Memory #29: ~ Colorful and the Ultra-Romantic Ending Part II! ~

12 1 0
                                    


"May magnanakaw sa loob ng hotel! Ninakaw niya ang wedding veil ng bride!!!"

Narinig ni Sally ang sigaw na iyon na nagmumula sa hotel. Ibig sabihin iyon ay hinahanap na siya ng mga residente dahil siya ang kumuha ng veil. Natakot siya nang sobra, habang si Romeo naman ay walang ideya kung anong nangyayari.

"Waaaahh!!!! Anong gagawin ko?!!!! Paano nangyari kasi ito!!" Nataranta na talaga si Sally at gusto na niyang maiyak.

Nagkaroon ng light bulb si Romeo, para matulungan niya ang batang babae. Nang nakaisip na siya ng paraan, dali-dali niyang binuksan ang kaniyang van.

"Dali! Pumasok ka sa loob ng van!" Sigaw ni Romeo at tinulak niya si Sally sa loob ng van.

"Waaaah!! Sino ka?!!!" Tanong ni Sally, dahil nataranta siya sa biglang pagtulak ni Romeo sa kaniya sa van. Hindi naman niya kilala ang lalaking iyon. Pero okay na rin sa kaniya, basta makatakas siya. Bumuntong-hininga siya sa kaniyang upuan, pero iniisip na sa tingin niya ay malas siya.

Hays... Sabi ko na nga ba at hindi ako magiging masaya... Biglaan, pinagkamalan nila ako isang veil-stealing thief... At ngayon ay kinidnap ako ng isang weirdo... Bakit ganoon ang buhay ko...

Hindi namalayan ni Sally na nakatulog na pala siya sa kaniyang upuan, habang umaandar ang kotse.

჻ღཾཿ༉ ༘჻ღཾཿ༉ ༘჻ღཾཿ༉ ༘჻ღཾཿ

Malamig pero mainit ang nararamdaman ni Sally. May naririnig siyang tunog ng mga alon ng dagat. Dinilat niya ang kaniyang mga mata, at napansin niya na siya'y nakahiga. May firewood na nagbabaga sa kaniyang tabi, para hindi siya lamigan. Kinuha niya ang kaniyang salamin, at inalala niya kung anong nangyari.

"Nasaan ako? Naalala ko na kinuha ko ang veil... at kinidnap ako ng isang tao..."

Nagulat siya dahil nakita niya si Romeo na naghuhukay. Nataranta siya dahil baka ililibing siya nang buhay, ng isang gangster! Baka ito na ang katapusan ng buhay niya!

"Eh? Nagising ka na?" Hingal na tanong ni Romeo, habang pinupunasan niya ang kaniyang pawis. "Sorry! Sorry! I thought the stratigraphy of this area looked really interesting..." Humarap si Romeo sa kaniya, at kinuha niya ang isang bagay mula sa kaniyang hinukay.

Sino kang lalaki ka?!

"Ahh? Sabi ko na nga ba! Ang ganda ng pottery artifact na ito! Tignan mo!" Sigaw ni Romeo, at itinaas niya ang lumang pot. Nakikita ni Sally sa kaniyang mga mata na parang mukha siyang bata. Gusto niyang itanong kung anong nangyayari...

"Uh... Umm..."

"Nakita ko na tumakbo ka kanina... Anong nangyari sa'yo?" Tanong sa kaniya ni Romeo na may pagkamahinahon na boses.

"Ah... Yeah! Actually g-gusto kong tumira sa girls' dorm na iyon na tawag nila ay Carolyn's Dormitory... Pero lahat ng tao roon ay mga magagandang babae... Mayroon din mangyayaring kasal bukas at lahat ng bagay ay sobrang ganda... Kaya sinubukan kong isuot ang wedding veil..." Paliwanag ni Sally na parang kinakabahan pa siya. Napansin niya na inamin niya kay Romeo ang kaniyang nararamdaman.

"Yaaaahh!! Ano po bang sinasabi ko?! Ang totoo po iyan... Hindi ko po sinasadya na nakawin ang veril! Gusto ko lang po isuot parang ginagawa ng bride... Hays... Lagi po akong ganito... Every time na gusto kong gumawa ng isang bagay... Nagiging disaster or failure... At sa huli, gumagawa ako ng gulo sa kanila... kaya..."

Napansin ni Sally na naghuhukay pa rin si Romeo ng lupa. Nag-open up siya sa isang stranger na hindi niya kilala, pero mukhang hindi siya nakinig sa kaniya.

Love Under Carolyn's DormitoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon