Day 4 - Intelligence is My Greatest Weakness!

70 22 80
                                    


Bakit ba hindi sila nakikinig sa mga paliwanag ko? Hindi naman ako gumagawa ng excuse, nagsasabi lang naman ako ng totoo. Ano kaya problema ng Sandra na 'yon at ayaw niya sa akin? Pero first time sa feeling ko na nahawakan ko yung malambot na parte ni Claudy. Dahil sa mga nangyari noong una, hindi na nagpaawat si Sandra sa akin kaya araw-araw na niya akong sinusundan sa bawat yapak ko sa bahay. Wala pa nga akong ginagawa, nag-isip agad siya na nang masama. Natatakot na ako kapag nakita ko siya na may hawak na walis tambo at bigla na lang niya ako hahabulin.

"Bakit mo ba ako sinusundan?" Tanong ko sa kaniya pagkatapos mapagod sa kakatakbo.

"Gusto ko eh! Naniniguro lang na wala kang ulit gagawin na kalokohan." Sabi niya na may pagkainis sa akin. 

Ano bang meron sa kaniya? Trinatrato niya ako na parang isang mortal enemy. Ganyan ba talaga lahat ng babae ngayon? Lahat ng mga childhood dreams ko nawasak dahil sa kaniya.

"Hello!" May bumati sa amin sa tanghaling tapat. Nandito kami ni Sandra sa may courtyard. Nagpapahangin pagkatapos lahat ng away namin kanina. "Magandang hapon sa inyo!" Nerbyos na bati niya sa amin at hawak pa niya ang sariling kamay.

"Ikaw yung highschooler 'di ba?" tanong ko sa kaniya. Sa small figure at itsura niyang bata, exactly na highschooler nga siya.

"Ano meron?" tanong ni Sandra habang hawak niya ang walis tambo patalikod sa kaniya.

"Ako pala si Vanessa Evans. Um... K-Kung pwede po sana..." hindi siya makatingin sa aming dalawa. "Pwede po ba akong turuan sa Math?" 

"Huh?!" Nagulat si Sandy dahil hindi siya makapaniwala na lalapitan ako ni Vanessa, pagkatapos ng mga nangyari.

"Kung pang-highschool na Math, sige turuan kita." Ngiting sabi ko habang nangangamot ng ulo.

⳾*⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*⳾

And so, tinulungan ko si Vanessa na turuan siya ng mga lessons sa Math. Ang part na nahirapan siya ay ang pag-solve ng mga functions at substitution. Ginalingan kong magturo sa kanya dahil ayoko mapahiya. Buti na lang nga at naalala ko pa ito dahil yung Math namin nung highschool ay naging specialty ko pero hindi ko alam kung ano na nangyare sa akin ngayon. Napansin ko na habang ako'y nagtuturo, nakatingin siya sa akin na parang pinagmamasdan niya akong magturo. She seems fine sa pagtuturo ko.

"I-substitute mo lang itong values sa X and Y at makukuha mo na agad yung sagot."

"Wow! Ang galing mo naman! Thank you!" Masayang sabi niya sa akin. Buti na lang at nakatulong ako sa kaniya.

"No worries, hehehe... Tinuro ko lang kung ano ang nalalaman ko." Mabuti na lang talaga at hindi ako napahiya sa kaniya. Hindi ako makapaniwala na nagawa ko iyon.

"Oo nga pala! Gumawa ako ng cookies, pwede mong tikman kung gusto mo." nilabas niya yung cookies at nakalagay ito sa isang mangkok. Mukhang okay ito sa tingin palang.

"Wow! Talaga para sa akin?" Kumuha ako ng cookies at tinikman ko ito. Bawat tikim ko sa cookies niya, masaya ang taste buds ko dahil sa sobrang sarap.

"Ang sarap!"

"Talaga? Buti na lang! Ngayon ko lang kase natutunan kung paano ito gawin. Buti na lang at nagustuhan mo!" Ngiting sabi niya at namumutla pa ang mga pisngi niya dahil sa sobrang saya.

Ang cute niya! Super cute niya! Bakit ako nasisiyahan sa isang highschooler...?

"Ahem!"

"Ahem! Ahem!"

Biglang sumabat si Sandy sa likod ko, at pinagpapalo niya ng walis tambo ng aking ulo. Naumayan ako dahil nandito na naman siya para sirain ang magandang nangyayari sa amin ni Vanessa.

"Anong balak mo bang gawin?" Natanong ko sa kaniya na may halong inis.

"Binabantayan lang kita! Baka kung ano pang gawin mo, eh!" Sungit naman nitong sabi. "Ayoko na gagawa ka ng kalokohan kay Vanessa, lalo na't magkasama lang kayo dito!"

"Ano bang sinasabi mo? Wala naman akong ginagawang masama!" Hirit ko sa kanya. Hindi ko na matiis ang mga binibintang niya sa akin.

"Anong wala?! Marami ka na ginawang kalokohan!"

"Ate Sandy! Tinulungan niya lang talaga ako sa Math. Wala po siyang ginawang masama sa akin kanina." Pakiusap ni Vanessa sa kanya. Buti nalang nandito siya, at napakalma niya ang bulyaw ng dragon ito.

"Hmmph! Bakit hindi mo rin kaya ako turuan?" 

"Huh?!"

"Heto..." May nilabas siyang isang libro at pinakita niya sa akin. "Bakit hindi mo kaya ako turuan dito?" First time niyang nanghingi ng tulong sa akin. Pero hindi siya galit! Wait... Parang pamilyar sa akin itong libro...

"HUH?! Dhalia U Study Guide?!" Laking gulat ko na ang hawak niyang libro, ay gamit ko noong nag-aaral ako para sa entrance exams. Hindi ako makapaniwala na may copy rin siyang ganon. Halos hindi ko nga maintindihan ang mga lessons dyan.

"Anong meron? Kung taga-Dhalia U ka talaga, madali lang para sa'yo ito 'di ba?" Sabi niya sa akin na parang gusto niya akong hamunin. 

"Wha-"

Hindi ko alam kung anong gagawin. Nakatingin sa akin si Sandy, mas lalo naman si Vanessa. Naniwala siya sa akin na alam ko ang lahat dahil nag-aaral ako sa Dhalia U. Wait... Naniwala talaga sila na taga-Dhalia U ako. Gagamitin ko itong chance para sabihin ang totoo na hindi talaga ako magaling. Tutal, ayoko naman din magsinungaling sa kanila. Binuklat ko ang libro at binasa ko ang tanong. Ewan ko basta hulaan ko na lang.

"Ang sagot sa number one ay 3, sa number two naman ay 2. Number three naman ay 4 at number four ay 1." Sabi ko na may pagkamayabang at ibinigay ko ito kay Sandra. Tinignan niya ang libro kung tama ba ang sagot ko.

"Grabe... nakuha mo ang tamang sagot..."

"Wow! Ang galing mo Kuya Romeo!"

Tumama pa yung hula ko?! Feeling ko ata mahihimatay ako. Parang gusto kong ihampas sa pader ang ulo ko.

"Teka lang!!"

"Grabe... parang hindi mo binasa yung mga tanong..." 

"Ang talino mo talaga! Pwede ba kita maging teacher?" Pakiusap ni Vanessa habang kumikinang ang mga mata niya. Napanganga rin si Sandra dahil nakuha ko nga ang tamang sagot.

"Bakit ka ba nahihiya? Alam mo bang krimen ang pag-hit mo sa mga highschooler?" Ack! Nandito na naman yung babae at nakatutok sa leeg ko ang espada niya. Kailan ba siya nakarating dito? Nandito rin si Claudy at nakatutok ang mga mata niya sa akin.

"S-Sorry..."

"Natalo ka, Sandy?" Asar na tanong ni Claudy sa kaniya. Hindi talaga mapigilan ni Sandra na mainis dahil hindi niya matanggap na talo siya. Pero oo nga, it seems na ngayong araw, natalo ko sa isang laban si Sandra sa unang pagkakataon.

"Manahimik ka nga diyan!!" Inis na sabi niya dahil hindi siya makapaniwala na naisahan ko siya roon.

Love Under Carolyn's DormitoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon