Diary Entry #3 ~ Brianna's Tiny Problem! ~

17 6 11
                                    

How to be a great woman with a feminine side?

Lesson 1 - How to wear a cute outfit?

"Charan! Mini skirt Brianna!" Sigaw ni Claudy nang tinulak niya si Brianna palabas ng kaniyang kwarto.

Nakasuot si Brianna ng school uniform na may mini skirt na kulay pink. Naka-twin tailed ang kaniyang buhok, at nararamdaman ni Brianna na hindi siya komportable sa suot niya. Gulat silang lahat ngunit si Romeo naman ay napaubo sa nakita niya.

"Marami ka pang matututunan..." Tawang sabi ni Claudy.

"HIndi maganda to, Claudy! Ayoko rin ng hairstyle na ito! Mas matangkad ako kaysa sa usual na height. Hindi babagay sa akin itong suot na to at nilalamig yung dibdib ko na parang wala akong suot..." Hiyang sabi ni Brianna at parang nalabas na ang kaniyang feminine side.

"Wala namang problema na suoting mo iyan! Ano sa palagay mo, Romeo?" Tanong ni Claudy nang tumitig siya sa lalake. Kinabahan si Romeo dahil nakatitig din si Brianna sa kaniya.

"Cute! A-Ang cute mo diyan!"

"Ano?!" Hiyang tanong niya na may pagkasigaw. Sa sobrang hiya niya ay kinuha niya ang kaniyang espada at hinabol niya si Romeo.

"PAANO KO BA MATITIIS NA TAWAGIN MO AKONG CUTE?!!!" Sigaw niya habang hinahabol niya ang lalake.

"WAAAAAAAAAAA...!"

"Brianna! Tandaan mo! Umarte ka na parang babae!!" Sigaw ni Sandy sa tabi.

‧̍̊·̊‧̥°̩̥˚̩̩̥͙°̩̥‧̥·̊‧̍̊ ♡ °̩̥˚̩̩̥͙°̩̥ ·͙*̩̩͙˚̩̥̩̥*̩̩̥͙·̩̩̥͙*̩̩̥͙˚̩̥̩̥*̩̩͙‧͙ °̩̥˚̩̩̥͙°̩̥ ♡ ‧̍̊·̊‧̥°̩̥˚̩̩̥͙°̩̥‧̥·̊‧̍̊

Lesson 2 - How to wake up big brother for a little sister?

Nasa main veranda silang lahat ng hotel na tuloy pa rin ang kanilang lessons para kay Brianna. Hanggang ngayon, hindi pa rin tinanggal ni Brianna ang kaniyang suot para sabihin na hindi pa siya sumusuko sa challenge. Si Naomi ang nagfa-facilitate ng kaniyang lessons habang ang iba naman ay judges.

"Brianna, ito ang sasabihin mo sa kaniya. 'Kuya, gising na kase male-late ka sa school. Kapag hindi ka pa gumising, lalamig ang mga pancakes'. Ganon, ha?" Cute na sabi ni Naomi sa kanilang lahat. Dahil doon, nag usap-usap ang mga audience kung magagawa ba ni Brianna ang ipinapagawa sa kaniya.

Tumingin si Brianna kay Romeo at sa mukha palang ay hindi na mala-little sister ang kaniyang acting. Hindi niya maibuka ang bibig niya dahil sa sobrang hiya.

"K-Kuya... G-gi...sing... na kase ma... ma..."

Biglang nag-snap si Brianna at nilabas niya ang kaniyang wooden sword.

"Mamatay ka na ngayon!!" Sigaw niya at hinampas niya ito sa ulo ng lalake.

"Waa!!"

"Boo! Bagsak ka!" Sungit na sabi ni Naomi sa kaniya habang si Romeo naman ay parang wala nang malay.

"Sabi ko nga sayo, hindi ko kayang gawin ito!"

‧̍̊·̊‧̥°̩̥˚̩̩̥͙°̩̥‧̥·̊‧̍̊ ♡ °̩̥˚̩̩̥͙°̩̥ ·͙*̩̩͙˚̩̥̩̥*̩̩̥͙·̩̩̥͙*̩̩̥͙˚̩̥̩̥*̩̩͙‧͙ °̩̥˚̩̩̥͙°̩̥ ♡ ‧̍̊·̊‧̥°̩̥˚̩̩̥͙°̩̥‧̥·̊‧̍̊

Lesson 3 - How to cook for a guy?

Sinamahan ni Vanessa si Brianna sa kitchen para sa susunod na lesson. May balak din kase si Brianna na maghanda ng marienda para sa kanila kaya pwede rin itong oras para turuan siya kung paano magluto. 

Love Under Carolyn's DormitoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon