Yna's POV
NAGPUNTA nga sila Luna at Gabby sa bahay para mag-sleepover. Puro panonood ng movies, pagkain, board games at chikahan ang ginawa namin buong gabi.
Panay ang kulit ni Gabby, natutuwa ako sa karakter niya. Madaldal pero mabait. Siya yata ang lalaking bersyon ni Luna.
Naikwento rin ni Luna na nasabi niya kay Gabby ang tungkol sa amin ni Zeke. Pero kahit naman raw hindi ikwento ni Luna ay updated sa lahat ng bagay si Gabby. Mapagkakatiwalaan naman raw namin siya at sang-ayon naman ako sa sinabi niya. Kaibigan ko na rin si Gabby at napakabait nito sa'kin.
Pagkatapos namin magsaya ay napagpasyahan na naming matulog na. Nasa guest room si Gabby at si Luna naman ay matutulog sa kwarto ko.
Imbes na matulog ay hindi ko magawang ipikit kahit saglit ang mga mata ko. Paano'y panay ang kwento at tanong ni Luna. Naikwento ko tuloy lahat ng pangyayari noong nasa camp kami, maliban sa mga nakilala kong kahina-hinalang mga tao.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila maalis sa isip ko. Binabagabag ako ng pagkakakilanlan nila lalo na yung taong nagligtas sa'kin na isang kasamahan rin nila. Batid kong kilala niya ako sa paraan ng kanyang pagsasalita. Pamilyar rin ang kanyang boses pero hindi ko talaga maalala saan ko 'yon narinig.
Patuloy ang mga tanong ni Luna. Nakakapagod pero nakakaaliw ang mga hirit niya. Talagang maaaliw ka kapag siya na ang nagsasalita. At dahil sa pangungulit nito ay naikwento ko na rin sa kanya ang pag-amin ni Ely. Pati na rin yung mga nangyari nung mga nakaraang linggo
"Omgggg! Ibig sabihin sinabi niya talagang may gusto siya sayo?"
"Paulit-ulit?"
"Isa pa, gusto ko ulit marinig." aniya at inalog-alog pa ang katawan ko.
"Wow abusado?" tinapik ko ang kamay niyang nakahawak sa balikat ko.
"Napakadamot ah. Nako! Team Ely talaga ako noon pa man!"
"Anong noon pa man?" Nagtataka kong tanong.
"Gaga, matagal ko nang alam na may gusto siya sayo. Actually lahat kami. Ikaw lang 'tong slow."
"Kami? Bilib na talaga ako sa imahinasyon mo."
"Alam mo, sagutin mo na kaya si Ely?"
"Ha? Nanliligaw ba siya?" Nasapo ni Luna ang noo niya.
"Hindi nga? Seryoso?"
"Na?"
"Hindi pa ba siya nanliligaw?" Umiling naman ako. "Kung sa bagay, kailangan pa ba no'n?"
"Ha? Ano akala mo sa'kin easy to get? Oo na agad gano'n?!"
"Eh di ba gusto mo naman siya?" Hindi ako nakasagot. Pero mukhang tanga naman akong napa-isip sa tanong ni Luna.
Bakit ba ako napapa-isip? Mali. Hindi ko dapat iniisip.
"Matulog na tayo." agad akong tumagilid at tinalikuran si Luna.
"Ay affected? Nagtatanong lang naman." Umusog pa siya sa tabi ko at bumulong sa tainga ko. "So gusto mo na nga?" hindi pa rin ako sumagot. Naramdaman ko naman siyang napaupo sa kama at narinig ko pa itong pumalakpak.
"Finally! Thank you Lord! Nakamove-on na ang kaibigan kong martyr." malakas niyang sigaw dahilan para ako naman ang bumangon at naupo.
"Napakaingay mo. Natutulog na ang mga tao. Hindi soundproof 'tong kwarto ko. Baka marinig ka ni Kuya."
BINABASA MO ANG
Their Chasing Souls
Romance"I love how my life works, that is, until you chased me." Normality is her thing. She's dreaming of a simple life-in short, no complications. She's busy chasing her dreams. Pero paano kung biglang magbago ang lahat nang dahil sa mga bagay na hindi n...