Day 29 - Lost in the Sea!

26 8 20
                                    

Near at the Coramde Island...

The following three person that got stranded in the middle of the ocean, riding a flatable boat under the angry sun;

Romeo Mercado (19), Sandy Alvarez (18), Gwen Figaroa (21)...

"Ang init..." Bulong ni Sandy.

"N-Nagugutom na ako..." Bulong ni Romeo habang hinahawakan ang kaniyang tiyan.

"Phew... Nauuhaw na ako..." Sabi naman ng pangatlong tao.

Paano nangyare iyon? Few hours ago...

⳾*⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*⳾

"Hindi ko alam na nakatira ka sa Coramde. Hindi ako makapaniwala." Sabi ni Sandy habang inaayos ang kaniyang sumbrero.

Nasa fish port sila ng Leiden sa may southern sea na kung saan ay nandoon ang malaking beach ng Leiden na dinadayuhan ng mga mangingisda. Walang masyadong tao dito dahil day off ng mga mangingisda ngayon. May plano kase si Gwen na umuwi sa kanila sa Coramde kaso wala na silang pera para sa ferry.

"Sorry guys kung marami na akong utang na pera sa inyo. Lalo na ihahatid ninyo ako pauwi sa amin..." Sabi ni Gwen habang kinakamot ang kaniyang ulo sa sobrang hiya.

Kinakabahan si Romeo dahil baka mahimatay na naman siya. Nahihiya na rin kase si Sandy dahil wala na silang pera na pwedeng ipahiram sa kaniya.

"So paano ka makakauwi niyan, eh wala na kaming pera?" Tanong ni Sandy.

"Hindi na problema iyan! Dahil nagdala na ako ng flatable boat in case na mawalan ako ng pera!" Ngiting sabi ni Gwen at nilabas niya ang walang hangin na flatable boat na pabilog mula sa kaniyang bag.

"Woahh!!" Gulat nilang dalawa dahil hindi rin nila in-expect na maiisip ni Gwen na magdala siya ng ganon.

Tinulungan nila Sandy at Romeo na bombahin ang flatable boat, gamit ang pang-bomba na dala ni Gwen. Sumakay silang tatlo sa flatable boat at masayang naglayag sa dagat.

"Let's go!!"

⳾*⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*⳾

Few hours later....

"Ano na ang gagawin natin dito?!" Iyak na tanong ni Romeo dahil ilang oras na silang naka-stuck sa gitna ng karagatan.

Natawa na lang si Gwen dahil pumalpak ang plano nila na gumamit ng flatable boat para makapunta ng Coramde. Si Sandy naman ay parang nawala na ang diwa niya dahil hindi siya makapaniwala na ayun ang nangyayare sa kanila.

"Napapalibutan ng tayo ng tubig. Malungkot na nga itong trip na to at umabot pa tayo sa ganito..." wika ni Sandy sa kanilang tatlo.

"Hindi na tayo makakaabot doon, 'di ba? 'di ba, Sandy?" tanong ni Romeo.

"Basta mabubuhay pa tayo sa susunod na araw!"

HIndi matiis ang init, uhaw, at gutom nilang dalawa pero kalmado pa rin si Gwen kahit hindi umobra ang plano. Sinubukan niyang bigyan sila ng dala niyang maalat na pusit kaso tinanggihan nila. Baka raw kase mauhaw pa sila lalo.

"Umm... Gwen, May tanong ako sa'yo..." Sabi ni Romeo.

"Yes?"

"May plano ka bang mag-take ulit ng exams para sa DU next year?"

"Oo naman, ayun talaga ang magiging plano ko." Ngiting reply niya.

"Galing mo naman... Ang bilis mo talaga sumagot...

Love Under Carolyn's DormitoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon