ng sariwang hangin kahit na sarado pa ang buong kwarto.
Iginala ko pa ang paningin at nakita ko ang isang blue teddy bear na nasa sulok lang ng mesa na katabi ng kama niya.
Tch. Akalain mong mahilig rin pala sa teddy bear ang mokong. Bading.
Muli ko ulit iginala ang paningin sa iba pang parte ng kwarto at talaga namang nag-enjoy ako. Nang mapagod ay agad naman akong naupo sa kama niyang pagkalambot lambot.
Nako, hindi ako pwedeng makampante nang ganito. Kwarto pa rin ng lalake to. Ba't ba kasi ang tagal niya?! Kanina pa siya naliligo.
At dahil sa sobrang tagal niya ay kinuha ko ang dala kong mp3 at isinalpak ang earphones sa tainga ko saka nakinig ng mga kanta. Nang makalipas ang higit sa sampung minutong walang lumabas sa banyo ay nagpasya na akong katukin siya.
Anong oras na at wala pa rin siya. Pambihira!
Agad akong tumayo at nagpunta sa may gawing banyo ngunit hindi pa man ako nakakalapit ay agad niya akong sinalubong sa hindi inaasahang paraan.
Gulat rin siyang tinignan ako ngunit ang aking paningin ay umaakyat-baba sa kabuuan ng kanyang katawan. Hindi ko namalayang ginalugad ng mga mata ko ang kabuuan niyang yon. At doon ko na lamang napagtanto na hindi kanais nais ang sitwasyon.
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHH!" sigaw ko at saka ipinikit ang mga mata at nang hindi pa at tinakpan ko pa ng mga kamay ang mga mata.
"George, hey stop ano ba!" sigaw niya
"Wag mo akong mastop.. stop. P-please." Sabat ko habang nakapikit pa rin ang mga mata.
"W-wag kang tumingin. Hey ano ba.!" Inis na niyang sigaw pa
"Hindi ako n-nakatingin sayo a-ang kapal mo!"
"Then stop peeping with your eyes!"
"No I'm not!" sabi ko kahit ang totoo ay hindi maiwasan ng mga mata kong sumilip sa pagitan ng mga daliri kong nakatakip sa mga mata ko.
Ughh! Sh*t, ba't ba kusang naglalayag tong mga mata ko!
"Really?!"
"Y-yes. J-just wear you clothes-
BINABASA MO ANG
Their Chasing Souls
Любовные романы"I love how my life works, that is, until you chased me." Normality is her thing. She's dreaming of a simple life-in short, no complications. She's busy chasing her dreams. Pero paano kung biglang magbago ang lahat nang dahil sa mga bagay na hindi n...