Day 18 - Go! Go! Entrance Exam!

20 9 20
                                    

One Day Ago...

"Okay! Last Question. Sino ang 4th president ng United States of America?" tanong ni Vanessa kila Romeo at Sandy dahil nag-rereview sila para sa initial exams.

"Hmm... James Madison." Sagot ni Romeo na kabadong-kabado pa.

"James Madison." Kalmang sagot ni Sandy.

"Tama ang inyong sagot."

"Oh~" Nagulat silang lahat dahil nakukuha na ni Romeo ang mga tamang sagot.

"Nakuha ni Sandy lahat ng tamang sagot at si Romeo naman ay nakakuha over 70% ng scores. Hindi na magiging problema sa inyo ang initial exam." Tugon ni Claudy sa kanila.

Hindi makapaniwala si Romeo dahil tama ang mga nasagot niya at pakiramdam niya na makakapasa siya.

"Totoo ba ito? Ang taas naman ng score ko! Oo nga pala! Napasa ko na rin ang initial exam last year."

"Huh-----?!" Sigaw nilang lahat dahil sa sobrang gulat.

"Kapag nakapasa sa initial exams ibig sabihin ma-memeet mo ang standards ng school, 'di ba?" Tanong ni Brianna habang kumukunot ang noo niya.

"Oo. Multiple choice lahat iyon, eh." Ngiting sabi naman niya.

"Grabe ang dali mo namang sabihin iyan..."

"Siguro dahil ginamit ko ang swerte ko para sa initial exams. Pagkatapos hindi makapasa sa pangalawang beses, nakabahala talaga ako sa swerte..." Sabi niya habang tumitingin siya sa may bintana. Para siyang lumulutang sa langit dahil sa sobrang saya. "Pagkatapos, unti-unting bumabagsak ang grades ko, pagdating ng oras...."

"Ang lungkot talaga ng buhay niya, noh? Pero dahil dito, hindi magiging problema sa inyo ang initials. Who knows? Malay ninyo magkasama kayong papasok sa Dhalia U next year!" Ngiting sabi ni Claudy na parang isa siyang astig na babae.

"Ang astig mo naman ate!" Masayang sabi ni Vanessa.

"Nakakasurpresa naman yang sinabi mo, Claudy..." Hindi makapaniwala si Sandy na magsasabi nang ganon ang best friend niya.

"T-Talaga?"

Nagtinginan sila Romeo at Sandy na para bang "Partners-in-Crime" ang dating nilang dalawa at bigla silang nag-apir sa harapan nila. 

"Ayos! Huyasan nating dalawa para makuha nating ang goal na makapasok!" Ngiting sabi ni Sandy.

"Oo nga! Sabay tayong makapasok sa Dhalia U!" Pumayag naman din siya sa kaniya.

⳾*⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*⳾

One Day Later (Present Day)

"L-Late na tayo!!!!!!!!"

Sabay silang tumakbo palabas ng hotel at nagmamadaling pumunta sa may terminal dahil ubos na ang bus sa sakayan. Sa Sunrise University ang kanilang magiging initial exams pero maraming bus ang umaalis dahil rush hour.

"Bus!" turo ni Sandy pero nakita nila na nakaalis na ang bus sa harapan nila. "May isa pang bus!" turo ni Sandy nang may nakita silang emergency truck na papunta sa Sunrise Center. Hindi sila nagdalawang isip at bigla na lang silang tumakbo, bago pa ito makaalis.

"Takbo!" Hinawakan ni Romeo ang kamay ni Sandy at sabay silang umangkas sa loob ng truck.

Tinignan nila ang loob ng truck at nakita nila na punong-puno ito ng mga relief goods na ipapadala sa ibang lugar. Bigla na lang itong umadar at ngayon lang nilang napansin na mali ang nasakyan nila.

"Waaaaaaaahhhhhh!!!!"

"Buksan ninyo ang pinto!!!" Sigaw niya habang sinusubukang buksan ang pinto ng truck.

Love Under Carolyn's DormitoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon