Memory #8 ~ Memory Blurred! ~

4 1 0
                                    


"Rommy..."

Hindi makapaniwala si Sandy na makikita niya iyon. Akala niya na hindi aagawin ni Gwen si Romeo sa kaniya ngunit mukhang nagkamali pala siya.

"G-Gwen..?! Bakit mo naman ginawa iyon?" Gulat na tanong sa kaniya ni Romeo. Mas nagulat siya nang makita niya si Sandy sa ilalim ng puno.

"S-Sandy! Hindi ganoon ang iniisip mo! A...!!"

Hindi napansin ni Romeo nang biglang nadulas si Gwen sa sanga ng puno.

"Gwen!!" Tumakbo si Sandy nang napakabilis para saluhin si Gwen, ngunit napatid siya sa bato at nagkabunggo ang mga ulo nila.

Hindi alam ang gagawin ni Romeo kaya napilitan siyang bumaba ng puno kahit hindi niya alam kung paano. Dinala niya sa clinic ang dalawa at nagkaroon na sila ng malay.

Nilagyan ni Romeo ng ice pack ang ulo ni Sandy pero masakit pa rin talaga ang ulo niya. Mukhang malakas talaga ang pagkakatama ng ulo ni Gwen sa kaniya.

"Ayos ka lang ba, Sandy?" Tanong ni Romeo sa kaniya habang pinapahiran niya ng ice pack. 

Hindi pa rin niyang makalimutan ni Romeo ang paghalik sa kaniya ni Gwen. Halos tumitibok pa rin nang malakas ang puso niya.

Nabigla talaga ako doon. Hindi ko alam kung bakit niya akong hinalikan... At sinabi niya sa akin ay Rommy? Kamusta na kaya ang lagay niya?

Napaisip si Sandy kung ano ba talaga ang nangyari. Hindi niya alam kung may gusto pa rin ba talaga si Gwen sa kaniya.

"Nagkamalay na po ang pasyente." Sabi ng nars nang lumabas siya ng emergency room.

Agad nilang pinasok ang kuwarto at nakita nila si Gwen na ine-examine ng doctor, gamit ng kaniyang stethoscope.

"Ah! Rommy!! Long time no see!!" Bati sa kaniya ni Gwen at bigla niyang niyakap si Romeo nang napakahigpit.

"Kyaa!! Anong ginagawa mo, Gwen!!" Sigaw ni Sandy at sinusubukan niyang hiwalayin silang dalawa.

"Kailan ka bang pumunta rito, Rommy? Tara at maglaro tayo!!" Ngiting sabi niya.

Hindi nila alam kung anong nangyayari sa kaniya. Pero ang naisip ni Romeo ay parang bumalik siya sa kaniyang ugali noong bata pa lang.

"Doc! Ano po bang nangyari sa kaniya?" Tanong ni Sandy kay Doctor at ipinakita niya ang mga results.

"Well, wala naman siyang damage based sa X-Ray scans niya. Pero hindi ko alam kung bakit ganiyan siyang kumilos. Yung isip niya ay nakalog dahil sa lakas ng impact. So in other words, mayroon siyang Anterograde Amnesia." Pahayag ng Doctor at humarap siya sa kanila.

"A-Amnesia?!!"

Gulat silang dalawa dahil hindi nila alam kung anong gagawin kapag nalaman ito ng kaniyang ina. Nakakaramdam ng guilt si Sandy dahil siya ang dahilan kung bakit nangyari ito.

"Tara, Rommy! Laro tayo ng shake hands!!" Ngiting sabi ni Gwen at pinag-shake hands niya ang kamay nila Romeo at Sandy. Habang ginagawa nila iyon ay biglang nabahing si Gwen.

჻ღཾཿ༉ ༘჻ღཾཿ༉ ༘჻ღཾཿ༉ ༘჻ღཾཿ

Sinamahan nila Romeo, Sandy, at Chloe si Gwen para mag-picnic sa lighthouse na nakatayo sa isang burol na malapit sa dagat. Malakas ang hangin ang napakainit ng araw. Ipinaheram muna ni Sandy si Mr. Kittles dahil ito ay dating pagmamay-ari ni Gwen noong bata pa lamang siya.

Kumakaway si Gwen sa kanila habang siya ay nagtatatakbo papunta sa lighthouse.

"Mag-ingat ka, anak. Baka mahulog ka diyan sa ledge porket may picnic tayo ngayon." Ngiting sabi ni Chloe sa kaniya.

Love Under Carolyn's DormitoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon