Day 19 - Happy or Unhappy?!

23 9 28
                                    

"Nakauwi na kami!!"

"Oh, nakauwi na pala kayo! Kamusta ang unang araw ng exams?" Masayang tanong ni Claudy habang paparating na rin ang iba para salubungin sila.

Hindi nakasagot nang maayos si Romeo at nakita nila na sobrang haggard ng mukha niya.

"Tingin ko alam ko na ang sagot sa pagkita ko palang sa'yo." nawala agad excitement niya.

"Hindi naman sa masama, hindi naging maganda yung nangyare sa English, History at Mathematics... Pero ayung tatlong subjects lang." Masayang sabi niya habang kinakamot ang ulo niya.

"Hindi ba't ayung tatlo lang ang subjects sa exam?" sabat ni Sandy habang tinatanggal ang kaniyang sapatos.

"Well, naubusan ako ng oras at umasa na lang ako sa stock knowledge sa buong exam." Depressed na sabi niya dahil sa sobrang pagod.

"Hindi mo ba ginalingan sa exam?" Tanong ni Vanessa.

"Hindi!! Promise!! Gagalingan ko talaga bukas kaya 'wag kang mag alala sa akin!!!" Biglang sabi ni Romeo sa kaniya para hindi niya mahalata na hindi talaga maganda ang nangyare sa exam.

"Ah... O-Okay!!"

"Mabagal lang talaga ang umpisa ko ngayon pero tutulakin din ako ng swerte balang araw!" Sabi niya at tinatapik niya ang braso ni Sandy.

"Tatlong beses ka na nag-take ng exam. Kailan ka bang tutulakin ng swerte mo ngayon?"

⳾*⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*⳾

THE NEXT DAY

Natapos na rin ang pangalawang araw ng comprehensive exams nila. Umunat si Sandy dahil sa sobrang ngawit niya kanina sa exams. Wala naman siyang proproblemahin dahil nasagot naman niya nang tama mostly ang mga tanong. Inaalala niya si Romeo kung wala ba siyang problema sa exams.

Alright! Natapos na rin ang exams... Sana okay lang ngayon si Romeo.

"Kiyaaa?!!"

Nakita niya si Romeo sa may sulok na sobrang drained at parang naninilaw ang mukha dahil sa sobrang stress. Pinuntahan niya ito at hindi niyang mapigilan na mag-alala sa kaniya.

"Bakit ka naninilaw!?" Sabi niya habang niyuyugyog niya si Romeo.

"Tapos na.... Wala akong confidence sa mga sagot ko sa exam! Nahirapan talaga ako sa language at Biology kaya alam ko na babagsak talaga ako! Hindi ko kayang harapin si Vanessa ngayon! Ano na ba gagawin ko! Gusto ko na mamatay!!" Sigaw niya dahil sa sobrang stress.

"Hoy!!! Tumigil ka nga diyan!! Hindi mo pa nga na-chcheck yung scores mo, hindi mo ba naiintindihan? Tapos na kung tapos na kaya pwede ka namang kumalma." Pinagsabihan niya si Romeo at napakalma niya ito.

"O-Oo nga pala..."

"Wait... alam ko ngayong year mas madali na yung exams kaysa last year kaya mataas na rin ang passing mark ngayon."

"Aaahh..! Sabi ko na nga ba!!!" Nagwala na talaga ang diwa ni Romeo dahil sa sobrang pag-aalala sa scores niya.

⳾*⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*⳾

Nang nakauwi na sila sa hotel, hindi na nagsalita si Romeo sa kanilang lahat tungkol sa nangyare sa exams. Dumiretso na lang siyang papasok ng kwarto niya habang tumatawa sa kaniyang sarili at biglang nanahimik ang lahat.

"Magiging okay ba siya?" tanong ni Claudy kay Sandy. " Alam mo ba ang scores na nakuha niya ngayon? Ano ba meron sa exam ngayon?"

"Ang mga scores kase ay nag-dedetermine kung makaka-apply ka ba sa entrance exam ng university na gusto mong pasukin. Itong exam na ito ay ang unang process. Ang susunod naman na process ay ang college entrance exam."

Love Under Carolyn's DormitoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon