"So, ayun na nga. Totoo na nakapasok na talaga ako sa Dhalia U pagkatapos ng apat na beses. Kahit na isa na akong estudyante ng Dhalia U, naaksidente ako noong nalaman ko ang resulta kaya hindi ako nakapasok..." Hiyang sabi ni Romeo sa harapan ng mga bata at bigla na lang silang nagsitawanan.
"A-Anong nakakatawa?!" Inis na tanong ni Romeo at nakita niya na tumatawa si Sandy sa gilid.
"Bakit ka ba nagagalit? Ayaw mo ba na tinatawanan ka ng mga bata?" Tawang sabi ni Sandy habang kasama niyang tumatawa sila Gwen at Chloe.
"Oh my... Pasensiya na talaga. Sinabi ko lang sa kanilang lahat na Dhalia U student si Romeo. Nag-request si Mayos na magkaroon siya ng speech dahil hindi pa siya nakakakita ng isang Dhalia U student." Sabi ni Chloe kay Romeo at patuloy pa rin ang tawanan nilang lahat.
"Gosh, bakit ako?" Patuloy pa rin ang inis ni Romeo at hinampas niya ang table.
"Girlfriend ninyo po ba ang magandang babae na nasa gilid?" Tanong ng isang batang babae at itinuro ang kaniyang kamay kay Sandy.
Nagulat naman si Sandy dahil tinawag siya na maganda. Ngunit si Romeo naman ay mas lalong nainis.
"Wala na kayong pakialam doon!!"
Bigla na lang sumugod ang mga bata kay Romeo hanggang sa natabunan siya. Sabay-sabay na sinigawan si Romeo na, "Two-timer!" dahil dalawang magandang babae ang kasama niya.
Pagkatapos ng speech program ay naglakad silang tatlo sa may hallway, kasama si Chloe. Natuwa silang lahat sa nangyaring kaguluhan sa stage kanina.
"Ang galing mo naman, Romeo!" Bati ni Gwen sa kaniya.
"Talaga? Halos malapit na akong mamatay doon, eh..." Sabi ni Romeo habang pinupunasan ang kaniyang pawis.
"Ano bang sinasabi mo? In-entertain mo nga sila kanina." Sabi ni Sandy hinampas niya ang balikat ni Romeo.
"Sandy, sinabi mo na ba kay Romeo tungkol doon?" Bulong ni Gwen sa tenga ni Sandy.
"Ano? Wala naman akong sinasabi..."
"Romeo! Sabi raw ni Sandy ay..." Biglang sigaw ni Gwen sa harapan niya at agad na tinakpan ni Sandy ang bibig niya para hindi na makapagsalita.
"Eh?" Takang tanong ni Romeo dahil napapansin niya na parang may alam sila na hindi niya alam.
"W-Wala, Romeo!!"
Lumapit si Mayor, kasama ang mga bata para kausapin si Romeo. Si Mayor ay lalaki na matanda na, pero masaya pa rin siya dahil sa nangyari kanina.
"Pasensiya ka na, iho. Bago pa lang sa akin na makakita ng estudyante ng Dhalia U kaya napa-request ako ng speech sa'yo..." Sabi sa kaniya ni Mayor at nag-peace sign pa siya.
"Hindi ko po alam kung nakatulong po ba ako sa inyo..." Hiyang sabi ni Romeo habang kinakamot niya ang kaniyang ulo.
჻ღཾཿ༉ ༘჻ღཾཿ༉ ༘჻ღཾཿ༉ ༘჻ღཾཿ
Pagkatapos nilang kumain ng gabihan ay nasa kuwarto na sila Romeo at Sandy. Naghanda sila ng mainit na tsaa dahil malamig ang gabi.
"Hindi ko alam kung bakit naiisip ko na si Gwen ay parang nanay ko..." Sabi ni Romeo habang umiinom siya.
"Oo nga, eh..."
Napatingin si Sandy sa kaniya dahil hindi niya inakala na maraming napasaya si Romeo sa nangyari. Napangiti siya dahil mahal na mahal siya ng mga tao sa kanila, lalo na ang mga bata.
"S-Sandy?" Tanong ni Romeo dahil napansin niya na tinititigan siya. Biglang napalingon si Sandy para matago ang kaniyang reaksyon.
Hinawakan ni Romeo ang balikat niya at tinitigan niya nang mabuti si Sandy. Bumilis ang tibok ng puso ni Sandy dahil baka mangyayari na ang inaasahan niya.
BINABASA MO ANG
Love Under Carolyn's Dormitory
RomansaSince the time when Dhalia University was built a long time ago, a magical rumor was spread. If a couple gets into the university together, they will live happily ever after. However, for Romeo Mercado, Dhalia U is a distant dream. After failing to...