Pagsapit ng magandang umaga, ay nagising si Sandy at nakatulog siya sa binti ni Romeo. Napansin nila na sumikat na ang magandang araw, sa kanilang harapan.
"Good morning..." Bati sa kaniya ni Romeo na may ngiti sa kaniyang labi.
"Good morning....!" Ngiting sabi ni Sandy, pero nararamdaman niya na sumasakit ang kaniyang ulo.
Tinulungan ni Romeo si Sandy na iupo siya sa kaniyang tabi, dahil hindi sila makapaniwala na nagawa nila ang "bagay" na iyon. Hanggang ngayon ay namumula pa rin ang kanilang mukha, at nag-hawak sila ng kamay.
"Oo nga pala! Ano ang gagawin mo sa mga nakasulat sa sulat, na ipinadala ni Grandma?" Tanong ni Sandy dahil biglang pumasok iyon sa kaniyang isipan.
"Oh... Uh... Sa tingin ko ay nasabi ko na hindi iyon importante, pero naisip ko na kailangan pa rin nating bumalik! Ang tagal na noong huli nating nakita si Grandma. At siyempre... naisip ko rin na makita natin siya nang magkasama." Banggit ni Romeo at tumayo siya mula sa kaniyang kinauupuan.
"Oh... Buti naman..." Sabi ni Sandy at hindi niya mapigilang ma-impress kay Romeo. Tumayo siya ang hinawak niya ulit ang kaniyang kamay.
"Sandy... Umuwi na tayo ng hotel!"
"Okay!"
Kinuha ni Sandy ang kaniyang bag, para makita kung anong araw uuwi si Grandma. Bumilog ang kanilang mga mata, nang makita nila na ang date na siya'y babalik ay the 10th. Ngayon ang araw na kung kailan siya babalik. Kaya tumakbo sila nang mabilis pabalik sa loob ng ruins, para gisingin silang lahat.
"Guys! Gumising na kayo! Dali!" Sigaw ni Sandy nang makarating sila sa templo.
"All troops out of bed!!" Sigaw din ni Romeo.
Lahat sila ay sobrang wasted dahil sa nangyaring celebration kagabi. Sa sahig sila nakatulog, at nakakalat pa ang kanilang mga plato. Unti-unti silang nagising dahil sa sobrang ingay nila Romeo at Sandy.
"Anong problema mo? Pumunta kami sa wedding banquet kagabi so sobra kaming pagod..." Sabi ni Claudia at humikab pa siya nang malakas. Sumakit ang kaniyang ulo dahil sa sobrang kakainom niya ng wine at beer.
"Uh... Eh? Akala ko nakabalik na tayo ng hotel..." Sabi ni Sarah at humikab din siya nang malakas.
"N-N-Ngayon ang araw na babalik si Grandma sa hotel! Kung hindi tayo makauwi agad nang Dhalia (ang lugar kung saan sila nakatira), hindi natin makikita ulit si Grandma!"
Bumuntong-hininga silang lahat nang marinig nila iyon. Mukhang sumuntok ulit ang kanilang antok dahil naisip nila na hindi naman nila kailangang umuwi. Hindi nila mapigilan na humiga ulit sa sahig.
"Hoy! Huwag ka ngang humiga ulit diyan!" Sigaw ni Romeo.
"Nakapag-desisyon na kayo... Bakit parang mahalaga pa rin ang nakalagay sa sulat?" Tanong ni Claudia at humiga ulit siya sa sahig.
"At sa ngayon, wala tayong paraan para makakuha ng plane tickets..." Banggit din ni Brianna at humiga rin si Sarah sa kaniyang binti.
"He he he! Guys! Alam ko na mangyayari ito kaya bumili na ako ng tickets para sa ating lahat!" Ngiting sabi Gwen at hawak niya ang mga tickets. Pinilit nilang ginising ang kanilang mga sarili nang marinig iyon. Masaya sila Romeo at Sandy dahil buti na lang ay nakabili siya agad ng tickets. Totally a lifesave talaga siya!
"Babalik si Grandma pagsapit ng alas tres ng hapon on the 10th. Ang mga tickets na ito ay para sa 9 AM flight, at makakabalik kayo ng Dhalia ng 1PM. Kaya makakahabol pa kayo sa pagbalik niya!" Dagdag paalala ni Gwen sa kanilang lahat. Binigyan din ni Gwen sila Charles at Daisy ng tickets.
BINABASA MO ANG
Love Under Carolyn's Dormitory
RomanceSince the time when Dhalia University was built a long time ago, a magical rumor was spread. If a couple gets into the university together, they will live happily ever after. However, for Romeo Mercado, Dhalia U is a distant dream. After failing to...